What the actual hell just happened?

Kinakabahan ako lalo't alam kong malaking problema ang pagkahahablot ko kay Range, baka kasi may girlfriend pa iyon. Imagine the problem I bought myself, damn it.

Kinaumagahan, ikinuwento ko lahat kay Willow mula umpisa hanggang sa dulo ang nangyari kahapon. Lumaki lang ang mga mata niyang nang matapos akong magkuwento. Mangin siya'y 'di makapaniwala sa mga narinig.

Napatili siya.

"Sabi ko na nga bang dapat hindi ako umuwi, eh. Kung hindi siya maniniwala, e 'di magpapatunay akong boyfriend mo nga si Range! Pero, infairness, pasalamatan ko dapat si Connor na nag-eskandalo pa rito at saka pa lumabas iyang si Range," Willow's merry clap echoed towards the mini forest at her back.

Sa totoo nga, parang hinulog siya ng langit at sakto sa harapan ko kahapon. It was such a great timing, I must say.

"And you kissed him as well. Masarap?" Willow slightly squealed.

Sa totoo lang, hindi ko matandaan. Siguro dahil maraming nakikinuod? The feeling of the kiss was the last of my priority, but comparing it to my stupid ex, sobrang layo. Hindi ko maihahambing ang bilis ng tibok ng puso ko sa halik niya.

It was breathtaking.

"It was... fine," simpleng sagot ko.

She hissed my short answer. "Iyan na lang ang jowain mo dahil maganda naman ang kutob ko sa kanya. Iyong parang hinding-hindi ka lolokohin?"

Umikot ang mata ko lalo't binibigyan niya na naman ako ng rason para mas isipin si Range. "We don't even know the guy yet, Willow. Baka may girlfriend?"

"Wala 'yan. Ano ka ba?" gamit niya ang siguradong tono. "At kung meron bakit hindi ka niya tinulak papalayo? Bakit niya mas diniin ang halik, abir?"

Because the guy was just trying to help? Alam no'n na iyon ang iniyak ko ng manggahan kaya tutulong siyang muli. At sige ako assume dito na may ibig sabihin ang halik tapos wala naman pala talaga? But considering Willow's theory, sa laki ng katawan ni Range, mahahawi niya nga ako kung tutol siya sa halik. But he didn't. So it means...

Dalawang minors lang naman ang meron kami sa umaga at dahil tapos na kami sa ikalawang subject, mag-e-early lunch kami sa coop.

At kung tama nga ako sa napapansin, kanina pa ako pinagtitinginan ng lahat na tila ba alam nila ang ganap ko sa buhay. Makailang beses nang nagpapabalik-balik ng lakad ang iba't ibang grupo sa table namin. Okay lang naman pero kasi matalim nila akong tinitignan kapag napapadaan. Ang weird.

"Willow," slightly pulling the hem of her shirt.

"H-Huh?" babad siya sa online games kaya hindi niya ako tinignan.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Bahagyang binaba ni Willow ang cellphone saka ako binalingan ng tingin. She quickly surveyed my face then shook her head.

"Wala naman. Bakit ba?"

Then why are they lurking around like I have dirt on my face? 'Di kaya...

Naglakas loob akong mag-angat ng tingin. Some groups stood from afar and were whispering while looking directly at me. Shit. Kalat na talaga siguro sa campus ang tungkol sa halik kahapon. Tama nga talaga siguro akong sikat si Range sa campus dahil kung hindi, bakit sila ganito kung makatingin? Iyong parang susugod na lang?

Bahagya kong kinuha ang atensyon ni Willow sa pagkurot sa braso niya. Tinignan niya rin ako sa wakas.

"Uh, maybe... it's about Range? Tinitignan kasi ako ng lahat. Kanina pa talaga.."

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now