And around one, we went up to the third floor of the NB for the afternoon bit of the orientation. Dinivide kami sa apat na section bago isa-isang nagpakilala sa mga kaklase para sa unang bahagi ng program. Most of it, awkward lang lalo't nahihiya ang lahat na magpakilala.

Napaka-esktrikto din nang na-assign sa aming CI kaya halos lahat kami pinagpapawisan sa kaba. Even Willow who has a strong character, pinagpapawisan ang palad ngayon. That says a lot of how overwhelming everything is, right?

"Drop out na lang kaya tayo?" bulong niya nang kalagitnaan ng pagsasalita ng CI.

Context for his speech? Well... he was saying something like we need to top the board four years from now, and how much we needed to uphold the college's excellence. Dagdad pa niya sa huli, bawal raw ang pahinga, sulitin na lang daw ang pahinga kapag natapos na sa boards.

Like... okay?

Pinigilan ko lang ang tawa kay Willow lalo't namumutla siya sa takot ngayon.

"We can't drop out. Remember how hard it was to even get into this position? Sayang naman kung bibitawan agad natin,"

Willow just gulped.

Mabuti naman at binigyan kami ng kaunting break. Nakahinga ang lahat kahit saglit lang. At nang lumabas na nga ang CI sa room, sabay-sabay lahat na nagsinghapan.

"Parang ayaw ko na," rinig ko na sabi ng isa sa harapan.

Everyone agreed to that statement. Umingay bigla ang room sa sari-saring reklamo nila.

"Ang iba nga, iniyakan ang 'di pagkapasok dito tapos tayo sasayangin lang ang oportunidad? Makakaya naman siguro, hindi ba? Hindi pa nga nag-uumpisa, eh." ani ko kay Willow.

The screening process was gruesome, at kung ipapagawa ulit sa akin ang lahat ng iyon, aayaw na siguro ako. Bago ka pa maka-enrol ay ang dami mo pang pagdadaanang hirap muna. May balik din naman sa amin lalo't maganda ang edukasyon dito sa West. It's still a win-win situation for me.

Natapos ang orientation sa wakas.

Nakikiusyuso kami kapag nadadaanan ang mga higher years sa mga room nila nang pababa kami ng NB. Naiisip ko, kami na riyan sa susunod na mga taon at imbis na kabahan, na-e-excite ako lalo.

The next days were the same for us, kinikilala pa ng lahat ang university. Gaya ngayon, chill lang kami at wala masyadong ginagawa.

"Wala talaga, 'no? Nasasayangan ako. Next year pa ulit ang manggahan kaya hindi mo pa makikita si mystery guy ng isang taon," Willow suddenly diverted the topic.

Umayos ako ng upo. Nasa field kami ngayon malapit sa elementary nakatambay. Tinignan ko si Willow na nag-aantay ng sagot ko.

"Maybe you should give up too? Tanggap ko nang 'di ko na iyon makikita pa," natawa ako bahagya.

Not gonna lie, I felt an unusual pull towards Range. We suddenly clicked eh. Kahit ilang linggo na ang lumipas, bitbit ko pa rin sa puso ang gabing iyon. What a shame, how our connection was fast to spark and was also fast to lose luster.

Suminghap ako at tuluyan nang kakalimutan ang manggahan. Isa pa, ano naman ang goal ko sa paghahanap sa lalaking iyon? To what? Make him my next relationship? Hindi ba'y para ko na ring tinulak ang sarili sa bangin kapag ganyan? Ipagpapahinga ko muna ang puso bago sumubok muli kahit kanino. That's the right thing to do here.

Si Willow nga lang, 'di pa raw susuko sa paghahanap, iyon ang promise niya. Magtatanong-tanong raw sa ibang mga kakilala sa Guimaras kung may alam ba sila sa hinahanap naming lalaki.

Naputol ang imahinasyon ko sa eksaheradang pagsisigaw ng mga babae sa tapat na elementary, katapat lang kasi ng field. Hindi naman kita ng buo sa posisyon namin.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now