A night with him was nothing compared to my whole two-year relationship with Connor. Tama nga'ng 'di sa tagal ng panahon ang batayan ng isang relasyon, nasa tao. At first, akala ko rude siya, pero hindi naman pala.

"You want to go somewhere else then?" Range asked.

Saan naman?

Isa pa, maiiwan si Willow sa loob kaya hindi puwede. He stood up first, napatayo rin tuloy ako. Nilabas ko muna ang phone para magpaalam kay Willow na umuwi na lang at huwag na akong hintayin pa.
After my message for Willow, umangat ang tingin ko sa kasama.

Wait... Is he gonna murder me?

Ito ang sinasabi ng mga magulang natin na huwag sumama sa hindi kakilala dahil baka kung ano ang mangyari sa'yo. However, Range feels different somehow, na hindi naman iyon ang intensyon niya sa akin.

"To where?" I asked.

"You won't know since you're not from here. Don't worry. I won't bite," he grinned.

Magkasabay kaming naglakad palabas ng plaza. Maghahating gabi na siguro at ang rave na lang ang nagbibigay ingay sa tahimik na lugar. I should probably text Willow his name just in case I get in trouble or if he ends up murdering me.

Sa katawan niya pa lang neto, hinding -hindi na ako makakapanlaban pa. Patay kaagad.

Mas lumiliit ako sa tabi niya. As a Filipina, hindi ako maliit. I'm an average in fact, hindi rin nga lang masyadong katangkaran. I'm skinny but not much, it was enough to highlight my clavicle and tight gap, kind of skinny. Ang mapusyaw kong balat, nakuha ko kay Mama, even her long silky hair.

"Saan ba?" tanong ko ulit, halatang may kaba na.

Range pointed the market entrance. Bukas pa naman at maliwanag sa loob, wala nga lang tao. Tumango ako sa huli. Nakasunod lang ako sa likod niya nang mahinto siya sa isang batchoy stand.

"You must be hungry," he said. "You did not eat much back on the restaurant."

Paano niya nasabi?

Bahagya akong nagtaka. Range suddenly gulped and prevented himself from speaking more. He was that observant o ako lang talaga ang tinatanaw niya mula pa kanina?

"Bakit mo alam?" kuryoso kong tanong.

"You left so much on your table kaya paanong hindi ko alam?" his brow raised, binalik sa akin ang tanong na para bang sinabi niyang mali ako ng iniisip.

Uminit ang pisngi ko roon.

Though, more than the blushing, I can't help but admire how good the arch of his brows are. Ang perpekto tignan.

"Ahh..." binaling ko ang mga mata sa batchoy stand, nilayo na ang atensyon sa iba imbis na sa guwapo niyang mukha.

Una akong pumasok sa loob. Sumunod din naman siya, iyon nga lang, kami lang ang 'andito. Siya ang um-order kaya naiwan akong mag-isa sa lamesa. He came back minutes after with puto and water on his hand. At dahil nauuhaw nga ako ay inagaw ko ang kalalapag niya pa lang na tubig sa lamesa.

"Wala namang lason 'to?" tanong ko, tapos na rin namang inumin ang tubig.

Natawa siya bahagya. "Kung meron, ano ang gagawin, eh, nainom mo na?"

Bago pa ako makapagprotesta ay nauna na siyang magsalita.

"Just kidding. I won't hurt you if that is what you are worrying about since earlier.." aniya sabay kain ng isang puto. "But your boyfriend already did, so better if break up with him now,"

Suminghap ako dahil kahit 'di niya pa sabihin ay iyon nga ang gagawin ko. Ano pa ba ang rason ko para 'wag tapusin?

"I will. No need to tell me."

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt