Mas madami ang turista rito sa plaza ng datnan namin. Marami ring stalls at booths na nagbibenta ng mangga ang nakahilera papasok. Bumili lang kami ng mango shake, iyon ang bitbit namin ni Willow habang naglilibot sa plaza.

Biglang may tinuro si Willow sa gilid kaya ako napatingin.

"Unli daw oh," she reads the sign.

At dahil na-engganyo nga kami sa dami ng tao sa loob ay pumasok na rin kami, see what's the rave about. Mabuti't nakuha namin ang huling dalawang seats, sa dulo nga lang ng lamesa 'to. Nilapag din ng attendant ang maliit na basket ng mangga ilang segundo lang nagpakakaupo namin.

The other men on our table were a bit rowdy. Umusog ako ng upuan dahil ayaw ko ng walang katuturang ingay. At dapat ba talagang mag-ingay? Oo festival 'to. Pero kailangan talagang sobra-sobra kung sumigaw?

"Kailangan ba talagang mag-ingay? tumaas medyo ang boses ko, parinig sa mga 'to.

Tumikhim ako lalo't ganiyan talaga ako pagnaiirita. Wala nang hintay-hintay pa, sabog kaagad ako sa inis.

Hindi ko na tinitignan ang katabi kong lalaki dahil siya ang pinunto ko. Kitang-kita ko ang pagtahimik ng iba niyang kasama. Base sa mga hitsura nila ay 'di naman nagkakalayo ang edad namin. Early twenties, I guess?

At dahil nagminaldita na naman ako'y ramdam ko na lang ang lakas ng pagkakasipa ni Willow sa kaliwa kong tuhod. Pinanlakihan niya ako ng mata at pinapatigil.

What? Is it my fault now?

The man in front me, the one beside Willow, was extremely silent. Nasa katabi kong lalaki ang tingin niya, mukhang nang-iinis sa paraan ng pagkatahimik, para lang naman iyon sa 'kin. And solely basing on their appearances, para silang mga taga-rito talaga, lokal at mukhang 'di mga taga-syudad. Their evident tanned-skin solidifies that conclusion for me, siguro dahil sa mga trabaho rin nila?

Pagsasaka o pagmamanga?

Anyway. At least they got my message clear, right? Tumahimik naman sila nang nagreklamo ako.

"Ang suplada mo kahit kailan, Saint. Ang guwapo pa naman ng nasa gilid mo kanina. Sayang," Willow wiggled her brows maliciously.

Hindi ko naman nakita kaya hindi ko makaka-agree.

"Hindi ko nakita," dismissing the topic already.

"Baka iyon na ang mga hacienderong sinasabi ko, Saint!" mas nakakairita niyang giit.

Ah, they don't look like one to me? And if yes, wala rin naman akong pakialam.

Umiling ako. "Wala naman akong pakialam sa estado ng buhay nila. At saka may boyfriend-"

"Ah, ang boyfriend mo? Ang cheater mong boyfriend?" pagputol niya.

Real talk sucks when it comes to her.

Natawa ako sa kanya imbis na mainis. Kung marinig na naman ni Connor 'to mula sa kanya ay away na naman sa amin, kesyo, bi-ni-brainwash daw ako ng kaibigan, ganoon.

Kinurot ko siya bahagya sa tagiliran. "Give him a bit of chance. Baka naman mali ka?"

Malutong niya akong inirapan bilang sagot kaya natahimik na rin ako sa wakas. We finished the whole basket, hindi na kami nagpadagdag pa.

Ang sabi kanina sa information, may cultural dance contest raw ngayon. Napagdesisyunan na lang naming manuod pampalipas oras. Pumuwesto kami malapit sa railings ng stage, swerte nga at nakasinggit pa sa dami ng nakikinuod.

Although the sudden luck I was talking about turned into a bad one when I saw the rowdy bunch of men again. Nandito pa sa tabi ko. Naglalaro ba sila at ba't nagtutulakan? At sa sobrang bilis ng pagkakatumba ko'y mas sumabog ako sa galit.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now