Tsinelas

85 11 0
                                    

Bagay talaga tayong dalawa
Ikaw ay para sa kanan
Ako naman ay para sa kaliwa

Tipong wala akong silbi kong wala ka
Walang saysay ang katulad ko kapag wala ka na

Sa paglalakbay ay laging magkasama
Iisa lang ang ating nilalakaran
Iisa lang ang ating patutunguhan

Minsan ika'y nauuna
Minsan ako'y nahuhili

Ngunit kahit ganoon
Kapag tayo ay huminto
Tayo ay magtatagpo.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt