IKAW

179 37 3
                                    

Ikaw
Modernong_Writer

Hito na naman ako
Mag-isang nakaupo
Ika'y laman ng isip ko
Bakit laging ganto

Pangalan mo
Laging laman ng notebook ko
Di mawaring naisusulat ko
Sa paraang gusto ko.

Gusto kong makita ka
Gusto kong makasama ka
Gusto kong malaman nila
mahal kita

Sanay mahawakan ko muli ang iyong kamay
Sa ating paglalakbay
Hindi man makasabay
Sa agos ng buhay

Kaya kong sabihing miss na kita
Kaya kong iparamdam na mahal kita
Kaya kong ipakitang akin ka
Kaya kong gawin ang lahat para makasama  ka

Kahit na sabihin nilang ako'y bata pa
ang mahalin ka wala ni isa ang makakapagdikta
Kung bakit mahal kita
Kahit na ako'y bata pa.

Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya
Sa mga oras na kasama ka
Sa mga panahong nandyan ka
Binigyan mo ang buhay ko ng sigla

Minutong lumilipas
Kasabay ng oras
sana'y pagdating ng bukas
Makita ang ating landas

Pilitin mang bumalik sa katinuan
Wala pa ring katuturan
Dahil aking kaisipan
Kinakain ng upuan

Kaya't sa bandang huli
Makita at makasama kang muli
Kahit na sa kaunting sandali
Sanay ito'y mangyari.

PUNIT NA PAPEL (TULA)Where stories live. Discover now