Chapter 1

270 131 146
                                    


Oh, my, gosh, sis! ang ganda naman ng phone mo. Mapapa-sana all ka talaga!

Well, padala lang naman to ng mommy galing sa America. Ang ganda no? Ganda rin ng camera nito, eh. Gusto n'yo i-try?

~~~~~~~

Bro! ano? sama ka na sa 'min mamaya d'yan sa bagong bukas na computer shop? Sige na, malapit lang naman.

Bro! alam n'yo naman 'di ba? papagalitan ako ni papa 'pag sumama ako.

Tsss, bro naman, 'wag kang magpaalam kase. One hour lang naman, after n'yan uuwi agad tayo.

~~~~~~~~~

Guys, omg! Omg! May bagong bukas na coffee shop sa labas ng school natin. Tara mamayang uwian, try natin!

Oo nga Guys! na daanan ko nga kanina, mukhang masarap.

Guys, omg! tara sige na alam n'yo ba? feel ko madaming dadayo d'yan galing sa Dweight International School. Alam na this...

~~~~~~~
Napapangiti nalang ako deep inside habang nakikinig sa mgausapan ng mga kaklase ko.

Ano kaya ang feeling maging katulad nila? Ang tanging problema lang sa buhay, eh, kung anong flavor ng Milk tea ang bibilhin?

Kung paano mapapansin ng crush nila?

Kung paano makakatakas sa parents nila at makapag-enjoy kasama ang barkada?

Kung kelan sila bibilhan ng bagong cellphone ng parents nila?

Kung paano makuha ang attention ni crushm

Ilan lang yan sa mga problema na naririnig ko sa mga classmates ko. Pero ang iba naman may mga malalalim talaga problema.

Kagaya nalang ng isa kong classmate ngayon na absent kase nasa hospital ang ina at walang mag babantay sa kanyang mga kapatid.

Everyday nakahiligan ko ng makinig sa mga kaklase ko dahil sa paraang iyon gumagaan ang loob ko.

I always imagine myself doing the things that they usually do after class.

I always imagine that I am just a normal kid like them.

Pero wala, eh, everyday din pag tumitingin ako sa mga classmates ko, I will always be reminded by the mere fact that I'm different, I can never be a normal kid like them.

Lumaki akong walang kinikilalang magulang at ang nag palaki sa 'kin ay ang Lola Mama ko na ang totoo ay 'di ko naman talaga ka dugo. Ang sabi n'ya nakita lang daw n'ya ako habang nag lalako siya ng kanyang paninda sa kalye. May nakita daw s'yang isang malaking bag at nang tingnan niya isang sanggol.

Kahit na kapos sa pera inuwi ako ni lola mama sa bahay n'ya at pinalaki ako ng puno pagmamahal na pinagkait sa akin ng aking tunay na magulang.

Sobrang laki ng pasalamat ko sa Lola Mama kong 'yun dahil kong 'di dahil sakanya 'di ako mabubuhay sa mundong ito. Pero dahil sa sakit at complication na dala ng katandaan pumanaw s'ya three years ago kaya ka'ylangan kong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral para may makain sa araw-araw.

Fighting the Emptiness Within (UNDER REVISION)  Where stories live. Discover now