I nodded. Naniniwala ako sa'yo, Virgo. Alam kong poprotektahan mo ako.

I don't think his mansion is my safe place but he is. When I'm with him, I feel like I'm at peace. I can protect myself pero ngayon ko lang naramdaman na... ang saya pala kapag alam mong may magtatanggol sa 'yo. Kapag alam mong palaging may nand'yan para sa 'yo.

Nahulog na ako sa kanya... alam ko 'yon.

Hindi ako susunod sa mga sinasabi niya, hindi ako sasama at hindi ko hahayaan 'yung sarili kong mapalapit sa kanya kung wala akong nararamdaman para sa kanya.

"You can lean on my shoulder, love. Take a sleep and I'll wake you up later," aniya

Hindi naman ako inaantok. "Ayokong matulog, Virgo,"

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at inakbayan ako. "You're cold," aniya.

Malamig talaga," sagot ko. Naka jacket kami pareho pero ramdam niya pa rin ang panlalamig ng katawan ko.

Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko kaya napangiti ako. Sa kanya lang ako naging komportable ng ganito.

Nakatulog ako taliwas sa sinabi ko sa kanya kanina. Ginising niya ako at napag-alaman kong nasa New York na kami. "May bahay ka ba rito, Virgo?" tanong ko.

"Yeah. Are you tired?" tanong niya habang inilalagay ang luggages namin sa compartment ng kotse. May tinawagan pa siya para sunduin kami.

"Hindi, nagugutom lang," sagot ko.

"Do you want to go to restaurant or I'll cook something for you?" Tiningnan niya ako kaya napakunot ang noo ko.

Does he know how to cook? I hope all because I don't know how to fucking cook. I just know how to eat but not how to cook. "Just cook for me," I told him.

"Alright, love."

Tumigil ang driver sa pagmamaneho sa tapat ng malaking bahay. Mansyon din 'to at nag-iisa lang. May malaking gate kaming nalagpasan kanina at iyon ang entrance ng mansyon na ito. Kulay asul ang bubong at ganoon din ang bahay. May mahabang swimming pool sa harap at napakalaki. Napakayaman ni Virgo pero nag-iisa lang siya. Paano niya nahahandle ang lahat ng pera niya?

"Let's go inside." Virgo held my hand. Tumango ako at sumunod sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil mas maganda ang mansyon niyang ito kesa ang mansyon niya sa Pilipinas.

Nang nakapasok kami sa loob ay pinagmasdan ko rin ang loob. Sa sala ay may malaking chandelier sa taas. Ang bawat malalaking bintana ay parang kagaya sa mga malalaking kumpanya dahil malalaki ang bintana na ito. May malaking bilog na white carpet sa sala at mahaba ang kulay puting sofa. May dalawang mini table na parang kagaya sa Japan kaya kapag gagamitin ay hindi na kailangan ng kahit anong upuan dahil pwedeng sa white carpet na lang umupo.

Sa harap ng mahabang sofa ay may tatlong kulay puting sofa na pang-isahan lang. Dining area naman hindi kalayuan sa living room. Kulay puti ang lamesa pati na rin ang mga upuan.

"I'll just cook for you." Naagaw ni Virgo ang atensyon ko. Tinanguan ko siya kaya umupo ako sa pang-isahang sofa.

Iniisip ko kung hindi ba siya nalulungkot mag-isa? He has a lots of money, mansions, cars and big bikes but he doesn't have anyone to relay on. Ako kaya, kaya ko bang mag-isa?

Masarap siyang magluto. Hapon pa lang kaya niyaya niya akong lumabas. I was wearing a brown long sleeve turtle neck with black jeans and black high boots. Hanggang sa tuhod ko ang boots ko at may suot din na brown winter gloves. Virgo was wearing a white turtle neck long sleeve and black coat. He was also wearing a black jeans and black rubber shoes. May kulay puti naman na nakapulupot sa leeg niya.

Cerchio di Demoni (Del Fuego #3) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin