Chapter Forty

Magsimula sa umpisa
                                    

"W-What?"

Naramdaman ko ang mga kamay niyang gumapang paikot sa mga binti ko.

"Stop forcing me to go and take a deep breath, baby." malumay niyang sambit na ikinalito ko.

Sinunod ko siya at huminga ng malamin. I felt him kissed the side of my head. "Now, hang on tight."

Bago ko pa malaman ang ginagawa niya ay may malakas na pagsabog ang yumanig sa silid.

Nagsimulang magsigawan ang mga hari't reyna sa loob at dumilim ang buong paligid. Kahit ang mga kawal ay mabilis tumakbo para tingnan ang nangyari.

"Traydor!!"

"Anong ibig sabihin nito?!"

"Daniel!"

Nangingibabaw ang malakas na sigaw ng hari. "Traydor ka pa rin hanggang ngayon, Daniel!!"

"Ngayon na!" napaigtad sakin ang pamiyar na boses. Si Haring Daniel.

Akmang lilingon na ako sa direksyon nilang lahat nang mabilis na umangat ang katawan ko sa ere.

Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nalula ako sa hanging mabilis na dumadapya sa mukha ko at sa malakas na tunog ng lipad ng pakpak.

"Hindi!!"

Samu't saring mga sigawan pa ang naririnig ko hanggang sa unti-unti iyong naglaho papalayo.

Natulala ako sa bilis ng mga pangyayari. Parang kakapusin ako ng hininga. Ramdam ko pa rin ang mainit na mga braso ni Laurent na nakahawak sa akin habang ako ay nanatiling hindi makapaniwala.

"Breathe, baby." he chuckled. "I'm not letting you go."

Mahina akong humarap sa kalawakan.

Sobrang taas na namin mula sa palasyo. Sa lahat. Kahit sa mga ulap. Naaanig ko ang ganda ng kaharian ng Axiom rito. Mula sa mataas na palasyo hanggang malalawak na lupain at pamayanan.

"T-This is impossible.."

Napapalibutan kami ng mga bituin. Kahit saan ako tumingin ay may iba't ibang kulay na butuin at nahuhulog na mga maliliit na bulalakaw. Nangniningning ang buong langit.

We are surrounded by stars.

Halos mapaluha ako dahil sa mga nakikita ko. Ilang segundo pa ay may gumuhit sa kalangitan na pulang ilaw, kagaya ng sa kagabi.

Napatingin ako sa nilalang na may kagagawan nito at ang nakahawak sakin ngayon.

I thought I would caught him staring at the stars but instead, he's staring at me.

May maliit na ngiti ng pagkamangha sa mga labi niya. Tila nakalimutan na namin ng tuluyan ang mga nangyari.

"Millions of stars in the sky, but I chose to look at your eyes." he muttered out loud.

Kumawala ang isang luha mula sa mata ko nang sabihin niya iyon. Paano ko iiwan ang lalaking ito?

Sumiwalay ang hindi inaasahang ngiti sa labi ko. Nawala na parang iglap ang mga nararamdaman ko kanina. Ang sakit, takot at pagkahina ay nakalimutan ko na. Para akong nabunutan ng tinik.

Dumako ang tingin sa likuran niya. Pakpak. Itim na mga pakpak na tila sa mga anghel. Sobrang lakas ang hampas nito sa hangin at hinahawi papalayo ang mga ulap. Namamayagpag ang tunog ng mga ito dahil sa paglipad.

Sumagi sa isipan ko ang litratong pinakita sakin noon ni Chloris. Kagayang-kagaya niya ang mga iyon.

Napakaganda niya. Ravensiel.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon