"ung dapat lawrence, ayun lang un gagawin mo"

"UMALIS KA NA DITO!! DUN KA NA LANG SA TAONG PINILI MO!!!" sabay kaming napatingin ni paul sa loob ng bahay nila gavin, gustong gusto ng mga paa ko na tignan kung okey lang ba sila pero parang biglang umurong sa katawan ko lahat ng tapang

"mauuna na ako lawrence, ikaw na bahala sa kanila" isang tapik sa balikat ung binigay sakin ni paul, gusto ko siyang pigilan para sa bihin na tulungan niya ako kasi alam kong hinde na ako ung kailngan nila sa loob pero pano ko un gagawin kung alam ko  naman sa sarili ko na si paul ung kalaban ko sa lahat ng bagay

"nga pala lawrence, pag iniwan mo si gavin pasensyahan tayo di ko na siya ibabalik sayo"

gavin's pov

"UMALIS KA NA DITO!! DUN KA NA LANG SA TAONG PINILI MO!!!" napaupo ako sa sahig nung tinulak ako ni mama, pinipilit ko kasi siyang palitan ng damit at punasan sana kaso nakakatakot tignan ung mga mata niya, sobrang nakakatakot dahil alam ko na hinde madali ung pinag daanan niya.

masakit isipin na mas pinili kong maging masaya, pero masaya ng ba ako sa pinili ko? tama pa ba na pinag lalaban ko kung anong alam kong tama sa puso ko at hinde sa mata ng lahat, 

nakakatakot ung ngyayari kay mama hinde ko lubos maisip na magiging ganito ung epekto nito sa kanya, alam kong mahirap pero hinde sa ganitong paraan ko nakikita na tatangapin ni mama lahat, una alam ko kung gano siya katapang na tao pero na kay papa lang pala lahat ng tapang niya, at ngayon wala si papa sa tabi niya, para na din siyang nawalan ng lakas at tapang

hinde ko sasabihin na naiintindihan ko lahat, pero hinde nman ako manhid alam ko, kung gano kahirap ung sitwasyon ni mama ngayon, dinaanan ko yan at alam kong napakahirap mabuhay ng meron kang sariling mundo

"UMALISSSSSSS KA NAAAAAAAAAAAAAA" ayoko sanang umalis sa kwarto ni mama, mas gusto ko kasi na asa tabi lang niya ako habang nag hihirap siya, gusto kong maramdaman niya na andito ako, pwede niya din akong maging lakas pero siguro nga tama siya ako may kasalanan ng lahat

"okey ka lang mahal ko?" bungad sakin ni lawrence pag labas ko ng bahay, okey nga ba ako? okey ako kasi kasama ko si lawrence, pero hinde ako okey kasi alam kong sinara na ang pamilya namin dahil sakin

"sorry" napatitig ako sa mata ni lawrence na punong puno ng sakit, alam kong sinisisi niya ung sarili niya sa mga ngyayari samin, ilang beses ko na bang pinilit sa sarili ko na hinde niya kasalanan? meron bang dapat sisihin sa lahat ng to? kung meron kami ba un? si lawrence ba?

"bat ka nag sosorry ginusto mo ba to?" gusto kong maawa kay lawrence pero kung siya na nman at ung nararamdaman ko ang iintindihin ko, pano nman si mama at si papa? pano na ung pamilya namin? hinde ba sapat na ung pagiging makasarili ko para sa kakaliga ng puso ko, kasi sa nakikita ko ngayon masaya nga ung puso ko pero hinde nman ako pinapatahimik ng utak ko

"kung hinde sana ako bumalik, kung di sana kita pinilit, hinde ka sana ngayon nahihirapan, hinde kayo dadaan sa ganito, kahit saan mo tignan alam ko malaki kasalanan ko" 

gustong gusto ng mga paa ko sundan si lawrence, gusto ng bibig kong sumigaw, pero ang hinde ko maintindihan kung bakit parang wala akong magawa kahit pa alam ko na kaya ko pa....

paul's pov

"si papa???!!!" halos pabalibag kong sinara ung pintuan ng bahay namin pag pasok ko pa lang, wala akong pakielam kung ngayon lang nila ko nakitang ganito, eh ano ngayon nasasaktan ako para sa babaeng mahal ko, kung kinakailngan kong pakiusapan si papa gagawin ko, kung ano iuutos niya sakin gagawin ko, makatulong lang ako kay gavin, 

"kung ang kinagagalit mo sakin paul ay ungtungkol kila gavin, magagawan yan ng paraan" napatitig ako kay papa na bumababa sa hagdan, hinde ko maintindihan pero parang meron kakaiba sa kanya, kilala ko si papa alam ko na hinde siya masamang tao, pero sa nakikita ko ngayon parang ibang tao ung kaharap ko

"kailan pa to pa? kailan pa tayo yumaman ng ganito?" pag tatakang tanong ko, alam ko na may kaya kami pero makabili ng kompanya? napakaimposible nun, hinde sa minamaliit ko ang kakayanan ni papa pero talgang kahit anong pilit ko sa sarili ko parang ayaw maniwala ng puso ko na ganito na kami kayaman

"pa tulungan mo sila gavin, pls papa" seryoso kong sabi pero kay mama ako nakatingin, gusto kong makita niya na kailngan ko nag tulong para makumbinsi ko si papa

"madali yan gusto mo paul, ituloy niyo ni gavin ung kasal, at tutulungan ko sila" 

hinde ko alam pero biglang lumakas ung tibok ng puso ko sa sinabi ni papa, kasal kay gavin? matagal ko ng pangarap un, ilang beses ko na bang pinilit ung sarili ko sa kanya? kung malalaman ba niya na pagpapakasal lang sakin ung makakapag ayos ng buhay nila ulit, papakasalan na ba niya ako??? 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALAM KONG NAPAKA O.A SA TAGAL UNG UPDATE KO SORRY PO INUNA KO LANG PONG TAPUSIN UNG MIIM SORRY PO, TSKA SOBRANG B.C PO TALGA AKO SA PAG AARAL NGAYON, DONT WORRY KAHIT MAHIRAP, DI KO KAYO IIWAN SA ERE, TATAPUSIN KO TO KAHIT MADAMI NG BUMITIW SA PAG BABASA NITO, AT MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAG IINTAY PA DIN SOBRANG SALAMAT PO TALGA MWAHHHHH

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now