1st shot

232K 1.9K 812
                                    

!! "gavin! gavin dali halika dalian mo" hinatak ako ng magaling kong bestfriend na si danica >,< parang nag hahatak lang siya ng papel tpos mukang kinikilig pa naiisip ko tuloy mnakita na nman siguro niya ung crush niya >,<, para kaming nag tatag of war dahil hinihila ko din ung sarili ko palayo sa kanya, siyempre hinahanap ko din si crush

O_O  mata ko yan pag pasok ko sa canteen

waaaaaaaaaa alone siya

this is it my chance na nman ako!!

"ops san ang punta te?!" nakasimangot na sabi ni danica sakin, syempre nakita ko si lawrence kaya lalapit ako sa kanya para sabihin sa kanya na 'crush ko siya'lagi ko naman un ginagawa simula pa lang nung first year kami ni danica, di ako nahihiya kasi nman crush ko nman talga si lawrence T_T.

naalala ko pa nga nung unang araw ko sinabi sa kanya na crush ko siya, 1st year kami valentines nun tpos inabutan ko siya ng rose, medjo napakunot nga ung noo niiya kasi nman kababae kong tao ako pa ung nag bigay sa kanya ng rose, pero kinuha naman niya at nag pasalamat siya sakin, pag talikod niya sumigaw ako ng 'crush kita lawrence', pero hindi nman niya ako nilingon T_T

ako nga pla si gavin joehann vitan, maganda! hindi nga lang ako kaputian pero hindi din naman ako ganong maitim, level lang kung baga, 4th year high school sa isang sikat na school sa sanpedro laguna at crush na crush ko si lawrence cristian perez! crush ko na siya simula pa lang nung 1st year ako, at simula nung nalaman ko na crush ko na siya araw araw ko un sinasabi sa kanya tpos sasagot siya sakin ng 'hindi kita crush' sabay talikod, ok na un at least sumagot diba?

sikat kasi si lawrence sa school na to, sabagay hindi ako mag tataka captain ng basketball team ng school namin,  running for valedictorian, mayaman, singkit, maputi matangos ung ilong, kissable lips, o diba saan kapa!! crush talga ng bayan yan.. at sad to say kasama ako sa bayan na un :( na hindi pinapansin ni lawrence

"pupuntahan ko si lawrence" sagot ko kay danica habang tinatangal ko ung kamay niya na nakakapit sa braso ko para pigilan ako sa gagawin ko.

"mapapahiya ka na nman nakita mo na nga na ang daming tao e" malungkot na sabi ni danica sakin, tama naman siya kasi nman 4 na taon ko na tong ginagawa kay lawrence kada makikita ko siya sinasabihan ko siya ng 'crush kita' pero palagi niya akong tinatalikuran, wala nman masama sa crush diba?

"ahm sige last na to" sabi ko kay danica habang nakapout ung lips ko, kailangan maawa siya para bitiwan na niya ung braso ko....

nanging effective nman ung pagpapacute ko kay danica kaya initiwan na niya ako.. nilabas ko ung salamin ko, wow lang ang ganda ko! hahaha ok ako na bilib sa sarili ko, ayos ng buhok na curl, yes muka na akong barbie!, ayos ng uniform, ok linis tide na!

hinga ng malalim! at dahan dahan akong lumapit kay lawrance na magisang kumakain sa canteen, mdalas ko siyang nakikita na kumakain mag isa sa canteen, kaya madalas ko din siyang pinepeste dito at sasabihin kong...

"hi CRUSH" kung kanina parang palengke sa ingay yung canteen ngayon naman mapapagkamalan mo na simbahan to dahil tumahimik lahat ng tao at samin lang ni lawrence nakatingin, di nman ako nahihiya kasi lagi nman nila akong nakikita na sinasabihan ko si lawrence na crush ko siya.

'pls pls pls sabihin mo saluhan kita sa pagkain' bulong ko yan sa sarili ko habang nakatingin ako sa mga mata ni lawrence. nakatayo kasi ako sa harapan niya habang nakatingin siya ng diretcho sakin.

waaaaaaaaa ngumiti siya!!! 

oh my gash this is it!!!

walisin niyo na ung sahig at gugulong na ako!!!

"umalis ka na DI KITA CRUSH"

boom! sinabi na nman niya ung kanyang majic word! ouch na nman ang feelngs ko for 30 thousand times...

"last na kagagahan mo na yan ah!" ngumiti na lang ako kay danica habang hinihila ako palabas ng canteen, pwes this time ako na ung na walk out kahit pa hinila lang ako ni danica, ok na un mas mapapahiya ako kung tatayo si lawrence at tatalikuran na nman niya ako,

last na talaga un!!!!

ngayong araw :)

>>>>> fastfoward>>>>>>

graduation na nmin ngayon, tinigilan ko na din ung pag sasabi ko kay lawrence na crush ko siya kasi pakiramdam ko mahal ko na siya, nakakainis lang hindi ko na magawang sabihin sa kanya na mahal ko siya, syempre ibang level na un noh nakakahiya na ng bonggang bongga kung pati un sasabihin ko pa sa kanya sa harap ng maraming tao, tska baka sagot lang niya sakin 'di kita mahal' kagaya ng lagi niyang saot sakin na 'di kita crush'

nagpalakpakan lahat nung tinawag si lawrence sa stage para sa speech niya, ang gwapo pa din niya tignan kahit nakatoga siya, tpos naka eye glass pa haysss lawrence lawrence....

"bago po sana ako mag speech, my sasabihin lang po sana ako sa tao na lagi kong sinasabihan ng DI KITA CRUSH" npahawak ako bigla sa dibdib ko kasi nman ang bilis bigla ng tibok ng puso ko, kinakabahan kasi ako baka dito pa ako ipahiya ni lawrence, T_T ok lang kahit pa sabihin niya na 'di kita crush' wag lang niyang bangitin pangalan ko, nakakahiya nman kasi sa parents ko na nanunuuod.

"nakakatuwang isipin na kababae mong tao, ikaw pa lumapit sakin para sabihin sakin na crush mo ako, uulitin ko ung lagi kong sinasagot sayo pag sinasabi mo na crush mo ako, DI KITA CRUSH" di ko alam pero sa dami ng bese niyang sinabi na hindi niya ako crush pakiramdam ko eto ung pinakamasakit sa lahat kaya hindi ko na napigilan ung mga luha ko, nakakainis ka! graduation ipapahiya mo pa ako!!!, kaya bago pa niya bangitin ung pangalan ko, tumayo na ako para pumunta ng cr at dun nalang ako mag kukulong para pag labas ko tapos na ung speech niya!

"DI KITA CRUSH GAVIN JOEHANN VITAN!" T_T napa woooooooooah lahat ng tao sa auditorioum nung sinabi ni lawrence ung pangalan ko! kaya kahit na basang basa na ung luha ko at ng lalabo na ung paningin ko pinagpatuloy ko na lang ung paglalakad ko, pahiyang pahiya na ako ano pa aasahan ko sa loob! sila na lang grumaduate!!!

"KASI MAHAL KITA!" 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon