Chapter 7

1.9K 177 128
                                    

Chapter 7: Solitary Confinement
Zanashi

Dalawang buwan na ang lumipas mula nang maging bihag kami ng mga sundalo. Mahirap dahil malayo kami sa pamilya namin at sa nakasanayan naming buhay pero bukod doon ay ayos naman ang pagtrato nila sa amin. Maliban na lang siguro sa mga masasamang salitang maya't maya kong naririnig mula sa mga kasamahan namin sa trabaho. Ang ilang sundalo ay hindi rin maganda ang tabas ng dila pagdating sa akin.

Nitong lunes lang, inutusan kaming ihatid ang pagkain ng mga sundalo sa training ground. Hindi ko makalimutan ang araw na iyon dahil doon ko natunghayan ang pangyayaring nagpatunaw at nagpainit sa damdamin ko.

Sa isang gripong naroon sa gilid ng training ground ay may isang sundalong naghuhugas ng kanyang kamay, pagkatapos ay nagmumog siya, tapos hinugasan niya ang kanyang ilong, naghilamos, binasa niya ang kamay hanggang siko, at hindi ko na masundan pa ang ginagawa niya.

Nang matapos siya'y pumunta siya sa mainit na parte ng training ground kung saan medyo malayo sa iba pang mga sundalo. Bigla na lang tumahimik ang paligid. Ang mga sundalong nagtatawanan kanina ay bigla na lang tumahimik.

"Abdul, dito ka na magsambayang. Masyadong mainit dyan," tawag ng isa sa mga sundalong nakaupo sa lilim ng puno.

"Oo nga. Baka lalong malihis ang atensyon mo dahil sa init. Dito ka na lang muna sa lilim."

Nagpasalamat ang tinawag nilang Abdul bago siya nagsimulang magsambayang. Nanatiling tahimik ang lahat. Ang iba'y itinuon na lang ang paningin sa baril na hawak, ang iba'y nililibang ang sarili sa pamamagitan ng pagsulat sa lupa gamit ang maliliit na kahoy na nakakalat lang kung saan-saan, at ang iba'y sandaling sumandal sa puno at pumikit.

Maya-maya lang ay dumating ang isang grupo ng mga sundalong maingay na nag-uusap. Halos sabay-sabay na nilagay ng mga sundalong naririto ngayon ang hintuturo sa tapat ng kanilang labi para pigilan ang mga kararating lang sa pag-iingay. Agad itong napansin ng mga kararating lang na sundalo kaya mabilis silang tumahimik. 

Maging si Iris at ibang trabahante na maingay na naghahanda ng pagkain kanina ay tumigil muna sa kanilang ginagawa, takot na baka makalikha sila ng kahit konting ingay man lang.

Nakamasid lang ako sa mga sundalo, namamangha at humahanga sa respetong ipinamalas nila. It's amazing to know that they respect that man's religion. With the fact that discrimination is rampant nowadays, it's just so amazing to see them act, care, and respect each other like this despite their differences.

Kinabukasan ay muli kaming bumalik sa cafeteria ni Iris. Hindi pa rin kami nag-uusap at nagpapansinan hanggang sa pagdating namin sa cafeteria.

"Nandito na sila. Mag-ingat kayo sa mga galaw at salita niyo."

Bumagsak ang tingin ko sa dalawang trabahante na ngayon ay panakaw-nakaw ng tingin sa amin ni Iris. Isang matalim na tingin ang ipinukol nila sa amin bago lumabas sa kusina bitbit ang kanilang tray.  Tumikhim si Iris. Alam kong naiinis na siya sa asta at sinasabi ng mga trabahante pero dahil napapalibutan kami ng mga sundalo ay nanatili siyang tiklop.

Hindi ko na lang sila pinansin at tulad ng laging ginagawa ay balak ko sanang tumulong sa pagluluto para sa mga pagkain ng mga sundalo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa isa na namang trabahante ay mabilis na itong lumayo sa akin na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.

Tuloy ay napadiretso ako sa isang lamesa kung saan niya iniwan ang kanyang ginagawa kani-kanina lang.

"Uh.. hihiwain ko na lang ang mga ito?" alanganin kong tanong sabay hawak sa kutsilyo.

Sa halip na sumagot ay tinalikuran lang niya ako. May ibinulong-bulong pa siya tungkol sa pagiging terorista namin.

Napatingin ako sa hawak na kutsilyo, hindi alam kung hihiwain ko ba itong mga iniwan niya o hindi. Ilang araw na kaming nagtatrabaho ni Iris dito dahil sa wakas ay napagod na sa pagkakalat ang mga sundalo. Nitong mga nagdaang araw, takot pa rin naman ang mga trabahante sa amin pero kahit papaano'y nakakausap pa rin namin sila. Medyo nahirapan lang kami noong unang araw namin dito. Halos wala na kasing gumagalaw na trabahante sa loob ng kusina dahil sa takot nila sa amin ni Iris. Ngayon nga lang, hindi lang takot ang makikita sa mga mata nila. Kakitaan din sila ng matinding galit.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now