41

89 8 18
                                    

H A N A
[ narration ]

Tila nagulantang naman ako sa mga narinig ko galing kay Eunhee. Totoong gusto ako ni Felix?

“Hoy! Bayaran mo ko para dito Felix! Hangal ka!” biglang sigaw ni Eunhee habang naglakad papalapit kay Felix sabay duro dito na para bang sobrang laki ng kasalanang nagawa nito sa kaniya. Well medyo malaki nga but I admit na may kasalanan rin ako. I accused her not knowing the real story behind.

But past is past right?

“Muntik ng masira pagkakaibigan namin dahil sayo!”

“Sorry na nga eh!”

Yan yung sigawang maririnig mo sa kanila. Napafacepalm na lang ako sa nangyayari. Hinarap ko silang dalawa at dun naman sila natigil sa pagbubulyawan. Lumapit ako kay Eunhee atsaka siya niyakap. Kung di rin ginawa yon ni Eunhee, baka wala kami kung nasaan kami ngayon.

Niyakap naman niya ko pabalik. Humiwalay kami pagkatapos atsaka ko naman nilapitan si Felix. Nang medyo konti na lang ang distansiya sa min, I closed it by kissing him on the cheeks. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

Humiwalay ako atsaka siya nginisian habang gulat na gulat pa rin siya sa nangyari. Tumalikod na ko atsaka tumakbo paalis.

“Hoy Hana! Ano yon?!” tanong na sigaw ni Minho sa kin pero di na ko nag-abalang sumagot pa. Pagkarating ko sa may gate ng uni, nagulat na lang ako nung may humila sa kin paharap sa kaniya. Si Felix.

Shemay! Nakakahiya!

“A-ano ba?! Bitawan mo nga ako.” sabi ko sa kaniya sabay iwas ng tingin pero hindi niya binitawan ang braso ko atsaka nakangiti na akala mo nanalo.

“Bakit mo ginawa yon?” tanong niya ng may mapang-asar na ngiti. Magsasalita na sana ako pero walang lumabas na kahit anong salita. Ayokong sabihin iyon dahil nahihiya ako pero mukhang nag-a-antay pa ng sagot ang mokong.

“Okay ganito na lang.” pagsuko niya. Ano pa bang gusto niya? Di pa ba sapat ginawa ko kanina?

“Hana.” tawag niya sa pangalan ko atsaka hinawakan ang magkabilang kamay ko. Napalunok naman ako sa di malamang dahilan.

“Igeon baborado ara, neoman han geon naege eobttago. Dashi neol hyanghae one more step, I will never stop. I’ll always be on track.” biglang pagkanta niya. Tinignan ko naman siya ng nagtataka. Naguguluhan ako. Medyo naintindihan ko lang na di daw siya titigil at lagi siyang nandiyan. Okay?

Napahinga siya ng malalim atsaka napakamot sa ulo. Sorry naman! Di ko masyado naintindihan eh.

“Even a fool knows this, you’re the best thing I’ve got. Once again towards you one more step, I will never stop. I’ll always be on track.” biglang sabi niya. Trinanslate niya pa ata yung kinanta niya.

Teka...

Ano daw?

“You're the best thing I've got Hana. Di ako titigil hangga't di mo ko sinasagot. I also knew that you are the missing puzzle piece of me. Ikaw lang ang bubuo sa kin. I like you a lot. From the very beginning, you shook up my heart and drove me crazy. Nagkaroon na rin ako ng phobia na baka mawala ka sa kin that's why I took this chance. I can't afford to lose you again. Now, let me count 1 to 10 for your answer. Will you love me or leave me?” mahaba-habang confession-slash-tanong niya sa kin. Ano nga ba ang isasagot ko?

Nagsimula na siyang magbilang habang nagsimula naman akong kabahan kung anong isasagot ko. Gustong-gusto ko rin siya pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Should I take risk?

Sasabihin na sana niya ang number 2 nang may marinig kaming pumalakpak. Nilingon namin ito at sina Minho pala.

Saved by the bell!

“Alam mo Felix, hahayaan naman kitang manligaw sa pinsan ko pero wag mo masyadong madaliin. Nakaka-7 days ka pa lang bilang manliligaw. Huwag padalos-dalos. Huwag ganon.” sabi ni Minho habang paika-ika siya maglakad atsaka inakbayan si Felix. Natawa naman ako sa naging itsura ni Felix. Nakabusangot ang mukha.

Nauna silang naglakad sa min. Eunhee clung her arm to me atsaka na kami sumabay maglakad sa barkada. Habang naglalakad pauwi, bigla ako napaisip.

Sasagutin ko na ba siya?

“the end : )”

TRANSLATOR ¦ 이필릭스.Where stories live. Discover now