36

82 8 4
                                    

E U N H E E
[ narration ]

Nandito ako ngayon sa quadrangle na kung saan napag-usapan namin ni Hana na magkita. Habang naghihintay dito, pinapanood ko ang mga estudyanteng unti-unti ng nababawasan dahil uwian na.

Actually, hindi ko alam kung sisipot nga ba si Hana dahil sineen niya lang ako. Hindi kaya galit pa rin siya sa kin dahil sa nangyari dati?

Naglakad-lakad ako ng pabalik-balik hanggang sa napagod na lang ako at napaupo sa may mga bleachers. It's already 4:30 in the afternoon. 30 minutes na lang ay magsasara na ang university.

5 minutes. Maghintay lang tayo.

But 5 minutes later and no one came. Napabuntong-hininga na lang ako atsaka tumayo at maglalakad sana papunta sa gate para umuwi nang makita ko ang bulto ng isang Lee Hana na mukhang pagod na pagod pa kakatakbo. Hinihingal siya atsaka nakatukod ang mga kamay sa mga binti niya.

"Sorry kung nalate. May pinagawa pa kasi-" naputol ang sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Muntik pa nga kami matumba pagkatapos kong tumakbo papunta sa kaniya.

---

"Grabe kung makayakap ah? Parang di tayo nagkita nung mga bandang lunch." natatawa niyang sabi atsaka kami umupo sa may mga bleachers. Napakamot naman ako sa ulo nang dahil sa hiya.

"Akala ko kasi hindi ka sisipot eh." sabi ko atsaka napatingin sa kawalan. Bigla rin naging tahimik ang paligid kaya medyo naging awkward ang atmosphere.

"Uhm... May sasabihin ka diba?" biglang pag-u-umpisa niya. Hindi ko alam pero bigla naman ako kinabahan. Handa na nga ba talaga akong sabihin sa kaniya yon?

I think there's no turning back now.

"Kasi-" naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita, "Nandito lang pala kayo." hingal na sabi ng lalakeng nasa harapan namin ngayon at mukhang pagod pa. Nang nakahinga na siya ng maayos, nag-angat ito ng tingin at si Jisung pala. Ano meron at ang hilig ata tumakbo ng mga tao ngayon?

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Sina Minho tsaka Felix nasa rooftop!" pagpapatuloy niya na mukhang natataranta pa. Mukha naman siyang seryoso kaya napatayo kami ni Hana ng wala sa oras at napatakbo papuntang rooftop.

TRANSLATOR ¦ 이필릭스.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon