58

17.6K 747 233
                                    

MESSAGES: KUYA

Today 6:22 PM

Bunso
May absent ka?

Pano mo alam
Sinusundan mo ba ako

Hahahahahaha
May mata ako diyan sa inyo ni Ate
Bakit? May sakit ka ba?
Wala ka sa bahay sabi ni Mama

May inaasikaso Kuya e

Ano yan?
Tulungan na kita

Di na
Debut ni Maja diba kasi pinuntahan na natin yung sa bulaklakan

O anong nangyari?

Di ata nila kaya icater yung event
Naghanap kami ng papalit
E sobrang lapit na

Dapat yan pagkatapos na ng klase mo
Asan ka na?
Ilang araw na kinakain niyan oras mo ah
Bakit ba ikaw? Hindi ba pwede sina Tita mag-ayos niyan?

Pauwi na ako
Nagpapahintay si Ate eh
Request ni Maja e. Saka ok na naman kasi plano nina Tita kaso di ako nakasipot nung sasamahan ko si Maja para mag-down ata
Kaya nacancel
Di kasi siya tumuloy nang wala ako

O nasan si Maja?

Ewan
Nagtampo ata lalo kasi kinakabahan siya dun sa debut niya
Uuwi ka ba sa bahay? O may trabaho ka?

Nandito na ako
Kasama ko si Mama
Uwi na kayo ako nagluto

Okay

The Art of Kissing Back (Cervantes Series)Where stories live. Discover now