Dahil sa isiping iyon ay hindi ko na napigilang hindi mapahikbi.

Wala kami sa bahay. Wala dito akong kalaro!

Tuluyan na akong napaiyak at napahagulgol sa isiping iyon. Narinig ko ang usapan nila Daddy at Mama kanina. Dito na daw kami titira, pero ayaw ko naman dito.

"Hoy iyakin! Tumahan ka na nga diyan! Nakakarindi ka!" masungit na bulyaw sa akin ni Ate Vena na galing sa loob ng bahay. Tuloy ay lalo lang akong napaiyak. Hindi ko alam kung bakit lagi akong niaaway ni Ate. Palagi niya akong nipapaiyak.

"Vena parang tanga. Patahanin mo 'yan!" suway ni Ate Ara na tumutulong sa pagpapasok ng mga gamit sa bago daw naming bahay.

Nakangusong nilapitan ako ni Ate Vena. Bahagya pa siyang yumuko sa akin at ako naman ay nakatingala sa kaniya. "Tumahan ka na at maghugas ka ng kamay kutong lupa!" Sa sinabi niyang iyon ay lalong lumakas ang pag-iyak ko. Para naman siyang nataranta at hindi na niya malaman ang gagawin. "Hala! Bakit mas umiyak ka pa? Ano ba naman 'to! Baka isipin nila pinaiiyak kita!" binulyawan niya pa ako kaya mas naiyak ako. Napapasinok na ako sa kakaiyak. "Hala! Hala! Wait kukunin ko ang gatas mo sa loob." Napakaripas na siya ng takbo dahil sa pagkataranta. Doon na ako napabungisngis.

"Hello Julia!" Nabaling ang tingin ko sa isang babae na ngayon ay nasa harapan ko. Palagay ko ay kasing tanda lang siya ni Mama. Nakangiti siya sa akin at kulot ang buhok niya. Napansin ko rin na may dala siyang topper ware sa isang kamay niya habang may bata naman siyang hawak sa kabila. Kasalukuyang nakasimangot sa akin ang bata. Hindi ko na lang iyon inintindi at binalingan ang ginang.

"Sino po kayo?" takang tanong ko. Nangiti siya lalo at bahagya niya pang ginulo ang buhok ko.

"Kapit bahay ninyo kami. Asan pala ang si Mama mo?" Itinuro ko na lang sa kaniya ang bago naming bahay kung saan naroon si Mama at Daddy. Binalingan niya iyon subalit hindi nagtagal ay bigla niya na lang pinahawak sa akin ang kamay ng batang lalaki. "Siya, maiwan ko muna kayo ni Josaiah," saad niya pa. Doon ko napagtantong Josaiah pala ang pangalan ng batang lalaki. Mukhang nairita ito at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Mama! Dirty ang kamay niya!" Napasimangot ako doon. Napakaarte naman ng batang 'to!

Doon natigilan ang ginang at mukhang nakita ang pagsimangot ko. Nakita ko tuloy ang biglang pagkurot ng ginang sa batang maarte.

"Ano ka ba naman Josaiah. Makipag-friends ka sa kaniya kapit bahay natin siya." Matapos iyon ay muling pinaghawak ng ginang ang mga kamay namin. Tuloy ay napatitig na ako doon. "Julia, ikaw na ang bahala kay Josaiah. Hawak kamay lang kayo para hindi kayo mawala. Tutulungan ko lang ang Mama at Papa mo sa loob." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nang makaalis ang Ginang doon na nabaling ang tingin ko sa batang tila natigilan na sa kinatatayuan.

"Josaiah ang pangalan mo?"

"Obvious ba?" Tumalim ang tingin niya. Napanguso naman ako.

"Napakasungit mo! Pangit iyang ganiyan bata."

"Makabata ka. Bata ka rin naman!" Sa tono niya ay parang inaaway niya ako. Napahikbi tuloy ako. "Hala! Bakit umiiyak ka?"

"I-Inaaway mo kasi ako." Napansin kong napabuntong hininga siya.

"Hindi kita inaaway. Tumahan ka na." Napangiti na ako dahil doon.

"Laro tayo?"

"Ayoko, para lang sa mga bata ang paglalaro. Kailangan ko pang mag-aral." Doon ako napahikbi ulit ako. Tinatanggihan niya ako. Wala na akong kalaro. Sa nangyari  ay para na siyang nataranta. "Hala! Oo na, lalaro na tayo. 'Wag ka na lang umiyak."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa nang maalala ang kaganapang iyon. Actually ay hindi ko na lubos maalala ang ibang detalye dahil three years old pa lang ako nang mga panahon na iyon. Sampung taon na din ang nakalipas. Marami nang nangyari, marami nang nagbago.

"Oh, bakit nasa labas ka pa 'nak? Gabi na." Napapitlag ako nang bigla na lang sumulpot kung saan si Daddy. Mukhang kadarating niya lang galing sa pag-pa-patrolya.

Isang retired AFP si Daddy at ngayon ay isa na siyang barangay tanod. Kalahati ng tanda ni Daddy ang edad ni Mama. Senior na si Daddy gayunpaman ay nanatili sila sa isa't-isa nang halos 18 years na din and counting.

Mabilis kong naisarado ang ang notebook matapos ay nangingiti ko siyang sinalubong.

"Hinihintay ko po kayo! Tara na po sa loob." Hindi naman siya nagtaka at tumango na lang sa sinabi ko. Lalo akong nagsaya nang makitang may dala siyang foot long. Kinain namin iyon nila Mama at Daddy dahil tulog naman na sila Ate. Matapos ay pinatulog na nila ako.

Itinabi ko muna ang notebook bago ako nahiga katabi ni Ate Vena. Naramdaman kong niyakap niya ako. Kaya naman yumakap na din ako.

Walang perpektong magkakapatid. Nagkakaway talaga at minsan ay hindi pa nagkakausap ng maayos. Nagsisigawan at nagbabangayan pero sa huli. Nandoon pa rin ang pagmamahal para sa isa't-isa.


I M _ V E N A

Sweet Prescription Where stories live. Discover now