Prologue

45 5 7
                                        

Most of the scenes of this story were inspired and based on my own experience. So any resemblance to any person, events and places is/are not intentional.

Ano mang pagkakatulad na pangyayari sa ibang istorya ay hindi po sinasadya. Sapagkat ito ay sinulat gawa lamang ng aking imahinasyon at sariling karanasan. Kung mayroon man pong pagkakatulad humihingi na po ako ng paumanhin, ngunit nakakasigurado po akong walang pagkuha o pag angkin ng ibang likha na naganap.

All rights reserved. Do not reproduced, distribute, duplicate or even imitate any parts of the story without the permission of the author. Thank you.

This is not edited. Beware of typographical and grammatical errors. Thank you for your consideration. Hope you'll like it!

...

"Asan na ba kasi 'yon?" Tanong ko sa sarili ko. Nawawala kasi ang notebook ko na kinalalagyan ng diary ko. Linagay ko lang kanina 'yon dito sa mesa bigla na lang nawala. Bumaling ako sa katabi ko para magtanong pero napatigil ako ng makita kung anong ginagawa niya.

"Halluh! Bakit mo binabasa 'yan?!" Muntik pa kong mapasigaw buti na lang napigilan ko ang sarili ko kundi lagot ako sa teacher namin. Paano ba kasi nakita ko si Flora hawak hawak ang notebook at pangiti ngiti pa sa binabasa. Bahagya akong nahiya pero naisip ko buti na lang at hindi ko nilagay ang mga pangalan doon.

Kinuha ko agad ang notebook at pinagsabihan siya."Hindi mo dapat binabasa 'to. Ano ka ba, parang diary ko na 'to eh."

"Sorry na. Boring kasi ni ma'am tapos nakita ko 'yan. Kaya ayon binasa ko. Naaliw ako eh kaya tinuloy tuloy ko na." Panghingi niya ng tawad at nang pinagbigyan ko naman ay humirit naman ng tanong.

"Pero 'te! Sino 'yong guy diyan sa sulat mo? Kacurious ha!" Pinili ko na lamang na tawanan ang tanong niya at sinabing hindi na niya dapat 'yon malaman pa. Pero hindi siya nagpatinag at kinulit ako ng kinulit kung sino nga ba talaga ang nakasulat doon.

Sa pangungulit niyang 'yon, hindi tuloy naiwasang lumipad ang isip ko sa taong nilalaman lang naman ng hawak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi sa ginawa ni Flora pero minabuti ko na lang palampasin.

I started writing diary since I was grade 3. But then just last year when I am in grade 6, something came up that made me tear the pages of my diary and tore it into pieces and thrown to the garbage bin. That day is so embarassing yet frustrating. My classmates got my diary from my bag and make fun of it. They read it without my permission and discuss it with the group.

I felt betrayed, dumb-founded, mad and sad that moment. Para akong pinagtaksilan ng sarili kong mga kaibigan. Bakit nila kailangang gawin 'yon? Bakit nila pagdidiskitahan ang dapat na pribado para sa kanilang pansariling kaligayahan. Diary 'yon eh! Ako lang dapat ang nakakabasa 'non! Sino ba ang hindi magagalit kung bigla na lang may kumuha ng personal mong gamit at balak pang tuksuhin ka gamit nito. Nakakalungkot isipin na sila pa talaga ang magpaparamdam sa akin noon. Kung binasa lang nila okay pa ako 'non, mapapalampas ko pa. Pero kapag pinaglaruan niyo na ko, pinagtsismisan ng dahil 'don, ibang usapan na 'yon! Tutuksuhin ka sa dapat na hindi naman nila alam. Tutuksuhin ka ng dapat eh kasalanan nila.

Funny how people only thought about themselves. Like, as long as they are having fun they won't care if they hurt the feelings of the other person. That is so ridiculous! Hindi ko talaga napigil ang sarili ko sa mga oras na 'yon at sumabog ako sa galit.

Pinagpupunit ko ang pahina ng diary sa harap nila. Pinagpupunit ko ito hanggang sa mahirap ng makilatis. If you decide to bring it back together, it will really take time to do that.

Itinapon ko sa malapit na basura ang papel na pinunit. Tsaka sila hinarap at pinakita ang dismayado at galit kong mukha. Hindi iyon ang unang away namin pero para sa akin ibang bagay na 'to. Bukod sa pinakialaman nila ang gamit ko ay nalaman pa nila ang sikretong ayaw ko namang ipagsabi sa kanila o kahit na sino. Nagpupuyos sa galit sinigawan ko sila.

Just OnlyStories to obsess over. Discover now