Hindi na sila pinansin ng Headmaster at nagpatuloy sa paglalakad.

Konting lakad lang, nakita ko naman si Elliot at Daemon. Nagtataka silang tumingin sakin.

Sinenyasan sya ni Meridette na mukhang nakuha naman nya.

Kinalabit ni Elliot si Daemon.

"Sama ko!" Makulit at masayang sabi ni Elliot. Napangiti ako. Pero hindi naman nila kailangang sumama.

Nakita kong itiniklop ng Headmaster ang kanyang kamao.

Tignan natin kung magawa mo pa, ang gusto mong gawin sakin.

"Sama." Sabi rin ni Daemon at humilera samin.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngunit hindi namin iyon pinansin.

Pagsulyap ko sa likuran, napansin kong nandon si Chaos at tahimik na naglalakad.

Natawa naman ako. Napansin nyang nakatingin ako sakanya kaya mabilis syang umiwas ng tingin.

"May meeting?" Tanong ni Sick ng madaanan namin at sumama na rin samin.

Hindi ko alam kung anong plano nitong walong to.

Sa pinakaharap ng Headmaster's Office, nandoon si Ashton na naghihintay.

Walang buhay ang mga mata nitong nakatingin saamin.

Nginitian sya ng Headmaster at hinawakan sa balikat.

"Please tell them to leave." Nakangiting sabi ng Principal kay Ashton.

Papasok na sana ang Headmaster sa kanyang silid ng harangan ito ni Ashton.

Tinignan namin sya na parang nakikiusap na makisakay sya sa pinaplano ng pitong to.

"We're coming with you." Sabi ni Ashton at pakiramdam ko ay natuwa ang puso ko.

Sa simpleng ginawa nya, nagkaroon ng paro-paro ang puso ko.

Hindi ko alam, pero, sa tingin ko, Ashton is just cold, but he really care about others.

"Very well, come in." Sabi ng Headmaster at pumasok na. Sumunod naman kaming siyam.

Umupo sya sa kanyang upuan at hinarap kami.

"Umupo kayo." Utos nya at ganon nga ang aming ginawa.

"Sa tingin nyo ba, hindi ko alam na pumasok kayo sa opisina ko ng walang paalam?" Nakangiting tanong ng Headmaster ngunit ramdam mo ang tono nyang parang nang-iinsulto.

Nag-tinginan kaming tatlo nina Elliot at Meridette.

"O baka naman nagkakamali lang ako?" Tanong ulit ng Principal at hinawakan ang kanyang baba.

"Siguro nga'y nagkakamali lang ako." Sabi pa ng Headmaster. Gusto kong huminga ng maluwag ngunit pakiramdam ko, nagkukunwari lang sya.

"Sheerina, how's your head?" Tanong ng Headmaster. Dahil nga'y sinabi ko kanina na sumasakit ang ulo ko.

"O-okay na naman po." Natatakot pa rin na sagot ko. Hindi ko alam ang takbo ng utak ng kausap ko ngayon.

"That's good. Kaya kita dinala dito to treat you. Ngayong okay ka na pala, maari na kayong bumalik." Nakangiting sabi ng Headmaster. Ofcourse i know na kasinungalingan lang yon.

She brought me here kasi may kailangan sya sakin.

She needs me to open the necklace.

"Let's go." Sabi ni Ashton at sumunod na kami sakanya papunta sa dorm.

Ngayon ay nasa living room na kami kung saan madalas kami mag-usap.

"Bakit feeling ko may pakay ang Headmaster." Panimula ni Meridette sa usapan. Naupo naman kamin at nag-isip ng taimtim.

"Bat mo naman nasabi yan?" Tanong ni Levicarl habang kumakain kami sa sala.

"Feel ko lang, masama? Feeling lang naman e." Nakataas ang kilay na sabi ni Meridette. Natawa naman kami. Nag-ayos na kami ng kusina dahil kami'y mga gutom na.

Nasa hapag kainan kami ngayon at patuloy pa rin sa pag-kekwentuhan. Samantalang si Ashton at Sick ay tahimik lang.

Naalala ko naman ang ginawa sakin ni Ashton. Yung sumama sya. Alam kong simple lang yun pero para sakin malaki ang tulong na nagawa nya.

''Ashton.'' Tawag ko sa pansin ni Ashton. Medyo malayo sya sa pwestuhan ko.

Itinas nya lang ang kilay na parang naghihintay ng kasunod kong sasabihin.

''Thank you.'' Nakangiti ngunit nahihiya kong sambit. Hindi naman kasi kami close nyan. Parang may galit pa nga sakin yan e.

''I just really wanted to come. I didn't help you at all.'' Sabi ni Ashton at medyo nahiya ako.

Kala ko pa naman ay tinulungan nya ko. Pero okay lang rin, atleast marami kaming pumunta sa Headmaster's Office.

''By the way.'' Tawag ng atensyon namin ni Levicarl. Ngayon ay naghihintay kami ng sasabihin nya.

''May balita na ba kayo kay Veruca? Kung saan sya dinala?'' Tanong nya at napaisip kami.

Saan nga kaya dinala si Veruca? Sigurado rin akong hindi sya patay. At hindi pwedeng mangyari yon.

''Wala akong naririnig tungkol sakanya.'' Sagot ni Chaos na nasa tabi ko.

''Same here.'' Sabi naman ni Meridette.

''Baka nasa pinaka-tuktok sya ng tower!'' Sabi ni Elliot habang ina-action pa ang sinasabi.

''Paano mo naman nasabi yan?'' Mataray na tanong ni Meridette.

''Kasi tignan nyo ah.'' Sagot ni Elliot at humina ang boses. Senyales na seryoso talaga sya. ''Si Rapunzel, doon sya ikinulong ng witch na nag-alaga sakanya.'' Paliwanag nya at sabay-sabay kaming napasampal sa noo.

''Bobo ka talaga.'' Sabi ni Daemon at malakas na binatukan si Elliot.

Nakakatuwa rin kasi bampira sila pero alam nila ang disney.

''Aray! Bakit ba lagi mo kong binabatukan?!'' Inis na tanong ni Elliot kay Daemon.

Sinubuan nalang sya ng kutsara ni Daemon upang hindi na makapagsalita pa.

''Gumawa tayo ng plano.'' Biglang sabi ni Sick kaya natigil si Daemon at Elliot sa kulitan nila.

''Plano?'' Takang tanong ni Daemon.

''Kailangan nating hanapin si Veruca.'' Sabi ni Sick at napatango kami.

Pakiramdam ko nag-ha-hide and seek nalang kami. Laging may hinahanap e.

Pero kasalanan ko naman na nawala si Veruca. Kaya sasama ako sa paghahanap sakanya. Afterall, she's part of our team.

''Baka mapahamak ulit tayo dyan, yung hinanap natin si Nasqued, katik ng bawian ng buhay non si Chaos.'' Sabi ni Daemon. May punto sya, pero hindi namin pwedeng pabayaan nalang si Veruca.

''I agree with Daemon.'' Pag-sangayon ni Meridette.

''Pero sa pagkakataong 'to, no on will know na gagalaw tayo.'' Sabi ni Sick. Nalito naman ang isip ko.

''Paanong hindi nila malalaman na gagalaw tayo?'' Nagtataka kong tanong.

Ngunit sa halip na si Sick ang sumagot, si Ashton ang nanguna.

''We'll keep in touch, by calling. Walang gagawa ng ipagtataka ng nakatataas. Kikilos tayo ng tahimik at babawiin natin si Veruca ng tahimik.''

__________

Next update, wednesday na siguro, salamat sa 19k reads!!! Thank you!!!


Bloody Hell University (EDITING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora