Dinala lang ako ni Lexus sa isang kuwarto at ipinasok dito. Walang bintana dito kaya siguro dito n'ya ako dinala para safe din sa sniper.

"Just stay here." madiin nitong pagkakasabi at agad pumunta sa isang closet dito at binuksan iyon at ang loob nito. May sikreto yata s'ya doon.

Oo nga, may secret door sa closet n'ya. Pumasok s'ya doon kaya sinundan ko s'ya at pumasok din ako.

"Wow!"

iyan na lamang ang naging reaksyon ko nang makita ang mga weapons n'ya. Ang dami, ang tataas ng quality.

Kinuha ni Lexus ang isang shotgun at nag lagay ng dalawang baril sa bulsa n'ya.

"Teka, anong balak mo?" nagtataka kong tanong.

"I want to sleep peacefully. Paaalisin ko lang sila para makatulog ako nang maayos." sagot n'ya at nag lakad palabas.

Ano ba ang ibig n'yang sabihin?

"Alam mo ba kung anong dahilan nila kung ba't sila nang gugulo?" tanong kopa habang kami ay nag lalakad.

"Obviously, you are their target. But don't worry, Aisler isn't here."

"Anong balak mo? 'Di ba masama ang pakiramdam mo?"

"Just stay here, I can handle this."

"handle what? Ilan ba sila?"

"Just be quiet. Don't do anything stupid, and just wait for me. Okay?"

"No! Nanlalambot kanga tapos pupunta kapa don? Tutulungan kita!" pag pilit ko na ikinatigil n'ya.

"Stop being overreacting, just let me handle this. Matulog kana." sabi pa n'ya at 'di ko naman s'ya mapigilan.

Nag lakad s'ya palabas pero tumigil din ito saglit at muling bumalik sa'kin,

Medyo nabigla ako nang halikan n'ya ang labi ko nang dalawang segundo at mabilis na umalis.

Siraulong 'yon, mamaya mapaano pa s'ya doon. Nag aalala tuloy ako. Tutulungan ko s'ya, bahala s'ya kahit ayaw n'ya. Ginagawa naman n'ya akong mahina. Hindi ba n'ya natatandaan na marunong din ako makipag barilan? Akala ba n'ya s'ya lang? tsk!

***

3:46 AM

Kumuha ako lamang ako ng sniper at agad akong pumunta sa pinaka taas ng mansion na'to.

Kahit dito manlang ay matulungan ko si Lexus. Nandito na ako ngayon at naka puwesto nadin.

Napapanood ko ang pag baril ni Lexus sa mga ito at ang mabilis n'yang pag kilos. Never din talaga n'ya akong na disappoint sa mga ganitong bagay. Kahit kasi nanlalambot at nilalagnat s'ya nagagawa padin n'ya maging alerto at malakas. Isa din talaga iyon sa mga nagustuhan ko sa kan'ya.

Madami na s'yang napatumba. Inilibot ko ang paningin ko sa mga puno at hinahanap 'yung sniper kanina na muntik na'ko tamaan.

Mahanap kolang talaga 'yon tatatluhin ko talaga ang pag putok ko sa kan'ya.

Ang dilim lang kasi talaga sa labas dahil nga nasa gitna kami ng gubat.

Pero nag focus na lamang ako sa mga kalaban ni Lexus. Nang matanaw na may balak bumaril sa kan'ya mula sa likod ay agad ko itong pinatumba.

Napatingin si Lexus dito at nalipat din ang tingin sa'kin.

Lintek na 'to! Hanggang dito ba naman alam n'ya ang ginagawa ko? Ang taas na nito alam pa din n'ya? Grabe, ano bang nilalang s'ya?

Nag focus nalang ulit s'ya at ganoon din ako.

Teka, nakakaramdam na'ko. Nafifeel kona 'yung sniper. Malapit lang s'ya dito.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now