"Kay Lexus." maikli kong sagot

"Again?"

"Ano naman sa'yo?"

"Hays! I'm sorry. Okay? Nadala lang ako. Hindi ko naman sinasadya. Nabigla lang din ako."

"Gagawin ko? Maka alis nanga." paalam ko't mag lalakad na sana nang pigilan n'ya ang isa kong kamay,

"Teka lang, dito ka muna. 'Wag mo naman ako alisan. Iiwan mo'kong ganito? Puro sugat. Tinulungan ko kaya si Lexus makipag laban, iniwan pa n'ya ako. Napaka bait talaga ng boyfriend mo." saad ba n'ya sa mahinang boses.

Sirang-sira na talaga ang mood ko gawa nitong lalaking 'to.

"Hays, ano pabang kailangan mo?"

"May sugat ang kamay ko, paano ako makakakain? Nagugutom na'ko. 'Buti nga tapos na ang ganapan dito. Dahil kung hindi, wala talagang kakain."

Nag iinarte ba s'ya? Anong gusto n'ya pakainin kopa s'ya? 'Di naman ganon kalaki ang sugat n'ya.

"Kaya mo na 'yan, tanda-tanda mona."

Marahan s'yang napatawa at sumeryoso din ang mukha nang tignan ako, "Gusto kolang mag sorry kaya ako nag iinarte. Para mas may time kapa sa'kin at 'di lumalim 'yang tampo mo. Alam ko namang mali ako kanina. Nabigla lang siguro ako. Okay? I'm sorry. So please, sa'kin ka muna." ngiti n'ya habang ako ay napapaisip.

Gusto kong kamustahin si Lexus. Alam kong hindi pa din maayos ang pakiramdam n'ya. Alam ko din na labag sa loob n'ya ang ginawa n'yang pag patay kay Thaddeus.

Madami na din kasi silang pinag samahan kahit hindi ganoon kalalim. May puso naman 'yon si Lexus kaya sigurado akong may lungkot pading nararamdaman 'yon dahil sa ginawa n'ya.

Pero hindi lang ako makapaniwala nang marealize kong pinili n'ya ako kaysa kay Thaddeus. Hindi ko inasahan na ganoon n'ya ako kamahal para gawin 'yon.

"Babalik ako, kailangan ako ni Lexus." sabi ko kay Khairo na ikinalungkot ng mukha n'ya pero ngumiti pa din s'ya.

"Sige, ikaw bahala." sagot nalang n'ya kaya nag lakad na'ko paalis.

Pag labas ko ng pinto ay medyo nagulat ako nang bumungad si Lexus.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"We have to get out of here." sagot naman n'ya at agad hinawakan ang kamay ko paalis.

"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" binawi ko ang kamay ko.

"Aisler is just around. Nandito s'ya ngayon and I know he's planning something again." saad nito at muli akong binitbit sa kung saan.

Nandito nanaman si Aisler? At paano naman n'ya nalaman? Sa bagay, bakit paba ako nag tatanong. Ano nanaman ba kasing plano ng lalaking 'yon? Bakit bumalik pa s'ya dito? Gustong-gusto ba talaga n'ya akong makuha?

"Saan mo'ko dadalhin ngayon?" takang tanong ko.

"'Di ba gusto mong puntahan si Alisson?" sagot naman n'ya kaya tumango ako,

"We're going to Saint University." dugtong niya at hindi naman ako nakasagot dahil deretso pa din ang lakad n'ya kasama ako.

Mukhang gusto na n'yang tapusin ang sinimulan ko. Balak kasi n'ya akong dalhin kay Alisson.

Habang nag lalakad kami palabas ng gate ay napatigil kami nang humarang dito si Aisler at ang ilang kalalakihan. Mga sampo ito.

"And where do you think you're going?" nakangising tanong ni Aisler kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Ano namang pake mo? Nag dala kapa talaga ng katulong mo? 'Di mo talaga kaya mag isa noh?" mapang asar kong tanong pero tinignan ako ni Lexus na parang pinapatigil n'ya ako,

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now