***

Naupo na kami at nag simula nadin manood dahil nag sisimula na din pala talaga.

"Ikaw ah. 'Di mo'ko sinabihan na du-duty ka. Pinahirapan mo pa'kong mag hanap sa'yo!" pabirong bulong ni Khairo kaya nahampas ko s'ya,

"Sira! May pinag-daraanan kasi s'ya kaya sinamahan ko muna."

Mapang-asar s'yang ngumiti at inilapit nanaman ang bibig n'ya sa tainga ko,

"Marupok kalang talaga!" tawa n'ya kaya tinarayan ko s'ya.

Epal na'to palibhasa walang alam sa love.

"Wala ka kasing ex kaya ka gan'yan."

"Hindi ka sure."

"So, meron?" tanong ko at ngumiti lang s'ya pero 'di ako sinagot kaya nag focus nalang ako sa pinapanood namin.

Ang nag lalaban ngayon ay si Irish at Jade. Nag eespadahan silang dalawa at sa ngayon ay nanghihina na si Irish.

Okay lang naman ang larong 'to dahil wala naman kailangan mamatay. Basta maitutok mo lang ang espada sa leeg ng kalaban mo at mapatunayan na wala na itong chance na manlaban pa ay ayos na, panalo kana.

Kaya mas okay talaga 'to kaysa sa nangyayari sa labas. Medyo masakit lang talaga sa bulsa. 100k ba naman kada isang tao. Eh ilan kami dito?Ang dami namin dito.

Pero sana may gawin si Lexus upang iligtas ang mga estuyante sa labas dahil trabaho din naman n'ya 'yon.

Buwisit kasi 'tong si Aisler. Hindi pa namatay!

"Ang lakas ng ulan, ano na kayang nangyayari sa labas?" bulong ni Khairo kaya napaisip din ako.

"Hindi ko alam. Kawawa na 'yung mga estuyanteng natira."

"Kanina pa nag simula ang patayan kaya sigurado akong malala na ang nangyayari. Nag padala kasi sila ng mga assassins galing sa ibang school."

Hindi na ako nakapag salita pa at iniisip nalang na gagawa naman siguro si Lexus ng paraan.

Kilala lang kasi s'yang king of death at mas mataas ang posisyon ni Aisler sa kan'ya kaya wala s'yang nagawa upang itigil ang ganito.

Pero ngayon baka may naisip naman s'yang paraan kaya mag titiwala na lamang ako sa kan'ya.

Nanood na lamang ulit ako at ngayon ay talo na si Irish. Nanlalambot itong nakaluhod habang nakatutok ang espada ni Jade sa leeg n'ya.

"Ms. Jade Martinez won the match. And for Ms. Irish, congratulations too because you gave your best. And as a prize for Ms. Jade Martinez, you will receive 500 thousand cash prize. Congratulations to both of you!"

"WhoOooo!"

Nag sigawan at nag palakpakan ang lahat. Kita ko naman ang pag yakap ni Jade kay Irish at ang pag tulong n'ya upang makatayo ito.

"Blythe, labas lang ako saglit. Pinapalabas kasi ako ni Francis." usap ni Khairo kaya nag tataka akong tumingin sa kan'ya, "Bakit daw?"

"'Di konga alam. Basta labas muna ako. D'yan kalang ah. 'Wag kang eengot-engot d'yan baka mamura ako ni Lexus kapag may nangyari sa'yo d'yan." sabi pa n'ya at tumayo na.

"Babalik din ako."

"OA nito. Umalis kana!"

Nag lakad na din naman s'ya paalis kaya nanood nalang ulit ako. Malapit na pala kami mag laban ni Eurich. Pagkatapos kasi nitong dalawa ay kami naman.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang hirap yata n'ya kalabanin. Baka masaktan ko kasi s'ya nang sobra.

***

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang