"Bago mo inumin 'yan ay ihanda mo muna ang sarili mo. You'll know a lot when you drink that." sabi pa n'ya at tumingin nang deretso sa mata ko habang ito'y naka cross arm.

Paano pa ba n'ya nagagawang maging kalmado? Nakakainis s'ya! Alam naman pala n'ya ang mga nangyari hindi pa n'ya agad sinabi.

Pero napaisip lamang ako. Paano n'ya magagawa 'yung game? Isa lamang s'yang hari at wala s'ya sa posisyon upang gumawa ng malalang parusa.
Nakakapag taka lamang.

"Paano mo nagawa 'yung bloody game? 'Di ba tanging nasa mataas na posisyon lamang ang may kakayahang gumawa ng ganoon?" pag tataka ko pero seryoso lamang ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin, "Kapag ininom mo 'yan, doon masasagot lahat ng tanong mo." sabi n'ya at medyo napalunok naman ako.

Nakakakaba 'to. Bakit ba ako kinakabahan? Dapat ba akong mag tiwala sa kan'ya? Nakakainis naman, mas na curious tuloy ako sa nangyari dahil sa mga sinasabi n'ya.

Inumin ko na kaya 'to? Kaya ko ba?

"Sa susunod kona ito iinumin mag iipon muna ako ng lakas ng loob." sabi ko at nag agree naman s'ya, "It's up to you but, let me tell you this...Kailangan mong ihanda ang sarili mo bago mo inumin 'yan dahil napaka dami mong malalaman."

Natahimik ako sa sinabi n'ya at tila gusto ko na inumin ito dahil na cu-curious na talaga ako gawa ni Lexus.

Pero buo na ang desisyon ko. Hindi ko muna ito iinumin at sa susunod na lamang. Katulad ng sinabi ni Lexus, pag hahandaan ko muna ito bago inumin.

Isinara ko na ang box at tumingin ulit kay Lexus, "By the way, thank you sa gift. Nagustuhan ko 'to tsaka nakaka-excite inumin." medyo natatawa kong usap at marahan din namang napangiti si Lexus.

"I'm glad that you liked it. By the way, I have another gift for you." sagot n'ya at tumayo upang kunin ang isang bagay.

Lumapit s'ya sa akin at nag patong nanaman ng isang box sa lamesa. "Ano namam 'to?" tanong ko nanaman at naupo s'ya ulit at nginitian ako,"Just open it."

Tinignan ko 'yung box at binuksan 'tulad ng sabi n'ya. Nang buksan ito ay nakita ko naman ang isang kwintas na may butterfly na pendant.

Nag bago ang hulma ng mukha ko at sumeryoso ito bigla. Nag tataka lamang ako kung bakit n'ya ako binigyan ng ganito.

Ang kwintas na ito kasi ay senyales na gusto n'ya akong maging reyna n'ya. Kaya nga may butterfly tattoo ako sa dibdib dahil simbulo ito ng pagiging reyna ko.

"Ano 'to? B-bakit may-"

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko at napapatingin lamang ako kay Lexus,

"Isn't obvious? I want you to be my girlfriend...my first girlfriend." sabi n'ya na ikinatahimik at ikinabilis ng tibok ng puso ko. Girlfriend? Pagkatapos ay reyna? Ganoon ba?

Tumayo s'ya at lumapit sa'kin. Kinuha n'ya 'yung kwintas at isinusuot ito sa leeg ko habang ako ay hindi makapag salita.

Totoo ba 'to? Gusto n'ya ako maging girlfriend? Seryoso? I mean, alam ko naman na gusto n'ya ako pero hindi kasi ako sanay sa mga ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng kilig sa buong buhay ko.

Pero nawawala ang kilig ko tuwing naalala kong hindi puwede ang nasa isip ko. Madami pa akong hindi alam at kailangang malaman.

Alam ko naman na mabait s'ya 'pag dating sa 'kin pero hindi kasi ako sigurado. Ayaw ko na mag expect s'ya sa akin.

Gusto ko na nakikita at nakakasama s'ya kasi pakiramdam ko ay ligtas ako. Aminado din naman ako na nahuhulog na ako sa kan'ya pero kailangan ko munang alamin ang totoo...

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Onde histórias criam vida. Descubra agora