"You can't punish her! I'm the one who brought her to my room, and I'm also the one who was with her earlier." saad nito at nagkatinginan naman si Professor Lupin at Professor Tuazon.

"What do you mean by that, king Lexus? Bakit mo palaging kasama ang babaeng 'yan at saan din kayo nag punta kanina?" tanong ng mga ito at hinayaan ko naman si Lexus na mag salita.

Mukhang tinutulungan n'ya ako. Mabuti na lamang ay parehas kaming umalis kanina.

"I introduced her to my parents." maikli nitong sagot na ikinatingin ko sa kanya. Ano bang sinasabi n'ya?

"But, king Lexus. Your parents are both dead." sabi ni Professor Tuazon at sinamaan naman s'ya ng tingin ni Lexus kaya medyo napaatras s'ya.

"Like what I've said, pumunta kami sa PBG and I introduced her to my parents."

Marahang lumapit si Prof. Lupin kay Lexus, "Alam kong alam mo na mali 'to, Lexus. Kahit ikaw ang nag kusa, mapaparusahan pa din s'ya."

"I don't care about that stupid laws. Just let her go!" inis ni Lexus at hinawakan ang kamay ko at nag lakad,

Pero napatigil din kami sa pag lakad nang may sabihin pa si Professor Tuazon.

"We must punish her...at wala kanang magagawa doon."

Lumingon si Lexus at sinamaan ito ng tingin, "Would you still punish her If I'll tell you that she's my girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko at ganoon din sila Prof. Lupin at Tuazon.

"What the— are you serious, king Lexus? Hindi puwede ang gusto mo." gulat ni Prof. Tuazon.

Napatingin ako kay Lexus pero tila mukhang sinabi n'ya lang 'yon para hindi ako maparusahan.

Hindi na n'ya pinansin ang mga balak pang sabihin ng mga 'yon at binitbit lang ako sa kung saan.

Habang nag lalakad kami sa hallway ay tumigil s'ya sa pag lakad at iniharap ako sa kan'ya,

"Bakit ka sumunod don?!" galit n'yang tanong at medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil dito.

Nakakatakot kasi s'ya magalit, napaka seryoso at lumalaki din ang boses n'ya. Medyo kinakabahan tuloy ako.

"Malamang susunod ako kasi Professor 'yon!" sagot ko naman at inis padin ang mukha n'ya,

"Alam moba kung anong parusa puwede nilang gawin sa'yo?! Bakit ba hindi ka nag iingat?! You're always like that! Hindi mo ba naisip na puwede ka nilang dalhin sa kung saan para patayin? and you will die because of me!" galit n'ya habang ako ay nakatingin nang deretso sa kan'ya at hindi alam ang sasabihin.

Sinisigawan ba n'ya ako? Gan'yan ba s'ya kagalit para sigawan ako? Medyo ang sakit sa puso ng tono ng pananalita n'ya.

"Hindi ko naman alam! Hindi ko alam na ganito pala kahigpit dito. Tsaka bakit mo ba'ko sinisigawan? Wala naman akong kasalanan!" inis ko at tinalikuran s'ya pero agad n'ya akong iniharap sa kan'ya.

"You don't understand me! Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin! Bakit kasi nag dedesisyon ka ng iyo?!"

"Ano bang pakaelam mo kung mag desisyon ako ng akin? Hindi mo'ko pag mamay-ari para pakaelaman lahat ng ginagawa ko!"

"If I didn't cared about you, wala kana ngayon! You will die and you won't also be able to do your plan!"

Tinignan ko s'ya nang mga limang segundo bago ako sumagot,

"Nanunumbat kaba? Did I ever told you so saved me? Wala! Wala akong sinasabi na kahit ano sa'yo! Wala ako sinabing iligtas mo'ko sa mga oras na kailangan ko!"

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Kde žijí příběhy. Začni objevovat