"You're not that pretty, but I don't know why! why the f*ck am I inlove with you?" naguguluhan niyang pagkakasabi habang deretso ang tingin sa mga mata ko.

"F*ck! I love you, Blythe. I love you!"

Nagulat ako nang halikan n'ya ako at inihapit ang bewang ko sa kanya upang mas mag lapit pa kami.

Pinipilit kong kumawala sa paghalik n'ya pero masyadong malakas ang puwersa n'ya para kayanin ko s'ya.

Hinalikan n'ya ako at binuhat pa upang iupo sa lamesa. Tumugon ako sandali sa pag halik n'ya pero kumawala din ako nang marealize ang ginagawa ko.

Nasampal ko s'ya na s'yang tila nakapag pagising sa diwa n'ya.

"Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong at halos maluha dahil sa hindi malamang dahilan.

Tumulo ang luha ko at medyo nagulat naman s'ya dahil dito.

"I'm sorry...I-I didn't mean to-"

sinampal kopa s'ya ng isa at bumaba ako mula sa lamesang inupuan ko. Tinulak ko si Lexus palabas at wala naman s'yang nagawa pa.

Amoy alak s'ya kaya alam ko na nakainom s'ya kaya ganyan nalang kalakas ang loob n'ya.

"Umalis kana at 'wag kanang lalapit sa'kin!" inis ko at pilit s'yang ipinag tabuyan.

"I'm sorry...I'm sorry, Blythe." pag hingi n'ya ng tawad pero itinulak ko lang s'ya palabas ng pinto at agad itong isinara.

Mabilis akong napaluha at napatingin sa pagkain na binigay n'ya. Tinapon ko 'yon at tsaka ako muling nahiga sa kama ko.

Natulala ako at inisip ang mga nangyari.

***

Maya maya lang, lumabas na ako ng kwarto ko. Nasa pinakang taas daw ng barko sila Eurich kaya inakyat ko sila doon. Inaya din ako ni Eurich doon dahil wala daw s'yang kasama at kung si Venus daw ang sasamahan n'ya ay baka mag selos daw ako.

May swimming pool dito sa taas at may mga estudyante ding nag swi-swimming tsaka nag sasaya. Ang iba ay naka two piece pa.

Nabaling ang tingin ko kay Eurich at Thaddeus na magkasama. Si Lexus naman ay nag rerelax habang nag babasa ng libro, at si Aisler naman ay kalapit si Venus habang kausap ito.

"Blythe?" nilingon ko si Eurich na tumawag sa'kin. Naka two piece s'ya na kulay green.

"Ano ba'yan, Blythe! kahit kailan talaga kill joy ka. Mag two piece ka naman!" sambit n'ya at peke akong napangiti.

"Ayoko nga! Bakit moba ako pinapunta dito?" may inis sa tono ko.

"Napansin ko kase kahapon na malungkot ka. Tsaka nalaglag kadaw sa tubig kahapon sabi sa'kin ni Thaddeus. Kamusta ka? okay ka naman ba? Kung okay ka naman ay mag enjoy ka dito kasama kami."

Makakapag enjoy ba ako nang sila ang kasama? Eh, puro sakit sa ulo ang binibigay nila sa'kin.

"Why don't you just wear two piece? It's bagay naman sa'yo. Or maybe you just hide something in your body?" mapang asar na usap ni Venus.

Naalala ko, nandito nga pala ang pating na 'yan.

"I have nothing to hide." inis kong sagot.

"If you don't hide something in your body, why don't you just try to wear it? Ang arte-arte mo!" sambit pa n'ya at napangisi naman ako.

"Ano bang pake mo, hindi mo naman katawan 'to!" inis ko at inirapan s'ya.

"Don't force her, hindi s'ya nag susuot ng gan'yan." biglang usap ni Aisler kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ