"N-nasa h-hospital po!" sagot nito at nag madali naman akong tumakbo at hindi na napansin pa si Mom and Dad.

Sumunod naman sila sa'kin papunta sa hospital. Mas nauna akong mapunta sa hospital dahil ginamit ko ang kotse ko.

"Nasaan si Luna? Ipakita n'yo sa'kin si Luna!" halos natataranta na'ko dito.

Itinuro nila ang kwartong kinalalagyan ni Luna. Dahan dahan akong nag lakad papunta doon kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng luha ko.

Para akong babagsak habang papalapit nang papalapit sa pintuan na kinalalagyan n'ya. Hindi kopa nga s'ya nakikita pero nanghihina at nanlalambot na ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at napatakip naman ako ng bibig dahil sa sobrang sakit.

Kita ko ang naninilaw na itsura ng kapatid ko. Nakapikit, nakahiga, at wala ng buhay.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, para akong mawawalan ng malay.

Hindi kona napigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa sakit. Durog na durog ang puso ko.

"LUNA!" napahagulgol ako ng iyak at napaupo dahil sa nakita ko.

"S-SINONG GUMAWA SA'YO NITO?!" sigaw ko mula dito. Punong-puno ng galit, lungkot at sakit Ang nararamdaman ko.

Napaka sakit, sobrang sakit. Hindi ko maipinta ang sakit na nararamdaman ko. Para akong aatakihin sa puso.

Dumating si Mom and Dad at napatakip din ng bibig dahil sa nakita at napaupo.

"LUNA!" sigaw ni Mom at agad nilapitan si Luna at niyakap at ganoon din si Dad.

"SINONG GUMAWA SA'YO NITO?!" umiiyak, humahagulgol at pasigaw kong tanong.

"HINDI! LUNAAA GUMISING KA D'YAN PAKIUSAP!" humahagulgol kong iyak at nilapitan s'ya. Agad ko s'yang niyakap habang umiiyak.

Kita ko naman ang saksak sa bandang dibdib n'ya kaya mas namuo ang galit sa dibdib ko.

Hindi ko alam ang gagawin, parang gusto kong patayin nalang din ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam, hindi kona alam.

"Luna! please! don't do this to me!" umiiyak na banggit ni Dad sa pangalan n'ya. Halos ayaw kona ding bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Luna! Sabihin mo kung sinong gumawa nito!" pilit kong pinapakalma ang boses ko.

Nahimatay naman si Mommy dahil hindi n'ya kinaya ang lagay ni Luna,

"Luciana!"

Agad siyang binuhat ni Dad at mabilis na inilabas.

"Luna? gumising ka d'yan pakiusap!" napaupo ako sa sahig at halos maubusan na ng hininga dahil sa iyak at galit.

May lalaki namang pumasok dito at si Xynon iyon. Agad akong tumayo at inilapit ang mukha n'ya sa'kin,

"SINONG PUMATAY SA KAPATID KO?!" galit na galit kong tanong habang nakahawak sa neck tie niya.

"H-hindi ko alam." maikli n'yang sagot at binitawan ko naman s'ya.

"Anong nangyari? bakit hinayaan mong mangyari sa kapatid ko'to?
Napaupo nanaman ako dahil sa galit, at sakit.

"Pinatay s'ya, someone killed her."

"Alam kong pinatay s'ya, Xynon! at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang pumatay sa kapatid ko."

iyak at pighati ko. Napapahawak ako sa bandang puso ko dahil sa sakit ng nararamdaman nito.

"MAG BABAYAD SA'KIN ANG GUMAWA SA'YO NITO!" pagsigaw ko at napapikit ng madiin dahil sa galit at sakit.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now