"Bakit ang gulo ng kama mo? Gan'yan kaba talaga matulog?" takang tanong niya at peke ko lamang s'yang nginitian. Potek, baka makita n'ya ang ilan sa gamit ni Lexus sa kama ko.

Isinara ko muna ang pintuan at dali-daling dinampot ang neck tie at wrist watch ni Lexus na nasa kama ko. Nakita ko kase 'yan kanina kaya bigla kong naalala.

Binuksan kona ulit ang pinto at huminga nang malalim. Kita ko ang pag tataka ni Eurich sa mukha n'ya kaya mukhang kailangan kong gumawa ng ibang topic.

"Para sa'kin ba 'yang kape na hawak mo?" peke akong nakangiti habang nag tatanong at tumango naman s'ya kaya kinuha kona 'yung kape. "Thank you! Kanina kopa gusto ng kape kaso walang kape dito."

Iniiba ko lamang ang usapan upang hindi na n'ya maalala ang tanong n'ya kanina.

"Alam kong masakit ang ulo mo dahil sa hangover kaya inumin mo 'yan." nginitian n'ya ako pero hindi pa s'ya naalis.

"Thank you, ah! Happy birthday din and enjoy your day." nakangiti kong sabi at natuwa naman s'ya. Ang tagal n'ya umalis.

"Ikaw palang ang bumabati sa'kin ngayong araw kaya sobra kong na aappreciate, hehe."

"Umalis kana, maliligo at mag aalmusal na'ko. Mamaya kana lang pumunta dito." sabi ko na lamang at nginitian na s'ya. Isasara ko na sana ang pintuan pero pinigilan n'ya ito,

Ano nanaman bang sasabihin n'ya?

"Nakita mo ba si Lexus? Hinahanap s'ya ni Aisler at Thaddeus kanina pa. Nasaan na kaya 'yon? Baka kase mamaya nahulog na sa dagat 'yon sa sobrang kalasingan."

Napalunok ako sa tanong n'ya at napa iwas ng tingin. "Nand'yan lang 'yon. Baka nand'yan lang s'ya sa tabi-tabi. " sagot ko na lamang at akmang isasarado kona ang pinto nang pigilan nanaman n'ya ako. Hays! wala ba s'yang balak umalis?

"Blythe? Sinisikmura yata ako. Biglang sumakit ang t'yan ko dahil yata sa kape. Kanina kopa 'to iniinda, eh." sambit nito habang naka hawak nang madiin sa t'yan n'ya.

Nako! baka dito pa s'ya abutin. Hindi kopa naman p'wedeng ipagamit 'yung banyo dahil baka makita n'ya pa si Lexus.

"Edi umalis kana. Mag banyo kana sa k'warto mo. Barado kubeta ko, eh." palusot ko pero napapa inda s'ya at medyo nanlaki ang mata ko nang mag madali s'yang pumasok sa k'warto ko at tila dederetso ng pasok sa banyo,

"Hindi ko na kaya, Blythe!"

Agad kong hinila ang buhok n'ya at hinigit ito palabas. "Doon kana mag banyo, Eurich! Barado nga!" inis ko at napa sama naman s'ya ng tingin.

Ay wala akong pakaelam kung sumama ang loob n'ya dahil sa pag sabunot ko sa kan'ya. Ang kulit kase n'ya, eh.

"Ang sakit, ah! Napaka sama talaga nito! " daing niya.

"Doon kana dumumi at maliligo pa'ko. Ba-bye! Happy birthday ulit!" nginitian ko s'ya at isinara agad ang pinto. Napa hinga ako nang malalim.

Nakaka stress ang babaeng 'yon at palagi n'yang ginugulo ang mundo ko. Mabuti na lamang at nakaligtas ako.

Nag lakad na ako upang kumustahin si Lexus sa loob. Pag bukas ko ng pintuan ay naabutan ko naman s'yang naka sandal sa pader na tila hinihintay ako.

Tinignan lamang niya ako nang pagka seryo-seyosong tingin at medyo nagulat ako nang higitin n'ya ang kamay ko papasok sa loob ng banyo at isandal sa pader.

Tinignan n'ya ako sa mata kaya napa lunok at natahimik ako. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko, nakaka pressure s'ya.

"I don't remember anything, Blythe. What happened last night?" tanong nito at naitulak ko naman s'ya palayo sa'kin.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now