19

10.6K 401 60
                                    

Natapos na ang sayawan. Ngayon, gusto na nilang pasayawin ang mga susubok na sumayaw ng queen dance.

May dalawa ng naka sayaw nito pero hindi daw sapat ang mga galaw nila upang masabing sayaw iyon ng isang reyna.

Ako na yata ang susunod. 'To kaseng si Eurich pinilit ako. Okay lang naman sa'kin dahil may reward.

"Ms. Blythe, it's your turn." sabi ng emcee kaya naman kalmado akong pumunta sa gitna.

Nag palakpakan pa sila bago ako sumayaw. Nabaling naman ang tingin ko kay Aisler at kayla Lexus at Thaddeus na pinapanood ako. At ito namang si Eurich, tuwang-tuwa.

Nang tumunog na ang awit, dito na ako gumalaw.

Itinaas ko ang kamay ko at idinapo iyun sa harap ko. Inihakbang ko ang isa kong paa habang iginagalaw ko ang kamay ko.

Sineryoso ko ang pag sayaw at pag galaw ng katawan ko. Manghang-mangha naman sila sa ginagawa ko.

"Wow, she's stunning."
"I love how she respect the dance."

'Rinig ko sa paligid pero hindi ko iyon pinansin at nag patuloy lamang sa pag sayaw.

Pero habang sumasayaw ay nag taka ako nang makitang palapit si Lexus sa landas ko.

Seryoso ang mukha nito at tila napipilitan. Nag tilian naman ang mga estudyante dito habang palapit sa akin 'tong si Lexus.

Lumapit s'ya sa'kin at yumuko ito sa harap ko upang mag bigay galang. Hinawakan n'ya ang bewang ko at inihapit ito palapit sa kan'ya.

Naka titig ako sa mukha n'ya ngayon na napaka seryoso pero ang kalmado.

Kumapit na lamang ako sa braso n'ya at nag hawak naman ang kaliwa naming kamay.

Mukhang kasama ito sa sayaw. Kase kanina, doon sa dalawang babae na sumubok rin sayawin 'to, nakisali din sa kanila si Aisler at Thaddeus. Ta's ngayon, si Lexus naman sa'kin.

Ang tahimik lamang namin habang sumasayaw. Magka titigan din kami ngayon na tila kinakausap ang isa't-isa gamit ang mga mata.

Alam ko naman na gandang-ganda s'ya sa'kin ngayon base sa pagkakatingin n'ya sa'kin. Ayaw pa kase n'ya aminin.

"You look like her," biglang n'yang usap na ikinataka ko. Para s'yang si Aisler na sinabi din 'yan kanina.

"Sino?" tanong ko habang magkatinginan padin ang mga mata namin.

"It's Luna. You look like her."

Nailayo ko ang sarili ko sa kan'ya at napatigil kaming dalawa sa pag sayaw. Alam ko na nag tataka sila sa ginawa ko kaya ngumiti na lamang ako sa harap ni Lexus at yumuko upang mag bigay galang.

Kilalang-kilala talaga nila si Luna dito at alam na alam talaga nila ang itsura ng kapatid ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang mamatay ang kapatid ko pero naaalala pa din ni Lexus ang itsura n'ya kaya sigurado akong madami silang pinag samahan. Itong araw na ito din pala ang death anniversary ni Luna. Hindi ko manlang s'ya nadalaw.

Nang matapos ang sayaw, nag palakpakan nalang sila. Naiwan naman si Lexus na nag tataka dahil sa biglaan kong pag layo sa kan'ya.

Hindi ko na lamang s'ya pinansin at nag lakad na lamang ako papunta kay Eurich.

"Wow! Blythe, ang galing mo!" pag puri nito pero kinuha ko lang 'yung tubig na nasa lamesa at ininom ito. Nauhaw ako do'n, ah.

"Everyone, nakita n'yo naman ang nangyari. Ang gagaling at napaka husay ng mga sumayaw. Pero syempre may pinaka magaling at s'ya ang mananalo." sabi ng emcee. Isinandal kolang ang sarili ko sa upuan.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now