"Bakit mo'ko pinasok dito? Akala ko ba gusto mo'kong mamatay?" tanong ko at sineryosohan naman n'ya ako ng tingin 'tulad ng palagi n'yang ginagawa.

"Tss, I never trusted you. Baka ituro mo pa'ko kapag nakita ka n'ya."

Inis ko din s'yang tinignan at binuksan ko ang cabinet para sana lumabas nang higitin n'ya ako papasok ulit dito,

"Ano b-" napatigil ako nang makaharap ko ang mukha n'ya. Halos 3 inches lamang ang layo ng mukha namin kaya medyo nabigla ako at nag loading.

Eto ang unang beses na napa lapit ako kay Lexus nang sobra kaya nakakapanibago.

Nilayo ko ang mukha ko at inalis ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko.
"Lalabas ako! mag tatago ako sa iba." sabi ko at nag lakad na upang lumipat sana ng k'wartong tataguan.

Pagkalabas ko ng pintuan, medyo nagulat ako nang makita si Aisler na nag lalakad at tila nag hahanap.

Napalingon ako kay Lexus na nag mamadaling pumunta sa dereksyon ko at nabigla nang kunin n'ya ang kamay ko at hinigit upang tumakbo palayo kay Aisler.

Nakita na n'ya kami.

Agad s'yang nag madaling sundan kami kaya naman binilisan namin ni Lexus ang pag takbo.

Mukhang alam naman ni Lexus kung saan kami mag tatago kaya naman nag tiwala ako sa kan'ya sa mga oras na ito.

Dinala n'ya ako sa isang lumang budega at nag tago kaming dalawa dito.

Alam kong ginagawa n'ya lang 'to para protektahan ulit ang sarili n'ya. Wala kase s'yang tiwala sa'kin, natatakot yata s'ya na baka ituro ko kung nasaan s'ya.

Takot din naman pala s'ya mamatay, eh. Sa bagay, he has a lot of things to do or to finish. Ang dami kase n'yang responsibilities sa school and also sa Assassination Group na hawak n'ya.

"Don't do something stupid, Blythe. I won't forgive you if ever Aisler found me and ask me to kill myself." sambit ni Lexus pero inirapan ko lamang s'ya.

Inilibot ko na lamang ang paningin ko at mukhang hindi ligtas dito. Hays! bakit kase dito kami pumasok?

"What if makita tayo dito?" tanong ko pero seryoso lamang ang mukha n'ya. Nakakapagod s'yang kausapin at tignan dahil palagi namang iisa ang itsura n'ya.

"If you don't trust me, just leave!" usap na nito. Sino ba kaseng may sabing isama n'ya ako dito? tsaka may tiwala naman ako sa kan'ya pero dito sa tinataguan namin wala!

"At saan naman ako mag tatago, Lexus? May ilang oras pa tayo bago matapos ang game na'to." tinalikuran ko s'ya at nag hanap ako ng sikretong daan dito. Baka kamo may makita akong pinto dito kung saan-saan. Dami pa namang secret door dito.

"We still have 24 minutes. Kapag lumabas ka d'yan p'wede kang dumaan sa kaliwa at pumasok sa pang apat na pintong makikita mo. But, it depends on you if you're trusting me or not. I don't care about you tho."

Umiwas na s'ya ng tingin at umupo at dumekwatro pa. Naiinis ako kapag ang kalmado ng itsura n'ya na parang wala lang sa kan'ya ang mga bagay-bagay. Tss! Minsan ko lang yata s'ya makitang kabahan.

"Baka ituro mo'ko, ah." usap ko pero hindi s'ya sumagot. Nag lakad na lamang ako at lumapit sa pintuan para sana buksan ito kaso parang may narinig ako na nag lalakad mula sa labas kaya naman napa tigil ako at napa takip ng bibig.

"Truth or dare, Thaddeus?" rinig ko mula sa labas.

Kumunot ang noo ko at napalingon kay Lexus. Tumayo na din s'ya dahil nacu-curious yata s'ya sa nagaganap sa labas.

Lumapit na s'ya sa'kin at nakinig na rin ng usapan mula sa labas ng tinataguan namin.

"Truth." rinig kong sagot ni Thaddeus.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now