Naiwan kaming dalawa ni Lexus kaya nagka tinginan pa kami. Wala kaming choice.

"Let's go!" seryosong sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Paalis na sana kami upang mag tago pero napa tigil kami saglit nang may mapansin kay Aisler.

Napansin naming may nag iba kay Aisler. Sumama ang tingin n'ya sa amin at tila sinesenyasan na mag tago na kami.

Sinapian 'ata s'ya ng kung ano. Nakakatakot ang awra n'ya, parang hindi s'ya ang Aisler na kilala namin.

"You only have one minute to hide." seryoso nitong sabi at nanlilisik ang mga mata.

"Hindi s'ya si Aisler...Let's go!" usap ni Lexus at hinigit na ang kamay ko papunta sa kung saan.

Bumitaw ako sa pagkakahawak n'ya sa'kin nang makapasok kami sa isang kwarto.

"Subukan mong gumawa ng ikakapahamak ko talagang lagot ka sa'kin." banta ko at sinamaan s'ya ng tingin.

Seryoso lamang n'ya akong tinignan, "Hindi tayo p'wedeng mag hiwalay. If the bet sees one of us, we will both die. "

Hindi ko na s'ya sinagot at nanahimik na lamang ako dahil may point naman s'ya. Parehas naman naming mahal ang mga sarili namin kaya nag hanap na lamang kami ng tataguan rito.

Kapag kase nahanap ang isa sa amin, automatic parehas kaming mamamatay. Kaya nga pinapapili kami ng partner namin kaso wala akong choice kung hindi ang makasama si Lexus.

Habang inililibot ang paningin ko ay
naka hanap s'ya ng isang maliit na lusutan pababa. Binuksan n'ya ito at tinignan pa n'ya ako na tila sinesenyasan na mauna ako bumaba.

[*Bang*]

Naka rinig kami ng putok ng baril mula sa labas kaya nagulat ako at nag madaling bumaba doon sa lusutang nakita ni Lexus.

Sumunod rin naman s'ya agad.

Nang makababa ay inilibot namin ang paningin namin. Nasa kusina kami ngayon at makalat at mabaho din dito at puro din daga at ipis sa sulok-sulok.

"The bet already found Henry and Leo. They are out of the game." biglaang usap ng announcer kaya nagka tinginan kami ni Lexus.

Sila 'ata 'yung dalawang lalaki kanina. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay nahanap na agad sila,
mukhang grabe mag hanap si Aisler.

Halata ngang hindi s'ya ang nag lalaro. Katawan n'ya lamang ang kumikilos pero hawak ng master mind and utak n'ya upang kontrolin sa pag hahanap.

Tumingin na ako sa paligid at nag hanap ng matataguan pero mukhang wala kaming chance dito.

"Wala pa tayong nahahanap na p'wedeng taguan, baka mahuli tayo." sabi ko at agad naman s'yang gumawa ng paraan.

"We can't stay here, malapit lang si Aisler sa'tin." sabi n'ya at binuksan ang pinto palabas.

Hinawakan nanaman n'ya ang kamay ko at hinigit ako palabas. "Just follow me and don't do anything stupid if you don't want to die." mahina n'yang sabi kaya sinungitan ko s'ya ng tingin.

Hindi ko s'ya sinagot dahil baka may maka rinig pa sa boses ko.

May hagdan kaming nakita at agad naman kaming umakyat doon. Pumasok nanaman kami sa isang pintuan at this time ay banyo naman itong napasukan namin.

Agad may binuksan si Lexus sa bandang salamin at medyo nabigla ako nang mabuksan n'ya iyon.

Paano n'ya nalaman na may sikretong taguan sa loob ng salamin? Dati na ba s'yang galing rito?

"Paano mo nalaman na may taguan d'yan?" takang tanong ko sa kan'ya pero seryoso lamang ang mukha n'ya. Sa bagay, kailan ba s'ya ngumiti?

"'Wag kana mag tanong at pumasok ka nalang dito." pag susungit n'ya kaya pumasok na lamang ako. Sumunod naman s'ya. Isinara n'ya ito at agad naman s'yang naupo.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now