May mga nag abot pa ng sulat kaya peke akong napangiti bago ito basahin isa-isa.

"Goodluck, Blythe!"
"You can do it."
"You deserve it, b*tch!"
"I'm hoping that this is your last day in Maximus."
"Don't worry, I'm going to help you."

Kumunot ang noo ko at napa tingin sa paligid nang mabasa ko ang huling sulat.

Sino namang gustong tumulong sa'kin? Eh, halos lahat sila ay ayaw sa'kin.

Hays! hindi tuloy ako makakain nang maayos. Parang ayoko na tuloy kumain.

Kinuha ko na ang bag ko at nag lakad na papunta sa guidance. Sabi kasi doon raw ako pumunta para ma-inform ako sa gagawin ko sa bloody game.

Habang nag lalakad ay naka salubong ko naman si Aisler at Lexus. Napataas ang kilay ko. Buhay pa pala 'tong si Lexus.

"I guess this is the last time I'll see you." seryosong sabi ni Lexus at peke ko naman s'yang nginitian.

"Hindi ka sure!" mapang asar kong sagot habang pekeng nakangiti.

"Don't worry, Blythe...someone will help you." nabaling naman ang tingin ko kay Aisler na nagsalita.

"I don't expect anyone to help me, Aisler. " 'yan na lamang ang sinabi ko at nilagpasan kona sila at sa guidance na din ang deretso ko.

"Mabuti naman at nandito kana, Ms. Blythe." bungad ng isang Prof. at tumayo ito.

"Alam mo ba kung bakit ka ipapadala sa bloody game kung saan wala pang nakaka survive na estudyante kahit isa sa school natin?" tanong nito.

"As punishment for the sin I committed?" hindi ko siguradong sagot.

"Exactly!" sabi nito.

"Sino po bang makakasama ko?" tanong ko na habang naka tingin nang deretso dito.

"Kung sino ang mag vo-volunteer na tumulong sa'yo ay pag bibigyan namin. Kung meron lang, ah. But if you don't have friends that can sacrifice their self just to help you, kawawa kana kase mag isa mong haharapin ang mga pagsubok sa laro." sabi nito at marahan akong nginitian.

As if naman na may mag volunteer.

"Okay." maikli ko nalang na sagot.

"Ang mga tutulong sayo ay doon mo sila makikita sa mismong game." sabi nito at tumango na lamang ako dahil wala naman talaga akong inaasahan.

"Are you ready, Ms. Blythe?" tanong na nito at tumango naman ako.

Pinapunta n'ya ako sa pinakang loob at binigyan nila ako ng isusuot. Maikling palda at long sleeve polo na may kasamang neck tie, sapatos at mahabang medyas.

Wala daw kahit anong armas ang p'wedeng gamitin doon at tanging sarili mo lamang ang pang depensa mo. Kaya pala madami ang takot gumawa ng pagkakamali sa iskwelahang ito dahil ayaw nilang mapunta sa bloody game na sinasabi nila.

Pinapunta na ako sa lugar kung saan magaganap ang bloody game kaya huminga ako nang malalim.

Labas pa lamang ay nakakatakot na tignan. May maririnig rin kayong ilang sigawan sa loob at may mga dugo din sa mga bintana.

Pagka pasok ko doon sa gate ay mas nilibot ko pa ang paningin ko.

May babaeng tumatakbo dito papunta sa'kin dahil may humahabol sa kan'ya.

"Tulungan mo'ko!" umiiyak nitong pakiusap sa'kin habang hawak ang dalawa kong kamay pero dumeretso padin s'ya ng takbo at hindi na ako hinintay sumagot.

May naiwan pang bakas ng dugo sa kamay ko na galing sa kan'ya. Hindi ko naman nakita kung sino ang humahabol sa kan'ya kaya hindi ko na ito pinansin.

Sabi nila dumeretso daw ako sa kulay puting pinto para makita kung sino ang makakasama ko kaya naglakad na ako papunta doon. Pagka bukas ko naman ng pinto ay napa atras ako dahil sa nakita ko.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now