"At paano s'ya napunta doon kung hindi s'ya ang queen of all?" Kalmado pero takang tanong ni Lexus dito.

"Inutusan s'ya ng God and Godess of all para mag panggap bilang isang reyna! and of course wala s'yang choice kung hindi sundin ang utos ng mga ito!" inis nitong sagot at sinamaan ako ng tingin.

Napuno ng pag tataka ang mukha ko nang lingunin niya ako.n

Kumuha si Mom and Dad ng mag papanggap na queen of all para matulungan nila ako sa plano ko?

Hindi ko naisip 'yon. Hindi naman kasi ako humihingi ng tulong sa kanila.

Medyo lumapit sa akin ang queen of battle at itinuro ako. Kita ko ang galit sa mga mata n'ya.

"Isa kapa! siguro ikaw ang dahilan kung bakit ginawa ni Thaddeus ang bagay na 'yon!" nag taka naman ako sa sinabi niya.

Nilapitan pa ako nito at tinignan nang masama kaya naman sinamaan ko din s'ya ng tingin.

"Eh, kung sayo na lang kaya ako bumawi? tutal fighter ka lang naman!" galit nitong pag kakasabi.

"Ano namang gagawin mo?" Nakapamulsa kong tanong.

"Bullshit! ang kapal ng mukha mong sagutin ako nang gan'yan? DID YOU KNOW WHO I AM?!" sigaw nito. Nginitian ko s'ya pero sumeryoso din bigla ang mukha ko.

"Queen of battle? " sagot ko lang at nagulat naman ako nang suntukin n'ya ang mukha ko.

Parang wala lang 'yung ginawa n'ya sa'kin dahil sanay na naman ako. Muli kong iniharap ang mukha ko sa kan'ya at nginisian s'ya bago ko s'ya sipain.

Natumba s'ya at napa upo sa sahig na ikina gulat nilang lahat. Agad rin naman siyang tumayo at akmang eespadahin ako nang biglang may humarang kaya hindi n'ya ito naituloy.

"Don't you dare!" seryosong usap ni Aisler na medyo ikinagulat nitong reyna.

Bakit ba ako palaging inililigtas nitong si Aisler? akala ba n'ya hindi ko kaya ang sarili ko?

"What are you doing? get out of it!" suway sa kan'ya ng reyna at pilit pinapaalis si Aisler

"Stop this!" malamig nitong utos sa queen habang naka tingin nang deretso sa mata nito. Natulala naman ang reyna at nag pipigil ng luha.

"F*ck! Aisler! you don't understand me. Pinatay nila ang kaibigan ko!" umiiyak na ang reyna.

Tulala lamang ang lahat ng tao sa paligid, at miski si Eurich ay ganoon rin.

"Kay Thaddeus ka gumanti, huwag sa kan'ya." sabi ni Aisler dito.

Wala naman kase talaga akong kinalaman sa pagka matay ng kaibigan n'ya.

Pero naiintindihan ko naman kung bakit s'ya nag kaka gan'yan, kase kahit 'ata ako ay magagalit nang sobra.

'Yung kaibigan mo na itinuring mo nang kapatid, tapos biglang pinatay, nakakagalit nga 'yon.

"Pero s'ya ang dahilan kung bakit nagawang patayin ni Thaddeus ang kaibigan ko!" sagot nito. Medyo naiinis na ang mukha ni Aisler.

"At bakit naman s'ya ang magiging dahilan ko?" usap na ni Thaddeus at lumapit dito.

"Because she's your girlfriend." natawa ako sa isinagot nito.

So, akala n'ya pinatay ni Thaddeus ang kalaban ko dahil akala n'ya din ay girlfriend ako ni Thaddeus?

Ano ba'to? Ang non-sense naman.

"No, she's not my girlfriend!" inis na sagot ni Thaddeus.

"So, bakit mo s'ya pinag tanggol? Malapit na s'yang mamatay that time tapos bigla kang lalapit sa kanila para patayin ang kaibigan ko?" sambit nito.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now