Hays! bahala na.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakaupo si Aisler habang inaayos ang wrist watch n'ya at si Thaddeus naman ay naka upo din at mukhang mainit ang ulo.

Yumuko ako upang mag bigay galang sa kanilang dalawa.

"Bakit n'yo ako pinatawag?" seryoso kong tanong.

May itinaas si Aisler na picture at seryoso lamang ang mukha n'ya nang tumingin sa akin.

Medyo nanlaki ang mata ko pero hindi ko ipina halatang nagulat ako.

Picture ko ba 'yun? Ako ba ang nasa picture?

Sh*t!

"Did you know who's this girl?" tanong ni Aisler. Tumayo siya at ganoon rin si Thaddeus.

Nako! mukhang buking na ako.

"He messed up my room. I think she is planning something. Did you know who is she?" galit na sambit ni Thaddeus sa akin.

Napa lunok ako bago ko sila sagutin. Hindi din ako maka tingin nang maayos sa kanila.

Tinignan ko na lamang ang isang letrato. Kumunot ang noo ko nang mapag tantong malabo ang letrato.

Kaya siguro hindi nila ako nakilala.

"No, I don't know her." sagot ko nalang. Mabuti na lamang at magaling ako mag panggap.

"Find out who did that!" utos ni Aisler. Medyo nagulat ako sa sinabi n'ya.

"Huh? At bakit ko naman hahanapin iyan?" reklamo kong tanong.

Tinitigan nila akong dalawa na parang ipina paalala sa aking hari ko sila.

"Oh, Sorry. I mean, bakit ko s'ya hahanapin? Hindi ba't dapat mag focus kayo doon sa nangyari kagabi?" mabait konang asta.

Minsan hindi ko ma kontrol ang pagiging bastos ko sa kanila. Pero paano pa kaya nila nagagawang patawarin ako even though na ginagawa ko sa kanila iyon?

Hm, sa bagay, bakit nila ako papatayin? Eh, napaka laki ng halaga ko sa kanila.

"Someone already fixing that tragedy last night. And you? You are the one that I want to deal with this woman." natulala ako sa isinagot ni Aisler.

"Bakit ako?"

"Because only you can find her." masungit na sagot ni Thaddeus at natulala lamang ako dito at medyo napapalunok na din.

Kailangan kong tumanggi.

"Ayoko, busy ako." tanggi ko pero sinungitan ako ng tingin ni Aisler. "You must find her, and if you don't...I will send you to Blood University."

"Tss, bakit kase ako?" reklamo ko at bigla namang pasok ni Lexus.

"Why are you here?" bungad niyang tanong sa'kin. Nabalot ako ng kaba nang makita ko si Lexus,

pero bigla kong na-realize na wala nga pala s'yang alam sa pinag uusapan namin nila Aisler kaya naka hinga ako nang maluwag.

"Ah wala, pa alis na din ako." mabait kong sagot at nag lakad na paalis.

Naka hinga ako nang maluwag nang maka labas ako sa lugar na iyon. Kabang-kaba 'ata ako. Sa bagay, sira lahat ng plano ko kung malalaman nilang ako iyon.

Hays! bakit ka kase nag padalos-dalos, Lucy?

***

Dumeretso ako ng banyo at tinignan ang mukha ko sa salamin. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig at ilong ko upang malaman ko kung anong nakita ni Lexus sa mukha ko kagabi habang naka mask.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now