Napa tingin naman ako kay Aisler na pina-panood kami habang isina-sayaw niya si Xavia.

"I like your gown...just your gown." sabi ni Lexus na tila may ipinapamukha pa.

"I won't forget how you looked at me earlier." I calmly said. Wala naman s'yang naisagot. Tinitigan n'ya lamang ako nang deretso sa mata at ganoon din naman ako.

At nang lumipas ang limang segundo,
nailayo ko ang sarili ko sa kan'ya at nalipat naman ako kay Thaddeus.

Hinawakan n'ya ang bewang ko at inihapit ito palapit sa kan'ya kaya medyo nagulat ako. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa bandang tainga ko at may ibinulong.

"Eurich is a princess, right?" bulong n'ya sa akin at inilayo din ang mukha n'ya. Tumingin lamang ako sa kan'ya at nakipag sayaw pero hindi ko sinagot ang tanong n'ya.

Itinuloy namin ang pag sasayaw hanggang sa bumalik ulit ako kay Aisler.

Nang matapos ang sayaw, nag katitigan pa kaming dalawa bago mag hiwalay.

Nag palakpakan naman ang lahat.

"Thank you for your beautiful performance, our kings and to their partners...To the partners of our kings, can you dance for us?" sabi ng M.C na medyo ikinagulat ko.

Wala naman nag sabi na may ganitong magaganap.n

"Are you nervous?" mapang asar na tanong ni Aisler pero sinamaan ko lamang s'ya ng tingin.

"Ms. Blythe? you go first." saad nung babae.

Nginisian ko naman si Aisler bago s'ya umupo. Pumuwesto naman akong muli sa gitna.

Kay Aisler lang ako naka tingin at matapang na sinimulan ang isasayaw ko. May pa gan'to-gan'to pa kase!

Nag simula nang tumunog ang kanta. Ang isinayaw ko ay mabagal lamang. Malambot at malumanay lang ang galaw ko.

Sa akin lamang naka tingin ang lahat habang suma-sayaw ako. Ang iba ay nag tataka ang mukha.

"How did she know that dance?"

"Only a queen can do that."

"Paano n'ya naisa-sayaw 'yan?"

Nang marinig ko ang sinasabi nila habang sumasayaw ako. Bigla kong naisip na estudyante nga lang pala ang tingin nila sa akin at hindi isang reyna kaya naman iniba ko nang kaunti ang step sa isina-sayaw ko.

Tinignan ko si Aisler na mag kasalubong ang mga kilay at naka tingin lamang sa akin. Mukhang hindi s'ya maka paniwala.

Napalingon naman ako kay Lexus na naka upo at seryosong nanonood sa galaw ko. Parang may sinasabi pa s'ya sa isip n'ya.

Yumuko ako at iniangat ang gown na suot ko pag katapos ng sayaw. Nag palak-pakan naman ang mga tao at si Aisler naman ay napatayo.

Mukhang napikon nanaman s'ya. Sa tingin ko ay inis na s'ya sa'kin dahil halos lahat ay nakakaya kong gawin.

***

Makalipas lamang ang kalahating oras. Nag party party na ang mga estudyante.

May sumasayaw-sayaw, may kumakain, may nag titipon-tipon at may mga nag lalakad-lakad.

Si Aisler ay nasa taas lamang at nakaupo habang pinapanood ang mga estudyante mag saya. Si Thaddeus naman ay kasama si Eurich. Mukhang masaya sila pero naisip ko bigla ang tanong ni Thaddeus kanina. Mukhang alam n'ya ang sikreto ni Eurich. Si Lexus, hindi ko alam kung nasaan.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now