"Okay." sagot ko nalang. Ba't ganiyan s'ya ka kabado? halatang may alam. Pero hayaan mo na, sasakyan ko na lamang ang mga gusto at plano n'ya.

Umupo na lamang ako sa kama at pumasok rin s'ya sa kwarto ko.

Hinayaan ko lang s'ya. Nilibot naman niya ang paningin niya at akmang hahawakan ang mga firearms ko.

"Don't touch it!" madiin kong utos sa kan'ya at sinunod naman niya.

"Sorry." hiya n'yang sabi. Hindi ko nalamang pinansin.

Wala lang, ayoko lang na hawakan n'ya ang mga collection ko.

***

Nag punta na kami ng classroom at pumasok naman na agad ang Professor namin.

"Good day, everyone!" bati lang nito pero tahimik lamang ang lahat.

"We will having a party tommorow. And don't worry, no massacre will occur." saad ng Prof. namin na ikinatuwa bigla ng classmates ko.

Parang kanina lang para silang mga lantang gulay, pero ngayon parang mga nadiligan dahil sa saya ng itsura nila.

Sa bagay, sino nga namang matutuwa sa patayan.

"Hanggat maaari, humanap na kayo ng partner n'yo. Our school has given you a chance to have fun for a while." dugtong pa ni Prof.

"And girls? be prepared, because our kings will choose three of you to be their partners." nag tilian bigla ang mga classmates ko nang sabihin iyan ng Prof. namin.

Pipili daw ang mga hari ng magiging partner nila dito sa buong school.

"Oh my god! I need to be more pretty."

"Sana piliin ako ni Aisler. "

"Ang swerte naman ng mapipili nila."

"Sh*t! this is so exciting!"

Sabi ng mga kire kong kaklase.

***

Nang matapos ang klase dumeretso kami ni Eurich sa Cafeteria. Okay pa naman kami ni Eurich kahit na may nalaman ako sa kan'ya. Pakiki-samahan ko na lamang s'ya dahil mabait naman s'ya.

"Grabe, Blythe! hindi ako makapaniwala dahil ang mga hari mismo ang pipili ng magiging partner nila bukas. Sana may mag lagay ng crown sa locker ko." kinikilig na asta ni Eurich. Nag kasalubong naman ang kilay ko.

"Para saan ang crown?" takang tanong ko.

"Kapag pina-dalhan ka ng crown, ibig sabihin ikaw ang napili nila maging partner, at 'yung crown na 'yun ang isusuot mo sa party. Ang sarap naman sa feeling." napatingala s'ya at tila ini-imagine ang puwedeng mangyari. Natatawa tuloy ako sa kan'ya.

Nag yukuan nanaman ang estudyante kaya tumayo na lamang din ako para makisama sa pakikipag bigay galang. Syempre ang mga hari ang nandito.

Yumuko ako sa kanila at agad rin na umupo. Kinuha ko ang bottled water at ininom.

"You already know how to respect us." halos mabuga ko ang iniinom ko nang mag salita si Aisler.

Hindi ko na lamang muna sila pinansin. In-open ko ang phone ko at nag lagay ng earphone sa tainga ko at nilakasan ang volume para wala akong marinig sa paligid.

Tinatamad kasi ako makipag usap sa kanila dahil puro problema ang binibigay nila sa akin.

"Do you want me to send you a crown?"

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now