Natahimik ako sa sinabi n'ya at medyo hindi makapaniwala.

Ibig sabihin ay niligtas ako nitong lalaking 'to? Si Aisler? ililigtas ako?

"B-bakit mo naman ako niligtas? " medyo hindi ko makapaniwalang tanong.

Pero hindi n'ya nasagot dahil biglang dating ni Eurich. Napalingon na lamang kaming dalawa sa kan'ya na kada-dating lang, ta's bigla namang alis ni Aisler.

"Anyare dun?" tanong agad ni Eurich.

Hindi ko siya sinagot. Nag takip na lang ako ng kumot. Sakit pa ng t'yan ko, ang hapdi.

Pero habang nakahiga at nakatakip ng kumot ay naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Aisler.

***

Kinabukasan, nandito pa din ako. Hindi ko alam kung makakalabas ako dahil medyo kumikirot pa ang sugat ko.

Si Eurich sobrang saya at naka ready na ang dadalhin niya pauwi sa kanila. Doon muna daw s'ya sa kanila tapos uuwi s'ya bukas.

7 AM pa lamang ngayon, iniisip ko kung aalis rin ba ako.

"Blythe? Paano 'yan? Aalis na ako. Wala kabang balak kumilos? wala ka din bang pupuntahan?" malungkot niyang tanong.

"Wala." maikli kong sagot.

"Sayang ang 2 days, Blythe. Sa bagay, mahihirapan ka kumilos gawa ng sugat mo." napatingin ako sa kan'ya bigla at peke siyang nginitian.

"Kailan mo balak umalis?"

"Sungit mo nanaman, eto na nga aalis na ako. Mag pagaling ka dito, ah."

Hindi ko s'ya sinagot. Umalis na lang rin s'ya.

Pagkalabas niya, umupo muna ako nang dahan-dahan mula sa pagka-kahiga dahil medyo masakit pa ang sugat ko. Tumayo din ako at dahan-dahan umalis para bumalik sa sarili kong kwarto.

At nang makarating,

Dito ako nag madaling mag bihis at umalis rin ako agad. Hindi na'ko nag dala ng gamit.

Nang makalabas ako ng school, ang daming estudyante. Ang sasaya ng mga mukha nila kaya medyo natuwa ako.

***

Pag ka-uwi ko sa palasyo, yumuko ako upang mag bigay galang sa magulang ko.

Yayakapin ko sana sila ang kaso umiwas agad sila na ikinadismaya ko.

"Lucy? How long do you want to pretend as a normal student?" tanong agad ng aking Ina.

"Mom, I need to avenge my-" my Dad cutted me off.

"Your sister is dead, Lucy!" napa titig ako kay Dad sa sinabi n'ya. Parang babagsak ang luha ko.

Sabi sa inyo iba ako sa labas at sa loob ng school, eh. Ito naman talaga ako. Mababa ang luha, hindi naman ako kalakasan, hindi ako sobrang tapang, hindi din naman ako matigas.

"I know, pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay ang pumatay sa kan'ya." madiin kong pag kakasabi na tila may sama ng loob.

"Bakit ba gan'yan kayo? hindi ba dapat nag hihiganti din kayo? Mom? Dad? naturingan kayong mga nasa mataas na posisyon? Ano? hanggang d'yan na lang kayo?" dagdag kopa dahil sa inis ko.

"Ginusto 'yon ng kapatid mo, Lucy. Why don't you just accept that? Hindi mo alam kung gaano namin gustong patayin ang hari na pumatay sa kapatid mo pero hiniling ng kapatid mong huwag nating gawin 'yon kase ayaw n'yang may mangyaring masama sa taong gusto n'ya. "

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now