Hindi ko iniipit ang buhok ko at hinayaan lamang itong nakalugay. Hinawakan ko na din ang pana ko para sa unang round ng laban.

Maya-maya lamang, bago mag simula, kinausap pa ako ni Eurich para i-cheer. Ayan nanaman s'ya.

"Blythe, tiwala ako sayo. Kaya mo 'yan, 'wag mo hahayaan na magka sugat ka, ah." masayang pagkakasabi n'ya. Tinignan ko lamang s'ya nang pagkaseryo-seryoso

"Okay." maikli kong sagot habang hinihintay mag simula.

"Alis na!" utos ko na sa kan'ya at niyakap pa n'ya ako bago tumakbo paalis. Medyo nainis ako pero hindi ko na lamang pinansin. Nakatakbo na eh.

Nag simula na akong mag lakad nang makita ko ang Assassination Group.

Lumapit ako sa kanila at nakisama na din. Tumayo muna kami dito sa bandang gilid. Let's just say na 100+ kami, pero ganoon rin naman ang iba.

Tahimik muna ang lahat. Naandito na din ang mga makakalaban namin.

Nag datingan naman na ang mga hari at ang isang queen tsaka mga gods and goddesses pati prince and princesses para manood.

Naupo sila sa mga trono nila. Sabay-sabay kaming yumuko para mag bigay galang. Pati ang tatlong hari ay nakaupo din sa trono.

Seryoso lamang ang mga mukha nila. Mukhang hindi nga basta laro 'to.

Napaka halaga talaga ng eskwelahan para sa aming lahat. Nasa batas na kasi ito.

Nag handa na ang lahat para sa pag sisimula ng laban.

"The first round is about to begin. Be prepared everyone!" sabi ng announcer.

Nang mag simula na ang laban. Nag sisugod na ang mga Assassins.

Huminga ako ng malalim bago tumakbo papunta doon. Agad akong namana ng kalaban. Pinana ko lamang sila isa-isa.

Sa first round, bawal pa gumamit ng sword, weapons and something like that. Mga pana lamang at ang mga kamay at paa mo lamang ang p'wede. Matatanggal ang grupo na gagamit ng mga sword at weapons sa first round.

Halatang magka galit na magkagalit ang mga estudyanteng naglalaban dito. Gigil na gigil kase sila sa laban.

Habang nakikipag laban ako, napatigil kami.

Lahat ay napatigil...

Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng kasama ko ay nag babagsakan na dahil hindi sumunod ang kalaban.

Nag paulan sila ng bala sa amin at pinag babaril nila ang mga kasama ko.

Kaunti na lamang ang natira at isa na ako doon. Na tigil din ang laban dahil sa ginawa nila.

"The Assassination Group of Blood University has been disqualified for using firearms!" sabi ng announcer.

Nabalot ng inis ang mga Assassins na kasama kong natira. Kita ko din naman ang nakakunot na noo ni Lexus kahit pa ang layo ng agwat namin sa isa't-isa.

Hays! sobrang duga ng kalaban! sinadya nilang paulanan kami ng bala kahit pa na ika didisqualified nila.

"NO, WE ARE NOT CONSENT! KILL THEM!" sigaw ng mga kakampi ko.


Agad akong tumakbo para makaalis sa gitna dahil alam kong mag papaulan din sila ng bala sa kabila.

Sino ba namang hindi maiinis. Napaka daming namatay sa grupo namin tapos sila pa chill-chill lamang ang itsura at halatang ang patayin lamang kami ang intention nila.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now