I own a lot of schools, mga pito ang pinang hahawakan ko. I mean, sa pitong iyon, lahat ng estudyante doon ay kilala ako. Kaya busy talaga ako, pero ipinang sangtabi ko lahat ng kailangan kong gawin dahil para sa akin, mas importante ito.

Actually, at this age, I have lots of responsibilities.  Kaya minsan, ayoko na lang maging ganito.

Nakinig na lang ako kay Eurich ngayon sa sinasabi pa n'ya.

"Si Lexus, s'ya ang pinaka tahimik. Para laging ang daming sikreto. Walang nakakakilala sa totoo n'yang pagkatao kung hindi ang sarili lamang n'ya. He's cold, hearthless, but humble. Hindi pa namin siya nakikitang ngumiti sa buong buhay namin, ang dami kasi yata n'yang experiences sa life kaya 'di na namin s'ya masyado pinapansin. Pero alam mo? s'ya ang may pinaka madaming tagahanga when it comes sa appearance n'ya. Ang linis-linis kasi, ang bango, tsaka napaka gwapo, sobrang gwapo pa manamit, ang elegante! Naging crush s'ya ng lahat dito pero habang tumatagal ay inayawan nila si Lexus nang makita nila itong pumatay nang harapan. Hays, 'wag nanga 'yon. Masyadong negative. So ayon, eto namang si King Aisler, s'ya ang kinalaban mo, at ang malas mo dahil ang napili mo pa ay ang pinaka hari. Mas mataas s'ya sa dalawang hari na lagi n'yang kasama. Seryoso sa buhay si Aisler, pero marunong naman s'yang ngumiti kahit papaano, 'di tulad ni Lexus. Pero 'wag ka mag titiwala d'yan kay Aisler, madaming tinatago 'yan. At tsaka madami kapang makikita sa kan'ya na hindi mo aakalain kaya mag ingat ka, mapag panggap 'yan kapag may gusto siyang makuha at s'ya pa naman ang kinalaban mo."

Madami akong nakuhang impormasyon sa babaeng ito na talaga namang makakatulong kahit papaano. May naidulot din naman ang pag dadaldal n'ya pero may gan'yan pala talaga kadaldal na tao?

At ngayon, wala pa din s'yang tigil. Mag sasalita nanaman s'ya.

"At si Thaddeus naman, para sa'kin s'ya ang pinaka masungit sa kanila at pinaka maarte din, sobrang taas ng standard sa lahat. Matalino 'yon, marunong nga mang hypnotize 'yon, pero 'buti na lang 'di n'ya ako ginaganon. Pero loko-loko din naman 'yon minsan kaya goods pa din. 'Wag ka mag alala doon, may sariling planeta 'yon." dugtong n'ya at may tawa pa sa dulo na ikina peke ko ulit ng ngiti.

Napaka daldal pala talaga ng babaeng ito. Paano ko s'ya pakikisamahan kung ganiyan kaingay ang bunganga n'ya? Pero magaganda naman ang lumabas sa bibig n'ya kaya may silbi ang ingay ng bunganga n'ya.

"How about their Queens?" tanong ko habang umiinom s'ya at para naman s'yang nasamid.

Naitaas ko tuloy ang isa kong kilay at pinuna ang kilos n'ya. Tila may alam ang isang 'to.

"Queens? hay nako! Blythe! nakakaloka. Ang reyna nilang tatlo? hindi makita. Ang isang  reyna ang sabi nila nandito daw pero 'yung dalawa hindi ko alam. "

'Yung isang queen is dead, she's my sister, at 'yung isa naman ay Queen of Battle. And I think may pinag dududahan talaga sila dito sa school at sana lang hindi ako 'yon.

Kaya nga ginagawa ko din ang best ko para umaktong normal pero minsan hindi ko mapigilang umakto na parang may galit sa kanila.

Habang napapaisip sa mga sinabi ni Eurich...

"Tabi!" may humila sa kan'ya paalis ng upuan at basta na lamang itinulak sa sahig kaya napatayo ako nang gawin ito ng isang babae.

Nag mamatapang ba s'ya dahil sa malaki niyang katawan?

Tinignan n'ya ako kaya naman tinignan ko din s'ya na parang tinatanong ng mga mata ko kung anong problema n'ya.

"I'm sorry about that. By the way, I'm Marga, we're here to invi—" hindi nito naituloy ang sasabihin niya nang utusan ko s'ya.

"Stand her up!"

Natawa naman sila dahil dito. Nagkatinginan pa sila habang bakas ang makalokohang ngiti sa mga mukha. 

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now