Chapter 18

5.6K 298 12
                                    

Keegan Hadlee

Alam niyang may balak na namang masama si Malford kay Lennox dahil kitang kita niya ng sadyain nitong butasan ang gulong ng sasakyan nito. Sinadya talaga niyang sundan si Lennox dahil alam niyang hindi pa ito makakalayo ay magkakaproblema na at tama siya ng makita ngang tumigil ito sa tabi ng daan.

Nakita niya sa isang tabi ang bola ng lawn tennis, siguro ay nahulog iyon ng isang kagaya niyang estudyante. Pinulot niya iyon at ginamit para batuhin si Malford. Ayaw niya sa tono ng pananalita nito at ayaw niya sa kayabangan nito. Hindi pa ito nadala noong una kaya ngayon kahit hindi niya gusto. Sa inis niya ay sinugod niya ito at pinagsusuntok kasama si Owen. Sana ngayon ay matuto na ito ng leksyon para magtanda na.

"Hey!" Habol sa kanya ni Lennox at mabilis itong humarang sa harapan niya. Nakataas ang isang kilay nito at halatang naiinis sa kanya. "Stop calling me a witch dahil baka marinig ka ng iba! You'll ruin my reputation and image, Keegan!"

"Ok, then stop making troubles."

"Wow!" Hindi ito makapaniwalang tumitig sa kanya ng may pang-uuyam. "I am a trouble maker pero alam mong hindi ako ang gumawa ng gulo ngayon! Alam mo ang nangyari Keegan!"

Bakit ba ang init palagi ng dugo nito? Posible kayang pinaglihi talaga ito sa sama ng loob?

Pinanatili niyang seryoso ang kanyang mukha ngayon.

"Alam ko kaya ako sumunod dahil nakita ko ng may ginawa si Malford sa gulong ng sasakyan mo."

"Nakita mo pala, bakit hinayaan mo pa?"

"Hindi ko responsibilidad na bantayan ang mga pag-aari mo, Lennox." Natigilan ito sa sinabi niya. "Ano bang problema mo? Ang flat mong gulong na pwedeng bilhan ulit ng bago and I think thats not a problem in your part kasi mayaman ka naman."

"Yeah I can buy everything! But you saw it pero wala ka man lang ginawa!"

Napabuga siya ng hangin. "Wala akong ginawa? Ano bang mas mahalaga sayo, ang gulong ng sasakyan mo o iyang buhay mo? Look Lennox! I didn't walked all this way para lang iligtas ka kina Malford at Owen. So what if I didnt do something with your tire? Didn't you remember I did something just to save your life?! Kaya wag na wag mo akong masusumbatan dahil una, wala akong responsibilidad sayo! Pangalawa, hindi tayo close at hindi rin maituturing na magkaibigan Lennox!"

"Fine! We're not friends and we'll never be! So whatever happens to me huwag na huwag kang makikialam!"

Tumaas ang isang sulok ng labi niya rito. "Let's rephrase what I told you earlier Lennox. You're not a witch. You're an ungrateful bitch." Saka na niya ito nilagpasan at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad papunta sa kanyang condo. Wala ang Kuya Dobert niya ngayon dahil may inasikaso itong importante.

Malapit na siya sa condo niya ng maramdamang hindi pa rin siya nito nilulubayan. Walang imik itong nakasunod sa kanya hanggang sa makapasok sila sa building at makarating sa loob ng elevator. Ewan niya kung anong nakain nito ngayon at masama na naman ang timpla. Hindi niya maintindihan si Lennox kung ano talaga ang gusto nito. Kanina lang ay inaaway siya nito. Ngayon naman ay sinundan pa talaga siya at sabay lumabas ng elevator ng hindi nag-iimikan. Ni hindi rin nagsulyapan.

Kinuha niya ang kanyang card at swinipe iyon. Bumukas ang pinto saka siya pumasok. Akmang isasara niya agad iyon ng mabilis itong naglakad papasok ng unit niya at walang pakundangang naupo sa kanyang couch.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto at doon nagpalit ng damit. Paglabas niya ng kanyang silid ay saktong may nag-doorbell. Bumalik na kaya ang Kuya Dobert niya? Pero imposible naman yon.

Lumapit siya't binuksan ang kanyang pintuan ng hindi tinitignan sa peephole kung sino ang nasa labas.

"Surprise!" Gulat nito sa kanya at natumba sila pareho ng dambahin siya nito.

"Erika?" Takang tanong niya ng makita ito. Awtomatikong nagsara ang pinto saka iyon nag-locked. "Teka! Anong ginagawa mo rito at paano mo ako nasundan rito?"

Tumayo ito sa harapan niya't saka nagcrossed arms sa dibdib nito. Nanatili siyang nakatingala rito at nakatukod ang kanyang mga siko sa carpeted na sahig.

"Oh that? Simple. May tiwala sa akin si Tita kaya binigay niya ang address mo. Mabuti nga ang Mommy mo may tiwala sakin eh ikaw wala. Aren't you happy to see me? You never texted me anymore at nami-miss kita, ya know?!" Sarkastikong wika nito. "Hindi ibig sabihin na may pinagtataguan ka eh kakalimutan mo na rin ako Keegan Hadlee Jentero!"

Her eyes widened with the realization that Erika just spilled something she shouldnt! Alam niyang malinaw iyon na narinig ni Lennox. Damn!

"Erika Maurice!" Saway niya rito at mabilis na tumayo.

Nagdadabog itong nagtuloy pero natigil ito ng makita si Lennox na nakatayo at naka-crossed arms din ito. Mataray itong nakatitig kay Erika. She could smell something.

Trouble! Napakamot siya sa kanyang leeg.

"Who are you?!" Masungit na tanong ni Erika dito.

"Hindi ko obligasyong magpakilala at wala akong dapat ipaliwanag sayo. Sa madaling salita. Kung sino ako wala kanang pakialam don." Kalmadong sagot ni Lennox pero nandon ang kamandag sa boses nito at talim sa mga mata.

Pumagitna siya sa dalawa at pinanlakihan ng mga mata si Erika. Alam niyang mapapakiusapan niya ito kumpara kay Lennox na kahit makipagpatayan ay lalaban pa rin ito.

"Sino ba yan ha Keegan?! Bastos kung makasagot eh! Akala mo kung sino! Hey!" Dinuro nito si Lennox. "Hindi mo ako kilala!"

"At mas lalong hindi mo ako kilala so never ever point your finger on me, idiot!"

Erika gasped!

Oh she knew Lennox very well pero tama rin naman ito. Hindi talaga ito kilala ni Erika pero siya. Kitang kita niya itong isang diwata na may buntot at sungay!

Hinawakan niya si Erika sa pulsohan nito at kinaladkad ng makitang aangil na naman. Dinala niya ito sa kanyang kwarto.

"Ano ba! Sino iyon ha?! Bagong kaibigan kaya ba nakalimutan mo na ako ha Keegan?!" May himig pagtatampo sa boses nito.

"No Erika." Naupo ito sa gilid ng kanyang kama habang nakahalukipkip. "Isa siya sa mga kaklase ko. I cant say na magkaibigan kami kasi komplikado siyang tao. Let's say she's hostile."

Napahinga ito ng malalim. "It's friday today so kaya ako nagpunta rito to spend some time with you."

"Me or si Kuya Dobert?"

Kita niyang parang nagningning ang mga mata nito. "Well, para masilayan ko rin siya."

"Ang malas mo talaga. Bukas pa yata iyon makakabalik rito. May inasikasong importanteng bagay."

"Well, I could stay here until Sunday afternoon kaya please lang Keegan. I wont get out in here hanggat hindi mo napapaalis ang anak ng impakta diyan sa sala mo."

Napabuntong hininga siya. "Hindi siya makaintindi Erika kaya please pagpasensyahan mo nalang. I know maiintindihan mo ako."

May kumalabog sa pintuan niya. Alam niyang si Lennox iyon.

"Ano?! Magkukulong nalang kayo diyan at gagawa ng katarantaduhan! Get the fuck out!"

Nagkatinginan sila ni Erika.

"At bastos nga talaga ang gaga."

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Where stories live. Discover now