Chapter 29

2 0 0
                                    

Chapter 29

MARRA'S POV

"D-daddy.. M-mommy.."

napapikit ako sa kaba ng magsalita habang nakaupo kaming pare-parehas sa sala.

"Yes anak?" si mommy.

"A-ah.." Gusto kong masapo ang mukha. "Kasi po.."

Natawa si mommy. "Ano ba iyon anak? Bakit parang kinakabahan ka."

Kinakabahan nga po ako, lalo na kay daddy..

Mangiyak-ngiyak na ako sa isip. Huminga pa ako ng malalim bago nagsalitang muli.

"K-kami na po ni A-apollo.."

Napapikit ako ng parehas nila akong tapunan ng tingin.

"Really anak?" parang natutuwa si mommy. "I told you, acceptance lang ang katapat niyan." lalo siyang ngumiti ng bumaling ako sa kaniya.

Ngunit gano'n nalang ang kaba ko ng hindi ko marinig na nagsalita si daddy. Kaya naman dahan-dahan kong nilingon siya. Nakatitig lang siya sa akin at walang ekspresiyon ang mukha niya.

"Sit beside me." matapang na utos niya kaya agad akong napasunod.

"Do you mean it?" tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya. Tumango lang ako at nakanguso pa.

"Ang bilis naman?" muli ay tanong niya pero wala pa ring ekspresiyon ang mukha niya.

"Sabi ko sa'yo hon, she fell already at first." sambit ni mommy at hindi ko maintindihan.

Siguro napag-usapan na nila.

"Kakapayag ko lang sa panliligaw niya then... your together now." nagbaba siya ng tingin sa akin para makita ang hitsura ko.

"H-hindi ko alam d-daddy. Naramdaman ko nalang po bigla na.." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Well, atleast you've listen to me." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "I told you, denying will just consume time." ngumiti siya.

"I know na ito ang magiging desisyon mo, I know na he already have a space there." baling niya sa puso ko. "Kami ng mommy mo ay malaki ang tiwala sa iyo. Kaya kahit na gumawa ka ng desisyon ay susuportahan ka namin. Because we know that you can handle things, you can control and discipline yourself. Ngayon pa kaya," hinaplos niya ang ulunan ko. "Just promise me, I am still your number one there." nguso niya sa puso ko.

Natawa ako. "Siyempre naman po daddy, kayo ng mommy ang number one dito." ngiti ko. "Salamat po daddy, mommy." tumabi sa amin si mommy.

"Basta masaya ang anak namin. Masaya rin kami." parang naluluhang singit ni mommy.

"Come here" bigla akong niyakap ni daddy. "Wala munang kasal, kasal ha." biro niya bigla.

"Daddy.." ngumuso ako. "Hindi nga po pumapasok sa isip ko 'yun e."

"Good." ngiti niya at yumakap muli. Sumali rin sa yakap si mommy.

Nagtagal pa kaming gano'n bago tuluyang naghapunan. Pagkatapos ay saka ako umakyat ng kuwarto at naligo. Inabot ko ang telepono ng mag vibrate iyon.

"Hello,"

"Prinsesa ko.."

Iyon palang ay napangiti na ako. Naupo ako sa kama at nagsuklay ng buhok.

"Hmm?"

"Parang ayaw ko atang matulog."

"Bakit?"

I Hope it's a Love StoryWhere stories live. Discover now