Padaskol niya ulit binuksan ang pinto at masama ang tingin na hinarap ito.

"Oh, seems you're not in the good mood", atubiling sabi ng binata.

"You never miss a thing", sakrastiko niyang sagot. "Leave me alone Russo. Leave me alone!"

"Listen Bettina. I'm trying to be nice here,okay? I know I've been an asshole but I'm trying. Can we at least be friends?"

Sinsero ang tono nito. Ngunit ayaw niya. Ayaw niyang mapalapit sa pamilya nito. Mas lalo lang nagtutumindi ang inis niya sa ina ng lalaki. At ano daw, friends? Buong buhay niya she had only Rafa. She never have anyone but only her. Being friend with this man is the most stupid thing to do.

"Look Russo. I don't need anyone. Just.... Sabay buntung-hininga. "Leave."

At walang pag alinlangang sinara ulit ang pinto. Napasanday na lang siya sa dahon niyon dahil nanghihina siya. Kaya tamad siyang tumayo kanina dahil nakakaramdam siya ng matinding pagkahilo.  Napadausdos siya ng upo sapo ang ulo at puson. Nagkasabay ang pananakit niyon at ang kanyang pagkahilo.

"Help...." Tanging nanulas sa kanyang bibig. Naibunggo niya ang siko sa pinto nang hindi sinasadya. "Mommy..."

"Bettina! Are you okay?" Malakas na boses ng lalaki galing sa labas. Hindi pa pala ito umaalis. Sinubukan nitong pihitin ang pinto at hindi naman ito nabigo at bumukas iyon. Kasabay nang pagtulak nito at naitulak din siya ng lalaki.  "Hey! "

Mabilis nitong binaba ang hawak at dali- dali siyang binuhat papasok sa loob. Mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkahilo nang iangat siya nito sa ere para makarga papasok sa loob ng kanyang silid. Nang ilapag  siya nito sa kanyang kama ay agad siyang napasapo sa kanyang puson.

"Wait here", sabi ng binata. Hindi niya  na alam ang ginagawa nito dahil hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.

Tila taon ang kanyang pakiramdam sa matagal na pagbalik nito. Mariin na lamang niyang ipinikit ang mata at bumaluktot pahiga.

Napapitlag siya nang may maramdamang mainit na bagay sa kanyang likod. Mabilis niyang naibaling naimulat ang mata at ibinaling ang tingin sa may gawa niyon.
Nalingunan niya ang lalaking may hawak na hot compress na inilapat nito sa kanyang likod.  Bahagyang guminhawa ang kanyang pakiramdam nang tumulay ang init niyon papunta sa kanyang sinapupunan. Kinuha niya ang bagay na iyon at nilagay sa kanyang puson. Nanatili siyang nakatihaya kahit tahimik lang itong nakamasid sa kanya.

"You should do this everytime you feel pain", paalala nito. Napatingin naman siya dito. Saka niya itinuro ang gamit niyang pang hot compress. Nakapatong iyon sa ibabaw ng kanyang dresser at hindi napapalitan ng mainit na tubig. Tinamad na siyang gawin ulit kanina dahil akala niya sapat na ang isang gabing paglalagay niyon.

"Anong plano mo ngayon?'' pagkuway tanong nito. Umiling siya. Plano? Wala siyang plano. Wala siyang plano sa buhay. Ang mahalaga sa kanya eto siya at buhay at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi naman kalakihan ang boutique niya pero sapat na iyon para buhayin ang sarili niya.

"You don't have a plan of getting rid of it?" Kunot noong tanong nito. Seryoso niya itong tiningnan.

"I can able to have sex even I'm on my period?" Sakrastiko niyang tanong. Napatikhim naman ito. "Don't worry, whatever my plan is, doesn't concern you. You can leave now, thank you."

"Is this really you? Pushing away people cares for you?" Naging matigas ang boses nito. Hindi niya maintindihan kung ano bang nais nitong mangyari.

"Care?" Pagak siyang natawa. "People must care for you at first, but they will always and always leave you when they're got tired of you. I'm used to it, so please leave. Hindi naman kita kamag anak o kaano-ano para damayan ako dito."

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now