"She can wait but I can't, tell me"

"Alam mong ayoko"

"Ang arte nito, bilis na, tapang tapang mong umupo don tapos hindi mo makwento saakin?"

"Anong konek non?"

"Kwento muna bilis. Alam mo bang dahil sa ginawa may naging fans kayo at syempre may mga bashers ka din" napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Ano yun?" nandidiri kong sabi, wala naman akong naririnig tungkol don.

"Di mo alam friend? walang gumalaw sayo? ay akala ko may mang bully sayo tapos ililigtas ka ni Alexander"

"Saan mo yan napanuod?" wala akong alam sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.

"Kahit saan, nababasa o napapanuod ko ang mga ganon, pag sumikat yung girl and boy dahil sa isang fru tapos may fans sa ship niyo tapos syempre may bashers tapos eh bubully ka ng bashers tapos ang boy ang magliligtas sa girl tapos boom! tuloy ang lovestory happy ending!" may pagalaw galaw pa ito sa mga kamay niya habang nag kwekwento, wala naman akong naiintindihan sa mga ibang salita.

"Anong fru? anong ship? haaa?" naiinis kong tanong sakanya, minsan kahit nag tatagalog na kami hindi padin kami magkakaintindihan dalawa, ewan ko sakanya kung ano anong ginagamit na lenggwahe.

"Ewan ko sayo." umirap pa ito.

"Pero ano nga! kwento mo na gaga!"

Bumuntong hininga naman ako at kwenento ko nga sakanya lahat at hindi nawala ang panglalait ko sakanila, naramdaman ko ulit ang pag init ng ulo ko sa inis nang maalala ko ang nangyari.

"Ay sweet naman pala si Alexander." tumaas naman ang kilay ko sa naging reaksyon niya, para itong nainlove kay Kyril, pinag dikit niya pa ang dalawa niyang kamay, ngumuwi naman ako habang tinititigan ko siya.

"Friend hindi ka ba kinilig don? akalain mo naisipan ka pa niyang hatiran ng pagkain kahit inaway away ka niya." nangisay naman ito na parang bulateng binudburan ng asin.

"Tapos! OMG!" nagulat naman ako sa pag sigaw niya kahit ang mga kaklase namin napalingon na saamin dahil sa pag sigaw niya.

"He pinned you in the wall! imagine, Alexander is only inches away from you!? hindi ka ba kinilig don girl? lapit lapit mo na kaya sakanya. Ang ganda kaya non tinignan gusto ko yun maranasan." napatingin naman ito sa taas kaya napatingin din ako don, wala naman akong nakita binalik ko na lamang ang tingin ko sakanya at umiling dahil paniguradong nag iimagine nato.

Niligpit ko na lamang ang mga gamit ko nang mabaliwas ako sa gulat kay Amethyst, kahit ang mga kaklase ko nagulat sa pag tili niya habang kagat ang labi niyang nangigisay ulit.

"Hoy tumigil ka nga! para ka namang tanga diyan." saway ko dito pero parang hindi naman ako narinig nito.

"What happen to her girl?" nag aalalang tanong ni Valentia, one of our Spannish friend.

"I don't know, maybe she's possessed" relax kong sabi pero itong kausap ko lumaki ang mga mata at napatingin kay Amy.

"What the hell!?"

"What?" singit naman ni Fay na may kunot sa noo, kinausap naman ito ni Valentia.

"Gaga ka?" napapikit naman ako sa naging reaksyon ni Fay, Fay is also Spannish pero dahil sa kabaliwan ni Amy tinuruan niya ito ng kung ano anong reaksyon.

"I'm not Fay" umiling iling ako.

"Ya are you sure Wendy? this floor is not haunted, the last floor it is!" sabi naman ni Fionna, napailing na lamang, now our friends is here, akala ko ba busy ang mga ito, sinipatan ko sila ng mga tingin, nakasuot na sila ng training pants at tshirt at si Fionna lang ang hindi, sa pagkakaalam ko sasali ito sa literature contest, may ganon din kasi para sa mga hindi sporty.

Si Fay at Valentia ang mas close sa isa't isa, same with me and Amy, si Fionna lang yun close sa amin apat, walang pinipili, mas mabuti na din yun.

"I don't know, ask her" tamad kong sabi sakanila, tinapik naman ni Fay si Amy kaya napabalik ito sa sarili.

"What happen to you girl?" tanong ni Fay

"hoity-toity" kagat labi niyang sabi, pagak akong tumawa at hindi makapaniwalang tinignan lamang ang kaibigan ko.

Seriously? ganon ba siya kiligin? nag mumukha siyang sinapian. Ano naman kaya ang iniisip nito at bakit kinikilig?

Kanya kanya naman ang reaksyon ng mga kaibigan ko sa sinabi ni Amy, kulang nalang batukan nila ito.

"Bobo ka" madiin akong pumikit at napahilot sa sintido ko sa sinabi ni Fay, right! sabihan mo ang nag turo sayo niyan.

"tss, Fay and I need to go" paalam naman ni Valentia, mag eensayo sila sa cheerdance nila ngayon.

"By the way, let's eat together later?" suhiwestyon naman ni Fionna.

"That's a great idea." Fay bago kami nag tanguan para makaalis na silang dalawa.

"I'll be back, I'm going to talk to our literature adviser." paalam naman ni Fionna, kumaway pa ito habang yakap niya ang laptop niya.

"Friend pansin mo?" napalingon naman ako kay Amy, kagat niya ngayon ang lapis niya.

"Na baliw ka? matagal na" tamad kong sabi dito.

"No I mean, tayo lang hindi busy sa mga kaibigan natin"

"Edi sumali ka sa non-sports event, I heard nag hahanap pa ng dancer ang contemporary dance" kibit balikat kong sabi, contemporary dancer kasi ito pero parang walang interes na sumali this year.

"Ayoko nakakapagod atsaka nakakaawa ka, ikaw lang mag isa habang yung mga kaibigan mo busy, ayaw ko non."

"Wow" mapang-uyam kong sabi, hindi ako namangha sa sinabi niya.

"I'm the best right? I know" proud na proud niyang sabi, bumagsak na lamang ang mga balikat ko sa sinabi niya.

His Unconditional Desire (on-hold)Место, где живут истории. Откройте их для себя