First Stop

34 0 0
                                    

Maiyak iyak parin ako kahit ilang daang beses ko na atang nabasa to. For the passed five years,this was the letter who haunts me every now and then.As years passed,hinihiling ko na mapagbigyan ako ulit. Na baka sakali huminto yung bus na sinasakyan niya at makasabay ko siya ulit and siguro this time hindi ko siya hahayaang makababa agad tulad ng nangyari nung nakaraan

*flashback*

"Hai naku Mari,ang tigas ng mukha mo para sabihing napakagwapo mo pero sa harap naman ni Pia e lumalabot ka.Hala,natotorpe ka noh?"pangaasar ko kay Mari Hi guys! Ako nga pala si Kaye Hernandez. Senior highschool sa **** University. At eto namang lalaking kausap ko eh si Mari Reyes. Ok,wag na kayong magtaka kung pangalang pambabae yun. Lalaki yun promise. Kumbaga nga package na yang mokong na yan. Matalino,gwapo at mayaman. Yun nga lang nuknukan nang kakapalan sa mukha at sama ng ugali. Tuwang tuwa kasi siya pagnasisira niya ang araw ko. Peste yan.

"Nagsalita naman ang hindi.Well,ginagawa mo nga pala kaming tulay sa inyo ni Shaun. May paganun ganun ka pa di mo na lang ligawan"pangaasar niya naman "huu,kung hindi din naman samin..lalo sakin hindi ka makakadamoves kay Pia. Duh"bwisit to

"Hai naku,walang mananalo satin. Sige na sige na panalo ka na torpe na kung torpe"inayos na niya yung mga gamit niya.Nasa library kasi kami ngayon at nagpaturo ako sakanya sa isa sa mga subject namin

"oh san ka pupunta? Di ka ba sasabay samin paguwi?"pagtatanong ko

"Bakit? Mamimiss moba ko ha? Asus. Crush mo ko noh? Sabe na eh!" tawa niyang sabe

"asa ka"

" ikaw tong nangaasar kanina tas pikon ka. Ibang klase ka talaga. Hahaha.Di ko pa kasi tapos yung proposal namin kay Sir.Dela Cruz kaya pupunta mo na kong SC room. Reviewhin mo yung mga tinuro ko ha? Sige una na ko. Ingat ka!" sabay gulo niya ng buhok ko. Argh! Lesheng lalaki yun kundi lang talaga siya ang SC president masasapak ko na talaga siya. Bwisit!

*Sa bahay

Nadatnan ko si Papa sa bahay. Ang aga naman nito sabi ko sa sarili ko hindi kasi ako sanay dahil araw araw tong madaling araw na kung umuwi dahil sa sandamakmak na trabahong ginagawa nito.

"Good evening po Pa"pambungad ko dito

"Tara sa study room. May sasabihin lang ako sayo anak"daretso kaming pumasok sa study area. Tumungo si Papa sa study table niya at ako naman sa upuan sa harap nito "tungkol san po ba ito Pa?"kinakabahan ako. Oo. Kabang kaba. Sabi ko sa sarili ko

"naayos ko na yung mga requirements mo para sa entrance exam mo sa ****** University.Kailangan mo na lang magexam at ipasa iyon. Eto"sabay bigay nung mga files. Binuksan ko naman para makita

"Architecture and Engineering"di ko mapaniwalaang nakasulat sa kursong inaapply

"Pero Pa,di ba alam mo naman kung ano ang gusto ko talaga?"panimula ko kay Papa. Alam ko na alam niya kung anong gusto ko pero bakit eto pa..hindi sa hindi ko kaya yung mga pinili niyang kurso sakin pero heto na naman siya kinokontrol ang mga bagay na ultimo ito siya parin ang masusunod

"Isipin mo na lang anak para sayo to. Sa inyong magpipinsan lahat sila gragraduate bilang mga propesyonal. Alam naman nating dalawa na yang pangarap na pinagpupumilit mo eh walang wala sa mga kurso nila. Ni hindi ka nga kikita ng malaki dyan. Anak,nakakahiya sa pamilya natin kung ikaw lang ang sisira nito. Wala kang mapapala dyan kaya sundin mo na lang ako tutal yun naman ang madalas mong ginagawa di ba?"madiin sabe ng ama ko. Gusto kong umiyak sa huling sinabi niya. Ganun na ba ang tingin niya sakin isang manika na hindi kayang gumalaw na walang nagpapaandar. Pero tama siya ano nga naman ako kung wala siya. Dapat sanay na ko tutal naman buong buhay ko siya ang kumokontrol sakin.

When the bus stopsWhere stories live. Discover now