CHAPTER 2

0 0 0
                                    

The Curse Power
Chapter 2

***

"Ahhhhh!" sigaw ko.

Nakakahilo ang portal. Umiikot ang paningin ko at gusto ko ng sumuka. Mas malala pa ito sa mga rides sa amusement park. Ayoko na sa mga portal!

"P-Palabasin niyo na ako!" sigaw ko habang umiikot pa rin kami.

Nakapikit pa rin ako hanggang ngayon pero naramdaman ko ng tumigil na yung pag-ikot.

Pero nahihilo pa rin ako.

"Open your eyes." wika ni Ms. Adelaine. Gaya ng sabi niya binuksan ko nga ang mata ko at tumambad sa akin ang isang mala-higanteng gold at silver na gate.

Wow!

Sa taas naman nito may nakasulat na Light Academy.

Maglalakad na sana ako ng bigla akong nahilo at naramdaman ko nalang na bumagsak ako at kinain ng kadiliman.

***

I woke up in an unfamiliar room. Where am I?

Tumayo naman ako at naglakad pero agad ding huminto ng makaramdam ng kaunting hilo.

Nalaman kong nasa isa pala akong clinic.

Lumabas naman ako at naglakad-lakad.

Napatigil ako sa paglilibot ng makapunta ako sa isang garden.

"Wow." Hindi ko maiwasang mamangha. Napakaganda ng lugar na ito.

Naalala kong kailan ko palang hanapin si Ms. Adelaine kaya naman naglakad na ulit ako.

"Ouch." wika ko ng may nakabunggo akong lalaki.

"Sorry." I said habang nakayuko.

Tinitigan lang ako saglit ng lalaki tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka hindi ka ba magso-sorry manlang?"

"Why should I? It's you're fault anyways." He said at umastang aalis na pero pinigilan ko ulit siya.

"Kahit na. Nabunggo mo ako kaya kailangan mo ring mag-sorry." sigaw ko sa kanya. Naiinis na ako pero mas lalo lang nadagdagan ito ng makita ko siyang ngumisi.

"Why are you shouting at me? Don't you know who I am?"

"You don't care if I shout or not. Another thing I'm not interested to know who you are. All I want is your sorry that's all. Mahirap ba yun bigkasin?"

"Hindi naman yun mahirap bigkasin. I can say sorry all day but the question is, is it sincere?" He said at nagsimula na ulit maglakad.

Aba! Ma-pride tong lalaking toh! Di manlang marunong mag-sorry.

Sa inis ko kumuha ako ng maliit na bato at binato yun sa likod niya.

Napatigil naman siya at seryosong humarap sa akin. OMG! Aish! What did I do? Nakakatakot itsura niya. Huhu.

"Who said you can throw a rock on me?" wika niya habang dahan-dahan na naglalakad papalapit sa akin habang salubong ang kilay.

"A-Ahh.." sa takot ko ay paatras naman ako ng paatras.

Ano ba naman kasing ginawa mo Valentina Selene? Hindi mo kilala ang mga tao dito!

I'm in trouble! Huhu.

Napasigaw ako ng biglang nakaramdam ako ng umaapoy sa paa ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita unti-unting nasusunog yung shoes ko.

"Oh no!" natatarantang sigaw ko.

Tumakbo ako sa garden ng may nakita akong fountain at binasa yung shoes ko.

The Curse PowerWhere stories live. Discover now