Hindi niya ako pwedeng isumbong tiyak na mapapatay ako ni Ate Ara kapag nalaman niyang pinakialaman ko ang pinakamamahal niyang make up kit.

"Ate Vena hehehe, 'wag please!" Umiiling na pinaglapat ko pa ang dalawang palad ko tanda ng pakikiusap. Pero mukhang desidido na siya.

"Ate! Ate Ara!"

Mangiyak-ngiyak na mabilis kong tinanggal ang kumot na pinagtatali ko sa sarili at pangkandarikdikan kong pinulot ang mga nahulog na make up.

"Ate Ara si Julia pina—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumigaw ako.

"Sa'yo na bente ko!"

Bwiset! Napakasalida talaga! Bakit ko ba siya naging ate?

"Bosh, wala nang mabibili sa bente ngayon. Dagdagan mo!" Nagngitngit ang ngipin ko dahil sa sinabi niya at talagang abot tenga ang ngisi niya.

Sige nga, paano ko iisiping ate ko siya? Napakamandurugas!

"Yain ka na!" Galit na ako sa puntong iyon. Hindi na talaga ako natutuwa sa kaniya.

"Okay, ikaw bahala." Muli ay tumawa ito. "Ate Ara! Pinakialaman ni Julia ang make up mo!" Nang tuluyan na niya iyong isinigaw ay mabilis ko na siyang hinabol. Hindi naman ako nabigo at mabilis kong nahablot ang may kahabaan niyang buhok.

Lagot siya sa akin ngayon!

"A-Aray! Ano ba! B-Bitaw! Masakit! Mama!"

Gigil na sinabunutan ko siya. Hindi ko tinigilan hangga't hindi nawawala ang inis ko. Nang maramdaman kong sinabunutan na din niya ako ay mas hinigpitan ko pa at dinalawang kamay ko na.

"Sumbungera ka!"

"Aray ko! Bitawan mo buhok ko Julia. Ate mo ako! Isa!"

"Lagi ka nang isa! Isa! Isa! Salida ka!"

Nagpatuloy ang pagsasabunutan namin sa loob ng kwarto. Sa hindi malamang dahilan ay naging upbeat ang tugtog ng speaker na tila ba nakikisabay sa pagaaway namin. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.

"Hindi ka bibitaw?" Marahas niyang sigaw sa akin.

Galit na, pero siya naman ang nauna!

"Mauna ka!" galit na sigaw ko din. Pero wala naman sa aming bumitaw. Masama ang tingin na muli kaming nagkarambulan. Subalit natigil na lang nang masagi na namin ang lamesa kung saan nakapatong ang make up kit. Parang nag-slow motion sa aming mga mata ang pagkalaglag ng mga iyon. Lalo ang pagkabasag ng pinakamamahal na liquid foundation.

Nang tuluyan na iyong nagkalat sumabay naman ang muling pagbukas ng pinto ng kwarto namin.

Tila kinapos na kaming dalawa ng hininga nang makitang si Ate Ara iyon.

Lagot na talaga!

"Ano bang nangyayari—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang mabaling ang tingin sa nagkalat na make up.

Ara Charleston ang pangalan niya. Actually hindi naman namin siya kapatid. Pinsan namin siya. Anak siya ng kapatid ni Mama. Dito siya nakatira sa amin. College na siya at itinuturing namin siyang nakatatandang kapatid.

"Anong ginawa ninyo! Sinong may gawa nito?" Halos mapatalon kami sa isinigaw na iyon ni Ate Ara.

G

alit siya at alam namin iyon pareho.

Naman!

Busangot at masama ang loob kong piniga ang mga damit na nalabhan na. Matapos ay pahasik ko iyong sinampay sa sampayang may kataasan.

"Nakakainis talaga!" Hindi ko na napigilang maibulalas iyon.

Kung hindi siguro nanggulo si Ate Vena edi sana hindi ako nautusang magsampay ng mga nilabhan. Galit na galit si Mama nang maabutan kaming tatlo na nagkakagulo sa kwarto kaya naman nautusan niya tuloy kami. Pinaglaba ng mga damit si Ate Ara. Maswerte si Ate Vena dahil pagsasaing lang ang gagawin niya. Pero paano naman ako?

"Nakakabwiset!" Parang bigla ay gusto ko na lang ibalibag kung saan ang damit na hawak ko nang mapansing kay Ate Vena iyon.

Subalit ganon pa man ay natigilan ako nang mabaling sa malaking bahay na katabi ng bahay namin ang paningin ko. Parang ang lahat ng inis at galit ko sa buhay ay nawala nang makitang bukas ang bintana ni Josaiah sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan kitang-kita ko siya na masinsinang nagaaral bagamat bakasyon pa. Mula dito ay kita ko kung gaano ka-cute ang ilong niya. Kita ko rin ang makapal niyang kilay. Bagsak ang kaniyang buhok at talagang napakaputi niya. May suot pa siyang salamin habang tila may binabasa.

Josaiah Lawson ang pangalan niya. Noon pa man ay crush na crush ko talaga siya. Magkapit bahay na kami since 2009. Close naman kami noong bata pa kami. Malimit nga ay naglalaro pa ako sa bahay nila.

Pero mukhang lahat talaga ng bagay ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Kasabay ng unti-unting pagtanda. Lumilipas ang panahon at nawawala ang pagkagusto sa paglalaro. Doon ko napapagtantong hindi na kami bata. Nagdadalaga na ako at nagbibinata na siya. Isang malaking dahilan upang magsawa na sa paglalaro, iyon nga lang kasabay din niyon ay hindi na kami muling nagkausap pa. Lubos akong nalulungkot dahil doon. Pero dahil doon napagtanto ko ang isang bagay. Napagtanto kong gusto ko na pala siya. Na hindi na lang ako pumupunta sa bahay nila noon para makipaglaro bagkus ay pumupunta ako para makita siya. Doon nagsimula ang pagma-mature ko. Kung noon ay gusto kong humawak ng baril-barilan na laruan ni Josaiah ngayon ay make up kit na ang gusto kong hawakan para maging maganda sa harapan niya.

Ngayon ko lubos na naintindihan ang sinasabi ni Ate Vena sa tuwing nasa katinuan siya bilang ate sa akin. Talaga palang mas nauunang mag-mature ang mga babae sa lalaki. Isang malaking halimbawa ay ang sitwasyon ko.

Hindi ko napansin na napatagal na pala ang pagkakatitig ko sa kaniya. Na ultimo suot niyang t-shirt ay natatandaan ko na. Blue iyon na may pa-kwelyo. Teka? Hindi pa yata siya naliligo. Ang alam ko, kahapon niya pang damit 'yon.

Natigilan na lang ako sa pagtitig nang mapalingon na siya sa akin. Mabilis akong napaiwas. Nilamon ng kaba ang  dibdib ko tuloy ay parang may kung anong tumatapak doon at pinipigilan ang paghinga ko.

Julia ano ba kumalma ka! Batiin mo siya, chance mo na 'to!

Dahil doon ay mabilis kong kinalma ang sarili ko. Dahan-dahan ko siyang binalingan at kinawayan. Ngiting-ngiti pa ako na tila mapupunit na ang mga iyon. Gayunpaman ay agad na napasimangot na lang nang bigla ay pagsarhan ako nito ng bintana.

Napakasuplado talaga ng isang iyon.

Huminga na lang ako ng malalim at muling nangiti.

"Okay lang, crush pa rin kita." mahinang bulong ko at bahagya pang nag-flying kiss. Sinigurado ko munang walang nakakita sa ginawa ko. Matapos ay muli na akong nagpatuloy sa pagsasampay. Ang kinaibahan ay masaya na ulit ako this time.


I M _ V E N A

Sweet Prescription Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon