Chapter 1

1.7K 116 25
                                    

Pasuray suray ang aking mga lakad habang hawak ng isa kong kamay ang kopita ng alak. Oo, lango na naman ako sa alak. Ito lang kasi ang nag iisang paraan para lumimot.

Pinipilit ko namang tumayo pero di paman ako nakaka isang hakbang, taob ako agad kay kumaring karma. Ewan ko ba kung bakit favorite nya ako. Siguro nga malaki ang galit nya sa buong angkan naming Villareal matapos matalo sa eleksyon ang papa at i-ambush silang dalawa ni Mama ay wala ng natira sakin. Sabay nawala sa akin ang mga magulang at sumunod naman itong nobyo ko.

Gustuhin ko mang wag ng lapitan ito pero di ko magawa. He's like a bee colony and a great number of honeybees swarming him. Just like now. Andito na naman ako ngayon sa favorite bar nito. Actually kababata ko si Jake Funtalva, sweet sya sakin noon pa man hanggang sa niligawan nya ako at sinagot ko rin naman sya agad. Wala naman kasing masama gusto ko din naman sya. Sinong hindi, he's a varsity player the captain ball ng school noon at halos magkumpulan at magbalyahan ang mga babae dahil sa kanya. Pero ako lang ang bukod tanging nilapitan nya at niligawan nya. Apat na taon din ang tinagal ng relasyon namin, bago ko nalaman ang fling nya sa co worker nya. Sino nga ba naman ang aayaw diba araw araw kayong magkasama habang isang bisis lang kaming magkita sa isang buwan.

Ipilit ko man ang araw-araw, mahirap ng isingit sa magulo kong schedule. I work as a business consultant simula noong mawala pareho ang aking mga magulang kailangan ko ng maghanap buhay para mapakain ang sarili. May naiwan sanang trust fund ang mga magulang ko na nakapangalan na sakin. Pero inangkin naman yun ng pinagka utangan ng mga magulang ko.

Hindi naging madali ang naging buhay ko until recently natuklasan ko ang panlalamig ni Jake sakin. Parang gumuho ang mundo ko. Di ko ata kakayanin kong pati sya ay mawawala sakin. Apat na taon kong inalagaan ang relasyon namin tas gagawin nya akong tae ngayon?

Umayos ako ng tayo at inayos ang pagkalilis ng aking red fitted dress na hakab na hakab sa bawat kurba ng aking katawan. It fits me perfecly. Nabigyan ng hustisya ang mahahaba kong biyas. Which is my asset the only fact that I know.

Hanggang sa nakakalapit na ako sa table nila Jake. Meron syang apat na babaing kasama at tatlong lalaki sa tingin ko katrabaho niya ang tatlo.

Right there I spotted the girl , her name is Mia ang haliparot na babae. Sa totoo lang kanina ko pa sya gustong kalbuhin. Maliit sya balingkinitan, mahaba ang buhok napaka sexy yung tipong babaing hubad sa club. Di ako makapaniwala na type pala ni Jake mga ganitong babae.

While me matangkad, supistikada mahaba ang legs! Pero pinagkaitan ng hinaharap. Napamaang ako sa sinabi ng inner self ko at dinama ang dibdib ko. Duh! Inaamin ko may kaliitan to, pero dun ako babawi sa magiging performance ko sa kama. Bakit may experience kana girl? Parang gusto kong supalpalin ang sarili sa mga pinaggagawa ko. Oo nga virgin , magiging forever virgin na nga siguro ako. Tch. Kahit ilang bisis na akong inalok noon ni Jake di ko mabigaybigay ang sarili sa kanya. Pero ngayon handa na ako. Alam ko sa sarili kong handa na ako.

Inisang lagok ko ang natitirang laman ng kopitang hawak ko at iniwan yun sa mesang nadaanan ko. Pero di paman ako nakakaisang hakbang ulit, biglang kumirot nung sentido ko. Umikot ang paningin ko. Kaya pumikit ako sandali at napahawak sa isang stool na malapit sakin. May tama na nga ata ako.

Pero hindi niyon mapipigilan ang gagawin ko ngayong gabi. Ilang bisis ko ba itong pinraktis? Dalawa, tatlong araw na ata? Kailangan kong makausap si Jake! Kailangan na naming ayusin ang gusot sa relasyon namin.

"Jake, " usal ko. Gusto kong kunin ang atensyon nya. Gusto kong sa akin lang ang atensyon nya. Naglakad pa ako ng kaunti palapit na ako sa VIP table nila ng biglang haklitin ng buong lakas ang buhok ko. Di ako naka kilos dahil sa sakit at lakas ng pagkakahila noon parang makakalbo na ata ako. Si kumareng karma talaga di pa nga ako nakakalapit sa babaing gusto kong kalbuhin inunahan na ako. Itong anit ko di nya ata sasantuhin.

The Desperate And Her Inclined Prey [COMPLETED]Where stories live. Discover now