"Love." Bungad ko at sinalubong siya ng yakap. Naka ayos ang buhok niya at gwapong gwapo sa kaniyang Dolce & Gabanna Martini suit. Ako ang pumili non, isang araw bago ang aing graduation. walang tie iyon pero nakabukas ang unang tatlong butones ng itim niyang dress shirt.

"Happy Birthday." Pasimple siyang humalik sa aking pisngi, yung tipong nag mumukha lang beso para sa iba. Nasulyapan ko ang relos na suot niya at napangiti. He was once again wearing the watch i gave him.

Dapat ay bigyan ko siya ng isa pa para may kapalitan naman ito at hindi maluma kaagad.

Hindi na ako umalis sa tabi ni Dice, kasama namin si Arthale at masaya kaming nag uusap usap. kasama rin namin kanina si Amber ngunit may nakita siyang gwapo mula sa kakilaka ko galing Engineering Department. Gusto ko nga sanang asarin si Arthale dahil bakas sa mukha niya ang kaunting pagkainis nang umalis sa tabi niya si Amber pero sasarilihin ko nalang iyon. baka kasi assuming lang ako.

"Let's Dance?" Nilahad ni Isaac ang kamay niya at malugod kong tinanggap ito, narinig ko pa nga ang pag singhal ni Art pero binigyan ko lang siya ng nang aasar na tingin.

Mabagal ang music, Classical, Live orchestra ang tumutugtog. Kada dalawang oras kasi ay nag sasalitan ang Live Orchestra at ang DJ para hindi nakakasawa.

Ni request ko ang kanta mula sa paborito kong movie ng Studio Ghibli—'Merry Go Round of Life'.

"You really like fairytale stuff huh." Natatawang sambit ni Dice habang nag w-waltz kami sa gitna. Hindi lang kami ang naroon kaya hindi kami agaw atensyon, pero para sa akin, dahil siya ang kasama ko, it's as if we're the only ones here right now.

"Shut up." I pouted, tumawa siya kaya natawa na rin ako. hinigpitan niya ang hawak sa aking baywang at mas naging tensyonado ang aming pag sasayaw.

"You are so damn beautiful that I just want to stare at you and nothing else."

Hindi ko alam kung bakit ang galing niya sa waltz, eh hindi naman inaaral yun sa Business Management ngunit maaalala ko; Siya si Dice. Kaya niyang gawin ang lahat ng bagay kung gugustuhin man niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nag sayaw, 15 minutes? 20 minutes? nahinto nalang iyon ng hingin naman ni Arthale ang kamay ko. Tinapik ni Dice ang balikat ni Art at nag paalam na kukuha muna siya ng maiinom.

"Baka mapansin ng magulang mo, antagal niyong nag sayaw. feel na feel?" Tinaasan niya ako ng kilay ngunit inirapan ko lang siya.

"Hindi ko pa nga sila nakikita eh, kanina ko pa nililibot tong hall pero hindi ko naman sila nakasalubong."

"Nakita ko sila kanina, may sinalubong na pamilya." Kumunot ang noo ko at napahinto kaya huminto rin siya sa pag sayaw. Pamilya? Wala naman akong inimbitahang isang buong pamilya?

"Kasama sa party ko?" Inosente siyang tumango.

"Ayun sila oh." Nginuso niya ang pwesto sa likuran ko, kunot noong nilingon ko iyon ngunit napalitan iyon ng gulat at taranta.. Shit!

Bakit nandito ang mga Laurence?!

"A-art hanapin mo si Dice, huwag mong iiwan." Garalgal ang boses ko. I can't risk Dice being seen here by his family, hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari.

We are supposed to meet the day after tomorrow! Sa party para sa mga business partners! bakit sila nandito ngayon?!

"ha? bakit? anong problema?" Takhang tanong niya habang nakasunod sa akin.

"Basta!" Inis na tugon ko at kahit walang magawa ay sumunod na lang siya. Hindi pa kilala ni Art kung sino ang fiancee ko. hindi niya pa rin alam na magkapatid ang fiancee at boyfriend ko.


kinalma ko ang sarili ko nang tuluyang makalapit sa mga Laurence, ine-entertain sila ni Mommy at daddy na sinalubong ako ng yakap at halik.

"There you are sweetie!"

"Good Evening po, Tito Richard, Tita Celine." Magalang na pag bati ko sa mag asawa, nakipag apir ako kay Frion habang tinapunan ko naman ng makahulugang tingin si Ashton ngunit mukhang hindi niya nakuha ang mensahe non.

"You're so pretty today as well, iha. manang mana ka talaga kay Adrastella." Ngiting bati ng mommy nila Dice.

"I hope you don't mind us being here, iha. inimbitahan kami ng parents mo." natatawang sambit naman ng daddy nila.

Yes tito. I mind it very much.

"Why don't we talk in the receiving room Tito? maingay kasi rito, baka hindi tayo magkarinigan." Pag papalusot ko at mukhang epektibo naman iyon base sa naging reaksyon niya.

"That's a great idea iha!"

"Dad, mom why don't you go with them? mag papaalam lang ako saglit sa mga bisita ko." Tumango ang parents ko at akmang aalis na sana sila ngunit biglang napatigil si Tito Richard at dumilim bigla ang kaniyang reaksyon.

"Is that your brother keith?" Malalim, malamig at seryosong tanong ng ama niya kay Ashton.

nanlalaki ang mata kong tinignan si Ashton na gulat ding napasulyap sa akin at tinignan ang tinuturo ni Tito Richard.

unti unti kong nilingon at tama nga siya! Mula rito ay makikita mo si Dice kahit na nasa kabilang dulo siya! shit.

"I think you saw someone else." Pag papalusot ni Ashton.

"No kuya, i'm sure it's kuya Dice. Kuya Dice!" Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ikinuyom ang kamao. Frion, wrong move baby.

Naluluha kong tinignan si Dice na nakatingin na rin sa amin, nakita ko siyang bumuntong hininga bago nag lakad papunta sa pwesto namin.

I bit my lower lip. My whole body trembled, gusto kong isigaw na huwag siyang lumapit. Gusto kong mag isip ng paraan kung anong pwede kong gawin ngunit sadyang sobrang gulo ng isipan ko.

huli na, dahil nasa tabi ko na siya at nasa harap na ng tatay niya.

"Dad." Malamig ang tinig at blankong ekspresyong pagbati ni Dice sa kaniyang ama.

"Let's talk in the receiving area." Ashton butted in. Hindi parin nawawala ang sama ng tingin ni tito richard. sinulyapan ko si Isaac na binigyan lang ako ng tipid na ngiti at tumangi, telling me that it's okay, that everything will be alright.

but will it really be fine?

for the first time, i felt like Dice lied. it's not. for sure it's not going to be okay.

"Sumunod ka agad Louie," Sabi ni Daddy, Nag aalala naman si mommy habang sinusundan ang mga Laurence na kung kanina'y tuwang tuwa ngayon ay naging seryoso bigla.

nanginginig akong nag paalam sa harap gamit ang mikropono, ibinilin ko ang aking mga bisita sa mga staff bago ako lumabas ng Hall para dumiretso sa receiving area.

Hindi ko kaagad binuksan ang pinto papunta roon, I stared at the huge wooden door and took a deep breath, calming myself down and slowly opening the door.

saktong pag bukas ay gumawa ng ingay sa loob ng kwarto ang sampal na binigay ni Tito Richard kay Isaac na nakatayo malapit sa pinto, walang makikitang ekspresyon sa kaniyang mukha at nakatungo lang.

Nanlamig ako, nangilid ang mga luha ko at nanginginig ang magkabilang tuhod ko dahil sa galit na ipinapakita ng padre de pamilya nila,

"You should have never been born!" nag echo ang mga salita niya na maging sa puso ko ay nagawa nitong tagusan.

=============================================================================

40

Twisted Fate (Twisted Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ