"What are you?" Wala sa sariling naisambit ko. "What do you—"

"Manahimik ka muna pwede?" Iritadong putol nito.

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siya. Tumikhim ito at may kinuha sa kanyang bag na hindi ko napansing bitbit niya. Naglapag siya ng folder sa aking kandungan at muling humilig sa kanyang kinauupuan.

"Open it."

Walang salita kong pinulot ang folder at binuklat ito. Unang bumungad sa akin ang salitang 'confidential'. Nagtataka akong tumingin kay Jennie. Nang makuha niya kung bakit ganoon ang tingin ko sa kanya.

"Yes, it's confidential. But I'm giving you privilage to read it. Now, continue," Ismid nito.

Nagpatuloy lang ako sa pagbuklat hanggang umabot ako sa pahina na kung saan may isang square at nakapaloob dito ang bulto ng isang lalaki at may malaking question mark.

"Blood." Basa ko sa pangalang nasa baba. "Sino ito."

"Still unknown. Ang nakalap lang, isa siyang tagapagmana ng isang organisasyon na matagal ng kalaban ni Antonio Aurin dati."

"Why are your giving me this?" Takang tanong ko. "Wala akong pakialam—"

"Wala? Really?" Umiling ito. "He's looking for you. The one and only daughter of Antonio Aurin. Kilala ka niya. Lahat ng nalalapit sa iyo, ay papatayin niya."

"Who are you?" Naibulaslas ko. "Paano mo nalaman ang mga impormasyon na ito?"

"It's a secret without clue." She smirked. "So, wala ka pa rin bang pake?"

"Jennie..." Naikuyom ko ang aking kamao. This is not good.

"Unfair right? He knows you from head to toe. But you? You don't even know him. Even his name. Just Blood. No more, no less. Hindi mo alam na ang taong nakakasalubong mo sa araw-araw, ay isa sa mga taong nais na patumbahin ka." Ngumisi si Jennie.

Nangunot ang noo ko at muling tinitigan ang konting impormasyong nasa baba ng pangalang Blood.

"He's mysterious. Be aware. Ngayon na alam niyang mahirap kang patayin ng diretso, papatayin ka niya ng dahan-dahan. His usual tactics."

Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Dahan-dahan, you mean—"

"Yes." She cut me AGAIN as if she already know what I'm thinking. "Hindi ikaw ang papatayin niya. Kundi ang mga taong malapit sa'yo."

Nabitawan ko ang hawak kong folder at mariing pumikit. Sumasakit na ang ulo ko.

"What am I gonna do?" I whispered, asking myself.

"Iwasan mo sila." Naidilat ko ang aking mata nang magsalita siya. "Huwag mo na silang balikan. Kelly is bound to marry Jared so it's enough reasons for you to let them. Kung ang iwasan mo sila ay ikakaligtas ng buhay nila, then do it."

It's the life of my loved ones. I can't bare losing them.

"Be selfless, Natasha. Para sa kapakanan ng mga taong mahal mo."

"Are you okay? Nandito na tayo." Pukaw ni Jared na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

My eyes bore into his handsome face. I hide myself from you to keep you safe, my love. I can't afford losing you. But look, destiny is doing its best to bring me back to you.

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Masyadong nakakalunod ang mga tingin nito. The way his ocean blue eyes stares, it suffocates me.

"Tara na." Binuksan ko ang pinto sa aking tabi ngunit natigilan nang mapansin kong nakalock ito.

Forgetting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon