Nakatagilid ako sa kanyang nahiga. Hindi nakaharap at magkasama sa iisang comforter. Nakuntento akong hindi gumagalaw kahit kaunti lang. Maybe he's asleep already. Hindi na rin kasi ito gumagalaw katulad ko.

I tried closing my eyes and forced myself to sleep but nothing happened. Tanging iyong magulo kong isipan ang naging laman ng utak ko buong minuto.

Iminulat ko ulit ang mata at hinayaan ang sariling maging mulat kahit hanggang sa dalawin na lang ako ng antok. Ilang minuto, naramdaman kong gumalaw ang kabilang side ng kama, senyales na iniba nito ang pwesto.

I pretended that I'm asleep already. Pero iyong katawan ko ay nagiging alarma sa kung ano mang mangyari.

He moved again but I remained still. Nagiging malalim na iyong hininga ko. Akala ko ay magpapatuloy lang ito sa paggalaw pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

"I hope you're asleep. Alam kong hindi mo inasahang mangyari ang lahat, kahit na ako," he mouthed slowly. Mahina iyong boses niya, tamang-tama lang para marinig ko. "If you only knew how much I loved you before. Kung inaakala mong hindi ko ipinaglaban ang tungkol sa ating dalawa, hindi totoo iyon. I just want the best for you so that leaving you is my choice."

Sandali itong tumigil, huminga ng malalim at pinanatili kong nakikinig ang mga tenga ko sa kanya.

Bakit sinasabi niya ngayon ito sa akin?Tungkol sa mga nangyari noon? And does he think that this won't hurt me again? Kung alam niya bang nagpapanggap lang akong tulog dito ay sasabihin niya pa rin ba ito?

"If you were hurt of what happened to us before, then I was deeply hurt, too. Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na paalisin ka sa harapan ko. Kung alam mo lang kung paano ko nagawang tiisin na mabuhay na hindi ka nakikita o nakakausap man lang. If you only knew how hard it is for me to continue living without the only strength that I have.

"Ikaw ang naging lakas ko pero hindi ko aakalaing ikaw rin ang makakapagpahina sa akin. My life became meaningless when I left you." Narinig ko kung paano siya nanghihinang humikbi. His weak and fragile side rose again.

"Sabi ko nga dati, baka hindi na rin ako magkaroon ng pagkakataong masilayan kang ngumingiti na ako ang dahilan. Ayos lang basta nakikita kitang masaya ay masaya na rin ako. I can't be selfish. Sino ako para pigilan ko ang taong magmahal ng iba kung una pa lang ay ako na ang sumuko?"

Pinigilan ko ang sariling lumikha ng kahit kaunting ingay. I never moved. Hindi rin mapigilan ang sariling masaktan sa lahat ng sinasabi niya.

Just like him, my world fell and didn't go back on its place when he left me. Bagay na pareho naming naranasan na hindi ko inakalang mas malaki pala ang naging epekto niyon sa kanya.

And leaving was his choice for the best of me.

He decided to do it for the sake of me.

"I'm sorry if I left you with our child. I'm sorry for the pain that I've caused you, for the incomplete life, for the times when you needed me the most but I'm nowhere to be found, for the times that I should be there on your side fulfilling each of our dreams. I'm so sorry, Aria."

Tahimik akong naiyak sa lahat ng narinig mula sa kanya. Hinayaan ang mga luhang lumandas sa pisngi.

If you only knew how much I love you from the start until now. If you only knew that I am still into you, to the man who made me experience the love, the feeling that I am curious of.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now