"Doon ka na samin." turo niya sa bleachers.
Umiling agad ako dahil sa sinabi niya. Ayoko don! Kahit gusto ni Fire na doon ako umupo parang di ko naman deserve na umupo doon.
"Sa taas nalang ako." tanggi ko at tinitigan siya, paano ba ako magpapaalam na aalis na ko? "Ahm, sige." tanging nasabi ko.
"Sey."
Nagulat ako dahil sa tawag niya. Nilingon ko siya.
"Can you wish me luck too?"
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Mabilis akong kinabahan muli at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Ah g-goodluck, Allen."
Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papunta sa bakanteng upuan sa medyo taas. Nakahawak ang kamay ko sa dibdib ko sa sobrang bilis nito. Ayoko na talaga!
Kumalma ako noong magsimula na ang game. Ngumiti ako kay Fire noong makita niya ako. He smiled back. Hindi ako masyadong attentive sa game. Pinagmamasdan ko lang ang kapatid kong gumalaw at minsan din lumilipat ang tingin ko kay Allen.
I clap my hands when their team scores, malakas kung si Fire ang nakakashoot ng bola. He looks proud every time he does, na sa tingin ko ay nararapat lang. He should really be proud of the things he can do.
The game ended with them winning. Dinumog sila ng mga gustong magcongrats kaya naman binati ko na lamang si Fire sa pamamagitan ng text at nagpaalam na din na mauuna na akong umuwi dahil baka may gagawin pa siyang iba lalo na at unang panalo nila ito ngayon.
Naglalakad ako papuntang park habang hinahanap ang number ni Kuya Ed dahil magpapasundo ako at maghihintay na lamang sa park noong may bumusina sa tabi ko.
Napatigil at napatingin sa pamilyar na itim na Range Rover na tumigil. Bumaba ang bintana nito at nagpakita ang mukha ni Theo. He's wearing his formal clothes, nakatupi nga lang ang kanyang polo katulad noong una ko siyang nakita. I suddenly got chills, my heart is racing fast because I'm nervous but also because of excitement! Unang beses kong naignora ang aking kaba dahil nagpakita na ulit siya.
"Hi, do you have time?"
"Theo." bati ko sa kanya.
"Sorry, I got busy kaya hindi agad kita napuntahan. But are you still free?"
"Of course!" I beamed.
Mukhang nagulat siya sa reaksyon ko at halata iyon. Agad akong nahiya, hala! Ano bang ginagawa mo, Sey? I blushed when he chuckled.
"Get in, let's find a place to talk."
Pumasok ako ng kotse niya at tumungo agad. Nahihiya ako.
"Do you know a place?"
"I know some burger house?" mahina at nahihiya kong sagot. Masyado ba akong obvious? Ano bang meron sa kanya at nagiging ganito ako?
"Great!"
Tinuro ko ang direksyon sa kanya. Noong makarating kami ay hinayaan ko nalang siyang mag-order dahil ewan ko ba, bigla nanaman akong nahiya sa kanya.
"Did you wait?"
"H-hindi naman."
Iniwas ko ang tingin ko dahil ayokong malaman niyang nagsisinungaling ako. Actually, pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumaas na ang anticipation ko at hinihintay ko ang balita sa kanya araw-araw. And I feel sad too every time he won't appear. Kasi naman, I really want to go, ito ang unang beses kong makakapunta kung sakali!
"Sorry, nalaman ko kasing may sched pala ako the day ng art expo so I tried to re-sched all earlier para masamahan ka."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya at mas lalong nahiya. Mukhang nakakaabala pa ako.
YOU ARE READING
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...
