"Oo, unlimited ang load ko. Pero hanggang dalawang araw lang" sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang natawa.

"Sabihin mo sa akin pag wala ka ng load. Iloload kita" sabi niya sabay kindat pa. Napaawang ang labi ko.

"Bakit? Nagloload ka? Bussiness?" panguusisa ko. Nagulat ako ng pisilin niya ang aking pisngi. Shuta!

"You're so cute Tathi, I really like you" sabi pa niya bago siya humalakhak sa aking harapan.

Lumilipad tuloy ang utak ko habang nagaarrange ako ng mga halaman sa may garden. Nakatabi sa isang gilid ang cellphone ko. Sabi ni Aaron, mamaya na lang daw siya magtetext sa akin pag hindi na ako masyadong busy. Hindi na din bumalik si Senyorito baby matapos siyang humingi ng pangalawang tasa ng kape sa kitchen. Ano kayang problema nuon? Inaantok pa?

"Oh Tathi. Kumuha ka na ng mirienda diyan" salubong sa akin ni Manang bobby ng pumasok ako sa kitchen. Ang sarap talaga dito sa mansyon. Hindi lang mirienda sa hapon ang meron. May mirienda sin sa umaga sa pagitan ng almusal at tanghalian.

Nakita ko ang iba't ibang uri ng kakanin sa may malaking bilao. Kumuha ako ng ilan sa mga gusto ko at inilagay iyon sa platito. Walang tao sa kitchen dahil busy ang lahat sa may dinning, iyon din ang kinakain ng mga bisita ni Senyorito Luigi. Marami kasing masasarap na kakanin dito sa bulacan, bukod sa mga chicharon.

Tahimik akong kumakain ng bigla akong magulat dahil sa biglang pagpasok ni Senyorito baby. Diretso siyang naglakad patungo sa may ref, binuksan iyon at nagsalin ng tubig sa isang baso.

"Kain po" magalang na yaya ko sa kanya pero hindi niya naman ako pinansin. Bumaba ang tingin ko sa aking pagkain, kumakain kaya siya nito? Sa pagkakaaalam ko ay mayaman ang pamilya nila sa manila. Kumakain kaya ang mayayaman nito?

"Coffee, sa garden" matigas na sabi niya sa akin bago ako tinalikuran. Napaawang ang labi ko, napatingin ako sa paligid. Ako lang naman ang nandito. Ibig sabihin, ako ang inutusan.

Nakakunot ang noo ko habang hinahanda ang kanyang kape. Pangatlo na ito! Umaga pa lang. Pwede ba iyon? Baka mamaya ay mapano siya.

Kahit nagaalala ay sinunod ko pa din ang kanyang iniutos sa akin. Lalabas na sana ako ng makita kong hindi pa ubos yung cassava sa plato ko. Nanghinayang ako kaya naman kaagad ko iyong tinusok ng tinidor ay sinubo. Halos manuwalan ako sa laki nuon pero ayos lang. Kesa naman masayang.

Ngumunguya pa ako habang naglalakad ako palabas sa may garden dala ang pangatlong kape ni Senyorito baby. Nakaupo na ito sa kanyang usual spot at nagtitipa sa kanyang laptop. Minadali ko ang pagnguya sa cassave cake, hindi ako makakapagsalita kung hindi ko bibilisan iyon.

Inilapag ko sa kanyang table ang kape. Nagangat siya ng tingin sa akin, patuloy pa din ako sa panguya ng malaking piraso ng cassava cake sa aking bibig. Shuta, Tathi! Lunukin mo na yan.

Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha habang pinapanuod akong hirap na hirap sa pagnguya at paglunok ng cassava. Susubukan ko na sanang magsalita ng itinuro niya ako kaya ako natigil.


"Don't you dare speak, when your fucking mouth is full" matigas na utos niya sa akin. Mabilis kong itinikom ang bibig ko dahil duon. Grabe, kahit ganuon ang sabihin niya ay ang sexy pa din!


Inis niyang ibinaba ang tingin niya sa kalalapag ko lang na tasa sa kanyang harapan. Bumaba din ang tingin ko duon. Nang sa wakas ay naubos na ang nasa bibig ko ay nakapagsalita na din ako.


"Pangatlo niyo na po iyan. Ok lang po ba kayo? Baka masyado kayong magpalpitate" pagaalala ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.

"Did I ask for your opinion, Kid?" masungit na tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, siya ba talaga? Siya ba talaga yung unknown number? Pero sabi niya ayaw niyang hingin ang number ko!? Paano niya nakuha!?

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora